Chapter 2(Part2): The Mysterious Forest

81 64 2
                                    


Sa pagliliwaliw ng Prinsepe ay naisipan nyang magtutungo sya sa tahanan ng minsan ay naging tagapangalaga nya rin.

Sa tahanan nina Han Jung-Jung at Han Jung-Sik.

At ang daan nya ay sa kagubatan, na itinuturing na sagrado at misteryoso.

Maraming kwento ng kababalaghan tungkol sa kagubatan na iyon, kaya naman pinangingilagan itong puntahan ng mga tao.

Subalit dahil hindi sya mapaniwalain sa kwentong bayan at katatakutan ay dito sya dumadaan patungo sa kanyang mga pinupuntahan.

Habang sakay ng kabayo ay natigilan sya ng biglang umulan.

Naisip nyang magpatila muna sa isang malaking puno malapit sa kabahanginan.

"Ang bagal mo kasing tumakbo. Naabutan tuloy tayo ng ulan."

Nakangiting wika nya sa kanyang kabayo habang humihimas ang mukha nito.

Noon nya napansin ang isang babaeng nasa gilid Ng bangin at nakakapit sa sanga ng nakahigang puno at malapit ng mahulog.

Dali-dali syang nagtungo sa kinaroroonan nito.

Muntik na syang mahuli ng dating sapagkat saktong nakabitaw na ito sa pagkakahawak sa sangang kinakapitan.

Mabuti na lamang ay naabot nya ang kamay nito.

"Kumapit ka ng mahigpit."

Wika nya rito. Nahihirapan din syang iangat ito sapagkat lumalakas ang ulan, kulog at kidlat, na may malakas na hangin.

Bukod dun ay malikot pa ito.

"Wag kang magalaw, hayaan mo lang na maiangat kita."

Subalit magalaw pa rin ito. Na tila ba nagpupumiglas pa ito.

"Bitawan mo ko. Gusto ko ng mamatay."

Wika iyon ng babaeng inililigtas.

Subalit dahil sa maingya nga ang paligid ay hindi nya ito gaanong marinig.

"Anong sabi mo? Hindi kita marinig."

Tanong nya rito.

"Ang sabi ko gusto ko ng mamatay."

"Ayaw mo pang mamatay? Alam ko naman iyon, kaya nga ito tinutulungan. Pero wag ka ring malikot dahil baka pareho tayong mahulog."

"Bingi ka ba?! Ang sabi ko gusto ko ng mamatay!!!"

Sa pagkakataong iyon ay naiangat nya na ang babae at nailigtas. Kasabay nuon ay ang pagtila ng ulan.

"Grabe. Kinabahan ako duon. Mabuti na lang dumating ako."

Ngunit laking gulat nya ng imbes na magpasalamat ay tinulak pa sya ng babae.
PAgkatapos ay patakbo itong nagtungo uli sa gilid Ng bangin at akmang tatalon.

Mabuti na lamang ay maagap nya itong napihit palayo sa bangin at mahigpit na hinawakan sa braso.

"Ano bang ginagawa mo? Sira ka ba?"

Pagalit nyang tanong rito.

"Pabayaan mo na nga ako. Gusto ko ng tapusin ang buhay ko."

Subalit mas galit pa ang babae kesa sa kanya.

"Nagpapakamatay ka naman pala bakit hindi mo sinabi agad? Para hindi na ako nagpagod na tulungan ka."

Kiss in BarrierWhere stories live. Discover now