Chapter 1(Part1): The Devilish Princess

156 80 6
                                    

Nagkukumahog na lumapit ang book store manager sa itinuturing nilang VIP customer sa araw na iyon.

Sumisigaw na kasi ito sa isang baguhan nilang kahera. Hindi na rin alam ng ibang staff kung paano pahuhupain ang galit nito.

Actually, hindi naman nila first time naging customer ang VIP na iyon. Suki nga ito ng store nila eh. Itong maganda, sexy, hindi katangkaran subalit poise na poise ito lumakad at tumayo, nakakahalina talaga.

Ang kutis nito ay napakakinis, bagaman hindi man mestisahin ay halata na alagang-alaga ang balat nito. Of course, mayaman kasi.

Ang buhok nito ay mahaba, makintab at medyo paalun-alon. Napakabango pa ng samyo nito, 'yung tipong naiiwan ang amoy kahit nakaalis na sya.
Subalit sa kabila ng maganda at maamo nitong mukha ay nagtatago ang 'PANGIT NITONG UGALI'.

Yes. Ang pangit ng pag-uugali nitong VIP customer nila.

Sa tuwing darating ito sa store nila ay lagi itong galit, at may kinagagalitang staff nila.

At sa tuwing aalis nga ito sa store nila ay parating may nasisanteng tauhan nila.

Ngayong galit na naman s'ya ay tila may madadadag na naman sa listahan ng mga isisisante sa staffs nila.

"Ma'am, kailangan na po kayo talaga,"

Anang ibang staff ng store.

"Malapit na po s'yang magwala na naman."

"Naku, nalintikan na."

Ang nabigkas ng store manager habang patakbong lumalapit sa kinaroroonan ng kanilang VIP customer.

"Masama ba kung itong sign pen lang ang gusto kong bilhin?!"

Ito ang mauulinigang tinig ng VIP customer na tinutukoy.

"W-wala naman Po, m-maam,"

Ang nauutal na sagot ng kahera.

"A-akala ko po kasi marami kayong bibilhin k-kagaya ng books, kasi pinasara nyo pa ang store namin today."

"Ma'am, magandang araw po,"

Masaya at magalang na bati ng store manager sa kanilang VIP nang makalapit s'ya dito.

"May problema po ba? Hindi po ba tayo naa-assist ng maayos?"

"Ikaw!"

Mataas ang tonong sabi ng VIP.

"Ikaw ang problema!"

Nagulat pa ang store manager nang duruin pa s'ya ng VIP.

"Wala dapat kayong pakialam kung ano o magkano ang bibilhin ng customes n'yo."

Patuloy pang pagtataray nito.

"Lalo na kung ang customer n'yo ay ako! Kahit sign pen, stabilo o lapis ang gusto ko sa store n'yo wala kayong pakialam."

"Pasensya na po kayo,"

Anang store manager.

"Shut up!"

Bulyaw ng VIP. Dahilan para mapayuko na lamang ang store manager.

"Oh baka naman iniisip nitong magaling n'yong cashier na wala akong pambili ng books."

Kiss in BarrierWhere stories live. Discover now