Chapter 1

134 11 11
                                    

Simplicity is how you can describe my whole life. Well, as of now though.

Ganyang-ganyan ko mailalarawan ang buhay ko. Napaka simple lang. Hindi mayaman pero may kaya.

Hindi mansyon ang aming tirahan ngunit maipagmamalaki naman. You can say that our social status is average. But our looks are beyond of it.

Pinapaligiran ako ng 3 nagga-gwapuhang lalaki sa pamilya namin. Si Papa ay 45 years old na pero hindi halata sa kanyang mukha dahil sa dugong german na nakuha pa niya sa ninuno namin. Sila Kuya Harold at Kuya Neil ay nagmana kay Papa. Lalaking lalaki at brusko ang mga katawan at kung pagtatabi-tabihin silang tatlo ay magmumukha lang silang magkakapatid dahil halos pare-parehas lang ang hulma nila. Sa ugali na lang siguro sila nagkakaiba.

My father is the typical patriarch you know. May curfews and rules na dapat sundin. But at the same time, he's also lenient. Siguro dahil alam niya rin na kapag mas lalo siyang naghigpit, lalo lang kami magpapasaway.

Si Kuya Harold naman, ang panganay sa aming tatlo, ay ang pinaka tahimik sa amin. Minsan lang siya magsalita at napaka seryoso masyado. Pero pag alam niyang may problema ka, handa siyang makinig sa'yo kahit nasaan pa siya o anong oras pa 'yan.

Si Kuya Neil ay katulad ni Papa. Medyo istrikto but unlike our father, palabiro at minsan mapang-asar.

Hindi man kami mayaman sa pera, mayaman naman ako sa pagtanggap mula sa tatlong lalaki sa buhay ko. I'm so lucky that I never needed to confess my sexuality and identity to them because they already knew it since the start of my blooming.

Bata pa lang, lalambot lambot na talaga. Loves pink more than blue. Plays with girls rather than boys. Alam na nila ang aking kasarian noong lumalaki pa lamang ako. Ang sabi nila, naramdaman na raw nila kaagad dahil sa aking mga kilos.

Noon pa lang, hindi na talaga ako mahilig makipaglaro sa mga batang lalaki. Siguro dahil na rin maliliksi sila at baka isang dunggol lang sa akin ay matumba na kaagad ako sa sobrang hinhin ko.

Kaya sa mga batang babae lang ako nakikilaro. Lutu-lutuan. Make-ups. Bahay-bahayan. Dolls and such.

Hindi rin kasi ako pinapalabas masyado noon ni Papa dahil sayang daw ang maputi kong balat at baka bata pa lang ay magka-peklat na kaagad ako.

Kaya ang mga kalaro kong babae na lang ang pumupunta sa bahay namin upang doon maglaro o di kaya'y ako naman ang pupunta sa mga bahay nila. Basta bawal sa kalsada.

Talking about girls, it's actually hard for me to grow up without a mother. A woman I can look up to. Iniwan niya kami noong baby pa lamang ako at bata pa lang sila Kuya. Ni wala nga raw yun iniwan na mensahe man lang sabi ni Papa. Sila Kuya ay galit na galit daw noon 'pag hinahanap ko si Mama pero kalauna'y natanggap na lang din naming lahat na hindi na sya babalik. We got used into it and soon enough, nawalan na lang din kami ng pake sa existence niya.

Tuloy lang ang buhay kahit ganoon. That's how life works, right? We just accept the fact that some things aren't destined to be with us at isa na roon siguro ang magkaroon ng isang Nanay.

And of course, last but not the least, I'm Alexis Christian Dela Rama. 16yrs old. Panira lang yung Christian. Sa aming magkakapatid, ako lang ang hindi nagmana kay Papa physically.

Kamukhang-kamukha ko raw kasi si Mama at 'di ko naman itatanggi iyon dahil tuwing tinitignan ko ang mga pictures ni Mama na naitago pa ni Papa, parehas na parehas nga kami ng mata at hubog ng mukha.

Maging ang katawan namin ay parehas na balingkitan. Pale cheeks, ocean blue eyes and natural plump limps. Sa ilong lang yata kami nagkakatulad. Matatangos lahat.

I thank God and all the saints dahil mukha na raw akong tunay na babae noon pa lang. Nung una'y akala ko, lagi lang akong binibiro nila Kuya at Papa. Ngunit pag nalabas ako ng bahay at napupuri na ng ibang tao ay namumula na ako sa kanilang samu't saring papuri.

