Chapter 2 (Part1): The Unknown Place At The Unknown Time

91 69 4
                                    

(Joseon Dynasty/Era / Old Korea)
(Also pronounce as Chosun Dynasty)
(Taong 1392- 1897)

Sakay ng kabayo ay tinutugis ni Hukom Sang Wang-Rin at ng mga kasama nyang kawal ang ilang tulisan.

Subalit mabilis na nakalayo ang mga ito.

Sa pagpapatuloy nila ay napansin nya na tila may gumagalaw na kung ano sa bahagi ng damuhan.

Papanain sana ito ng kasamahan nyang babae na si Choi Yeo-Reum, (bihasa sa pakikipaglaban); subalit pinigilan nya ito.

Nang mapansing hindi na kumikilos ang ano o sinumang naroroon sa dakong iyon ay saka nila ito dahan-dahang nilapitan. Sa pag-aakalang isa iyon sa mga tulisan na tinutugis nila.

Ngunit laking gulat nila sa kanilang nakita.

Kanya-kanya silang takip ng mata at ang iba'y umiwas ng tingin.

Isang walang malay na babae ang kanilang natagpuan, may sugat ito sa ulo.

Kakaiba ang hitsura at pananamit nito.

Alun-alon ang buhok nito.

Maiksi ang kasuotan nito.

Halos hubad ang tingin nila rito dahil sa pananamit nito.
Taliwas iyon sa konserbatibong kasuotan ng mga kababaihan sa kanilang bayan.

Sa sapantaha nila ay dayo lamang ito sa kanilang lugar.

********************************
********************************

Kumikirot ang ulo at masakit ang katawan ni Marga nang sya'y magkamalay.

Kinusut-kusot nya ang mga mata nang tila nasilaw sya sa liwanag.

Sa pagkakaalala nya ay naaksidente sya ng gabi.

Na bumangga ang kotse nya sa isang ten-wheeler truck.

Kaya kataka-taka na wala man lamang syang natamong sugat.

Subalit hindi sya pamilyar sa lugar kung saan s'ya naroroon.

Hindi nya pa ito nakita sa buong buhay nya at malayo rin ang hitsura nito sa ospital.

'Anong lugar 'to?'

Makailang beses nyang inikot ng paningin ang kabuuan ng tila ba silid na iyon.

Marupok na sahig, pawid na dingding at bubungan. Ni walang semento o bato.

Kaya kahit masakit ang katawan at ulo ay pinilit nyang tumayo at maglakad.

"Agassi,"

Nagulat sya nang may biglang nagsalita sa likuran nya.

(Ang salitang 'agassi' ay nangangahulugang binibini sa Korea)

Laking pagtataka nya sa hitsura at pananamit Ng babaeng tumawag sa kanya.

Kunot-noo nya itong tinitigan mula ulo hanggang paa.

May mga ibang tao rin itong kasama na nakatitig din sa kanya. Ganun din ang mga pananamit Ng mga ito.

"Anong shooting 'to?"

Nagtatakang tanong nya sa mga ito, sa pag-aakalang mga artistang naka-costume lamang ang mga ito at nagsu-shooting ng pelikula.

"Sino ka? Sino kayo?"

Subalit maging ang mga ito ay nakatinginan at hindi maunawaan ang ibig nyang sabihin.

Kiss in BarrierOnde as histórias ganham vida. Descobre agora