Chapter 10: Excited To Go Home

55 48 0
                                    

     Hatinggabi na ay gising pa si Marga. Hindi sya dalawin ng antok.
     Naisip nyang maglakad-lakad muna.
     Natigilan sya ng mamataan sa di-kalayuan ang lalaking nakita nya nung nakaraan na namataan nyang may hawak ng phone nya.
     Mabilis nya itong nilapitan at hinawakan ng mahigpit.
    "Ikaw, ibigay mo sakin ang phone ko," utos nya rito.
    "P-phone?"
    Hindi nya na ang inulit ang sinabi nya, alam naman nyang hindi nito naiintindihan ano ba yung phone na sinasabi nya.
     Kinapkapan na lamang nya ito.
     Nakuha nya sa suot nito nakatago ang phone nya.
    "Ikaw yung babaeng nandyan sa loob ng bagay na yan?" natatakot na tanong ng taong iyon.
     (Marahil nakita ng tao ang pictures nya sa phone nya)
     "Anong klaseng bagay ba yan? T-tao ka ba?," lalo itong natakot. Halimaw ka yata."
     Saka sa takot ay nagtatakbo ang taong iyon palayo sa kanya.
    "Baliw,"
     Nasambit na lamang nya habang tinatanaw ang taong iyon.
    "Nagkita tayo uli,"
     Nagulat sya ng biglang makarinig ng tinig sa likuran nya.
     Nanlaki ang mga mata nya  ng mamataan kung sino iyon.
     "Ikaw yung matandang nagdala sakin dito,"
    Sambit nya ng makilala ito.
    Nginitian lamang sya nito.
    "Ikaw yun , diba?," anya pa sabay kapit sa braso nito. Bakit ngayon ka lang nagpakita? Ibalik mo na ko, oh."
    "Hindi ako ang nagdala sayo dito," wika nito. Kundi ang tadhana."
    "Tadhana?,"
    "Kapalaran mong mapunta rito," anang matanda. Gusto mo na bang umuwi?"
    "Syempre," mabilis nyang sagot. Gustong-gusto. Ngayon na ba? Tara."
     "Sa susunod na kabilugan ng buwan," wika nito. Magkita tayo sa kabundukan kung saan ka unang natagpuan. Uuwi na tayo."
    "Bakit hindi pa ngayon?"
    Hindi ito sumagot at saka biglang naglaho.

     Lumapit ang tagapaglingkod sa kanyang among intsik(taga-Qing), upang iparating dito ang isang mahalagang impormasyong kanyang nasagap.
     "Nalaman ko na ang pangalan ng nanakit sa inyo sa bahay-aliwan,"
    "Sino ang mga hangal na yon?"
    "Ang isa ay hindi ko pa tiyak, subalit ang isa ay  nagmula sa isang maharlikang angkan," wika nito. Ang ngalan nya ay Sang Wang-Rin, isa syang hukom sa palasyo."
    "Hukom sa palasyo pala, ah," nakangising wika ng amo. Kaya pala malakas ang loob nyang kalabanin ako."
     Nangingisi ang amo habang hinihimas-himas pa ang balbas nito.

    Nagmamadali si Prinsepe Lee Sun na makarating sa bulwagan ng Hari, sapagkat ipinag-bigay alam sa kanya na nagpatawag ng biglaang pulong ang kanyang ama.
    Sa pasilyo ay nakasalubong nya ang dalagang ipinakilala sa kanya ni Lady Jang na mapapangasawa nya raw.
    Si Yeo-San.
    "Kamahalan," sambit ng dalaga. Magandang araw."
     Subalit tinapunan nya lamang ng tingin ang dalaga at ni hindi binati.
     Pagkaraka'y natapilok sa harapan nya ang dalaga.
     Subalit nasalo nya ito.
     "Kamahalan,"anas ng dalaga, na napapilig pa sa mga braso nya.
     "Binibini," anya rito. Ang sabi ng aking ama nasa sayo raw ang mga katangian ng magiging susunod na Reyna."
     "Pero sa palagay ko, unahin mong ayusin ang paglalakad mo," anya pa.
     Iyon lamang at binitawan nya na ito, at nagpatuloy sa pupuntahan.
     Ang tagpong iyon ay namasdan ni Lady Jang sa di kalayuan. Napangisi ito sa nakita.

    Hindi man halata ay tuwang-tuwa si Marga sa tinuran sa kanya ng mahiwagang matanda, na uuwi na sila.
    Nasa pwesto sya ng paninda nila kinabukasan ay manghang tinitigan nya ang phone nya na hindi man lang nasira, sa pagkakatanda nya kasi ay nahulog ito sa bangin bago pa nya ito nakitang kinuha ng lalaki.
     Nakapagtataka na ni hindi nabawasan ang battery power nito. Full charge pa rin.
     Pagkaraka'y nagsalita si Ginoong Jung Sik habang tinititigan din ang hawak nyang phone.
    "Ano ang bagay na yan?"
    "Gamit namin to sa 20th century-
    "A-ang ibig kong sabihin, moderno ang mga kagamitan sa lugar ko
    Tumango-tango ang matanda kahit hindi lubos naiintindihan ang sinabi nya.
    "Jung Sik," anya rito. (Hindi nya talaga to tinatawag ng may paggalang. Kailan ang susunod na kabilugan ng buwan?"
    Nag-isip ito sandali saka sumagot.
    "Sa susunod na pitong araw"
    Napabuntong-hininga sya.
    "Tagal pa pala,"
    "Bakit? Anong ibig mong sabihin?", tanong nito sa kanya.
    "Wala," anya. Sa palagay ko konting panahon na lang ang pagsasamahan natin."
    Bahagyang nalungkot ang matanda sa tinuran nya.
    "Aalis ka na?"
    Tumango sya.
    "Hinihintay ko lang ang susundo sa kin."
    Sa di-kalayuan ay natanaw nyang paparating si Hukom Sang Wang-Rin.
    Napangiti ito ng makita sila, kumaway pa nga ito.
    Pagkaraka'y bigla itong nilapitan ng mga kawal at dinakip.
    "Ginoong Sang," si Jung-Sik ang napabulalas.

Kiss in BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon