Chapter 3 (Part 1): The Unfair Reality Between Rich & Poor

82 60 1
                                    

 
Naglalakad sa pasilyo ng palasyo si Lady Jang kasama ang kanyang mga tagapaglingkod, nang makasalubong ang anim na taong gulang nyang anak na si prinsesa So-Bong.

Isang nakakatakot na titig ang itinapon nya sa anak.

"Ano at nagliliwaliw ka sa palasyo?"

Asik nya sa bata.

"Hindi ba't inutusan kitang manatili sa iyong silid?"

Subalit hindi inalintana ng batang prinsesa ang pag-aasik nya. Bagkus ay isang matamis na ngiti ang isinukli nito.

"Para sa iyo, ina,"

Ang nakangiting wika ng anak, habang iniaabot nito sa kaniya ang bungkos ng bulaklak na kanina ay kinuha nito sa halamanan.

"Nakakabagot ang manatili lamang sa aking silid buong araw, kaya't ikinuha kita ng paborito mong bulaklak (Dahlia).

Subalit imbes na tanggapin ay inihagis ito ito ni Lady Jang sa lapag.

Naiyak ang batang prinsesa sa ginawa ng kanyang ina.

Subalit hindi man lamang nakonsensya si Lady Jang at patuloy na kinagalitan ang anak.

"Mahigpit kong ipinagbabawal ang pamimitas ng bulaklak sa aking hardin, hindi ba?!"

"Patawad, ina."

Humahagulgol na wika ng bata.

"Ulitin mo pang suwayin ako ay ipatatapon talaga kita sa malayo."

Lalong humagulgol ng malakas ang batang prinsesa.

Sapat upang marinig ng dumaraang Reyna ang ingay nang pag-iyak nito.

"Ano'ng nangyayari dito?"

Namalayan na lamang ni Lady Jang na nakalapit na sa kanila ang Mahal na Reyna.

Yumukod sya rito bilang paggalang.

"Mahal na Reyna,"

Sambit ni Lady Jang.

Pagkaraka'y patakbong lumapit ay yumapos ang batang prinsesa sa Reyna.

"Kamahalan, ang sabi nyo ay matutuwa ang aking ina sa mga bulaklak."

Humahagulgol pa ring wika ng bata.

Namasdan ng Reyna ang bulaklak na nasa lapag.

"Lady Min,"

Tawag ng Reyna sa kanyang Punong tagapaglingkod.

"Paglaruin nyo muna si prinsesa So-Bong sa aking silid."

Malumanay nyang utos sa mga ito. Na agad namang sumunod.

Saka ito bumaling kay Lady Jang.

"Tinapon mo ang bagay na pinaghirapan ng iyong anak."

Anya kay Lady Jang.

"Nagiging maiinitin ang ulo ko nitong mga nakaraang araw, patawad, kamahalan."

Tugon ni Lady Jang.

"Isa pa, hindi na pinakikinggan ng prinsesa Ang mga sinasabi ko. Kaya nais ko lamang syang itama."

Kiss in BarrierWhere stories live. Discover now