Buti na lang at hindi masyadong laganap ang mga homophobic dito sa lugar namin dahil kung nagkataon, lagot sila sa mga Kuya at Papa ko. 

Madalas pa nga akong matawag na "Miss", "Ate", "Ne" at "ganda" Oh to not experience being misgendered these days is a luxury already for us, Trans women.

Ang source of income namin ay nanggagaling sa sarili naming Computer Shop. Sa awa ng Diyos, successful naman ang shop namin at hanggang 2nd floor na ito. Noon ay isang palapag lamang ito ngunit dahil dagsaan ang customers sa amin, lumago kaagad ang business at naisipan ni Papa na magpagawa ng 2nd floor.

Ang alam ko'y nagbabalak pa si Papa na bilhin ang lupa sa tabi ng aming shop upang magkaroon naman ng bakery na siyang ima-manage ni Kuya Neil dahil marunong itong mag-bake. He can benefit from the course he took in College.

"Pa! Alis na po ako." Kakatapos ko lang magbihis bago pumasok sa University na pinapasukan ko. Humalik ako sa pisngi niya habang naghahanda siya ng kape.

"Oh anak? Ba't ang aga mo? Maaga ka pa ng isang oras ah?" Gulat na bigkas niya.

"Pa, 'di ba ganoon naman po kada first day of school? Kailangan maaga para hindi mahuli sa paghahanap ng classroom. Atsaka, inaantay na po ako nila Jas at Irish sa kanto." Sagot ko habang umiinom ng kaunting kape at nginunguya ang aking tinapay para sa almusal.

"Oh sige, ikaw nagsabi e. Sige na. Mag-iingat ka ah?" Bilin niya.

"Opo. Pakisabi kila Kuya na nakaalis na po ako. Bye!" bigkas ko pagkahalik sa pisngi niya.

Tinatali ko na ang aking gray balayage na buhok na may haba hanggang ibaba ng aking balikat habang nag-aantay ng tricycle palabas ng Subdivision.

"Ingat, ganda." sabi ng driver na sinakyan ko pagkatapos kong magbayad. Ngumiti lamang ako at dumiretso na sa 7/11 kung saan naghihintay ang dalawa kong kaibigan.

"Lexi, OMG! Lalo kang naging fresh sa new hairstyle mo! Alam mo, paganda ka nang paganda like me!" maingay na boses ni Irish pagkasalubong ng yakap sa akin. Nitong bakasyon kasi ay sa bahay lang ako naglagi. Siguro sa 2 months na bakasyon ay 5 days lang akong gumala at kaming tatlo lang din naman ang magkakasama.

Naisipan ko magpabago ng buhok from black hair two weeks ago para na rin may new look. Good thing that our school is very inclusive sa uniform and hairstyles.

"Maganda naman talaga yan si bakla. Actually, pag pinagtabi nga kayo, mas mukha pa siyang babae kesa sayo e." sabat naman ni Jas pagkatapos makipagbeso sakin.

Natawa ako sa sinabi niya. Parehas kaming Trans ni Jas. Si Irish lang ang bilat pero kahit ganoon ay parang na-adapt na rin niya ang pagiging bakla-baklaan namin. Ikaw ba naman ang laging sumama sa dalawang Tranela palagi. Ewan ko na lang talaga.

"Tse! Pangit!" ganti ni Irish sa kanya.

"Oh, tama na. Kayo na nga lang ang magkamukha, nag-aaway pa kayo." biro ko.

"Wow, makapag-maganda siya kala mo retokada na!" singhal ni Jas.

Nagtawanan kaming tatlo. Ganito kami. Tatlo lang pero parang isang barangay pag magkakasama sa sobrang ingay nilang dalawa. We're fine with a small circle. We don't need a lot. Too crowded for my liking.

Kadalasan naman kasi ng mga malalaking circle of friends, plastikan at siraan lang ang ganap. Ano naman kung iilan lang? At least totoo at hindi plastikada.

We're now on our way to our school. The 'Montero State University'. Final year of my high school life. This is it.

I need to focus more. I need to be at my best aura and state. My target? To be the Valedictorian of our batch. It's my only key to get approved into Ivy Leagues abroad. 

No distractions for this final year, Lexi. We got this. Please, Lord.

Sweeter Than FictionWhere stories live. Discover now