Chapter 4 (Part1): The Gossip

68 56 0
                                    


Agad na hinubad ni Marga ang suot n'yang kasuotan at agad na isinuot ang sedang kasuotan na ibinigay ng ginang na may-ari ng bahay-aliwan.

Bagay na bagay talaga sa kan'ya ang kulay lila at dilaw na sedang kasuotan na iyon. Nagmukha s'yang maharlika.

"Tingnan mo nga naman, may pera na 'ko, may silk pa. Hindi ko na kailangang bumili."

Patawa-tawa n'yang wika sa sarili.

Subalit napahawak s'ya sa balakang ng biglang sumakit ito.

"Pero kapalit nito ay ang pananakit ng buong katawan ko..."

Napapangiwi pa s'ya habang iniinat-inat ang likod.

"Ang saya saya mo naman."

Gulat s'yang napalingon sa
narinig na tinig.

"Jung Sik, nakakagulat ka naman!"

Napabulalas s'ya ng makitang nasa likuran n'ya si Ginoong Jung Sik.

Nakangiti ito sa kan'ya.

Subalit biglang nagbago ito ng anyo at naging si Alodia.

Na agad namang sinimangutan ni Marga.

"Ano?"

Pataray n'ya rito.

"'Wag masyadong matuwa. Lahat ng kabutihang pinapakita sa'yo may kapalit. 'Wag basta-basta maniniwala."

Makapakahulugang sabi ni Alodia

"Ano na namang-

Subalit bago pa s'ya matapos sa pagsasalita ay bigla na itong naglaho.

Nagtaka man s'ya sa tinuran nito ay hindi n'ya iyon pinansin.

Pagkaraka'y dumating sina Jung Jung at ang tunay na Jung Sik at namangha ng makita s'ya sa bago n'yang ayos.

"Ikaw ba 'yan, binibini?"

Manghang tanong ni ginang Jung Jung.

"Bagay na bagay sa'yo,"

Wika naman ni Jung Sik.

Tila pumalakpak ang tenga n'ya sa narinig, hindi n'ya lang pinahalata na natutuwa s'ya sa pagkamangha nito sa kan'ya.

"Ito na ang susuutin ko simula ngayon. P'wede n'yo ng itapon ang isang 'yan."

Anya na itinuro pa ang hinubad n'yang kasuotan.

"S'ya nga pala,"

Pagkaraka'y inabutan n'ya ng salapi si ginang Jung Jung.

"Bayad ko nga pala 'to sa pagpapatira n'yo sa'kin. Hayaan n'yo pa 'kong manatili dito, Magbabayad na lang ako ng upa."

"Hindi na. Hindi ko matatanggap ito. Pwede ka namang manatili dito ng walang kabayaran."

Tanggi ni ginang Jung Jung.

"Kunin mo na. Ayokong magkaroon ng utang na loob."

Giit n'ya. Walang nagawa ang ginang kundi tanggapin ito.

Pagkaraka'y dinaanan n'ya na ang mga ito at akmang aalis.

"Binibini?"

Pigil ni Jung Sik.

Kiss in BarrierWhere stories live. Discover now