Chapter 1 (Part2): She's just lonely

101 76 1
                                    


     Katatapos pa lamang ng ginanap na Bible Study sa tahanan ni Presidente Louie Villegas, kasama ang malalapit na tao rito.

   Sa tahanan nito sa Makati madalas iyon ginaganap, sapagkat once a week lamang nakakauwi rito ang Pangulo.

Ang pinakamalapit sa puso nya ay ang kaibigan at pastor din na si Connor Jung, half Korean, half Filipino.

  Ito ay matagal nya ng kaibigan.
Kaklase nya kasi ito nung college days nya, intern ito sa unibersidad na pinapasukan nya rito sa Pilipinas. At ng maglaan ay dito na nakapag-asawa at dito na rin sa bansa nanirahan.

Sinuportahan sya nito sa kanyang mga desisyon at hakbang sa pagpasok sa pulitika, hanggang sa ngayon na Presidente na sya ng bansa.

       Sa ngayon ay ito naman ang sinusuportahan nya sa pagsabak nito bilang senador ng bansa sa darating na eleksyon.

Paalis na ito ng dumating si Marga.

"Good afternoon, Marga," ang nakangiting bati nito sa kanya. Narito ka na pala."

Subalit 'poker face' lamang ang isinukli nya rito.

"Next Thursday Sana mas maaga kang makauwi."

Ang ama naman ang nakangiting kumausap sa kanya.

"Para makaabot ka sa Bible study."

Subalit maging ang ama ay dinaanan nya lamang.

Napabuntung-hininga na lamang ito.

"Ah, mister Jung,"

Ang tawag ni Marga sa koreanong Pastor.

"Yes?," nakangiti ito.

"Meron akong gustong itanong sa'yo," direktang wika nya rito. Bakit gusto mong maging senador sa Pilipinas? Hindi ba dapat ay nandun ka sa bansa mo?"

"Marga," pabulong na saway sa kanya ng ama.

Subalit hindi inintindi ni Marga ang ama. At patuloy na kinausap ang koreanong Pastor.

"Kung mananalo ka sa eleksyon, anong batas naman ang ipapasa mo?", pagpapatuloy ng dalaga habang natatawa-tawa ito. Bukod sa k-drama, k-attire, k-pop, ano pang ii-introduce mo sa mga pinoy?"

"Tumigil ka na," muling saway ng ama, sa pagkakataong iyon ay medyo paasik na ito.

"It's ok, Louie," anang koreano.
"May dugong Pinoy din naman ako, hindi nga lamang ako dito ipinanganak," turan pa nito. Subalit mahal ko ang Pilipinas. Malinis ang intensyon ko dito."

"If you were ask me, hindi mo kailangan ng posisyon para makatulong sa bansa," turan ni Marga. Pastor ka, alam mo yan. O baka naman ginagamit mo ang relihiyon para makapagnakaw ng malaki?"

Kiss in BarrierWhere stories live. Discover now