Chapter 2

95 10 0
                                    

Nakaupo na ako sa paborito kong spot sa classroom, sa gitnang lane. Ayoko kasing nasa unahan. Kahit masipag akong mag-aral, ayoko pa rin namang laging natatawag sa recitation.

Mas lalo nang ayaw ko sa pinaka dulo dahil doon lagi nakaupo ang maiingay. Madadamay lang ako if ever na parusahan lahat nang nakaupo doon.

Kaklase ko rin sina Jas at Irish. Dalawang sections lang kasi bawat year level dito sa University namin para di masyadong marami ang mga estudyante. It's a semi-private school after all.

Lahat ng 1st year at 2nd year high school ay pang-umaga. Pang-hapon naman ang Juniors at Seniors. Ang classroom nga namin this school year ay parehas pa rin katulad noong last year, kaya siguro ganoon ay para na rin hindi mahirapan maghanap ang mga old students.

Nasa magkabilang gilid ko naka-upo sina Jas at Irish. Parehas silang busy sa cellphones nila samantalang ako naman ay nagde-design na ng mga front page sa notebooks ko. Di ako mahilig sa arts ah. I just love doing designs sa mga notebooks ko.

"Di ka naman ata excited niyan sis? Di pa nga nags-start yung first class natin, sinusulat mo na kaagad yung names ng subjects sa notebooks mo." natatawang sambit ni Jas.

"Palibhasa kasi pumapasok ka lang para umawra. Pero pag recitation, nganga ka na bakla." singit naman ni Irish sa kanya.

"E isa ka rin namang bobita te! Sagot mo nga sa 10 x 6 dati, 16. Mas boba ka!" sabi ni Jas.

"At least maganda ako. E ikaw?" angil ni Jas kay Irish.

"Ay wow, GGSS ka na naman! Parang di ka pinaglihi sa durian kaya ang kyawti mo ah?!" okray ni Jas sa kanya.

"OA!"

"Chaka mo!"

"Mukha kang kabayo!"

"Mukha kang bakla!"

"Tama na nga yan! Alam nyo, kayong dalawa onting-onti nalang, pag-uuntugin ko na kayo. Para kayong mag-jowa. Nagsa-sagutan palagi. Parehas na lang kayo ng IQ level para walang away!" sabi ko nang narindi na ako sa dalawa.

"E di ikaw na ang blessed!" sabay na sambit nilang dalawa. Nagtawanan na lang kami at sinulit pa ang natitirang free time bago pumasok si Ma'am at magsimula ang Orientation class.

Pagkalipas ng ilang minuto, may isang pumasok na babae sa room namin. Sigurado akong nasa 25-30 lang ang edad niya dahil ang bata pa niya tignan. Naka-jeans siya at polo shirt na black. Nakasuot rin siya ng wedge sandals na color black. Wavy ang buhok niyang kulay itim. Payat at morena ngunit natatakpan ang mukha ng salamin. Mukhang di naman masungit. Sana.

"First and foremost, Good Afternoon Seniors! I'm Grace Janna Javier but you can call me Ms. Grace na lang. I'm gonna be your adviser for your last year here in Montero State University. I know na hindi niyo pa ako kilala but I also know na namumukhaan ako at least ng iba rito, kasi I'm also a teacher from the 1st year level. So this is my first time na magha-handle ng higher level at Seniors pa. I hope we can all get along in a short period of time para mas marami tayong ma-create na memories before you leave this University." mahabang sabi nya. Napa-"aww" kaming lahat at sabay sabay kunyaring nalungkot. I like her already.

"Good Afternoon, Ms. Grace!" sambit ng buong section namin.

"Before anything else pala, do you have any questions or expectations from me? You can ask anything so that we can also know each other." sabi ni Ms. Grace.

"Ilang taon ka na ma'am?" sambit ng classmate kong lalaki.

"I'm 28 na, Nak. " sabi ni Ms. Grace

"Mukha lang po kayong 16." sabi naman nung classmate ko. Naghiyawan pa ang iba dahil inasar pa nila si Ma'am na para lang daw kaming magka-kaklase. Papasa pa kasi talaga si Ma'am as bagets sa itsura niya.

Sweeter Than FictionWhere stories live. Discover now