Chapter 5

64 4 1
                                    

"Ang pogi niya talaga be!" bulong ni Irish. Siniko ko naman siya dahil baka marinig pa siya. Tumango ako at naglakad na kami palabas ng University.

Pinagtitinginan pa kami habang naglalakad. Nagtataka siguro sila kung bakit kasama namin itong lalaki na 'to.

"Guys? Kailangan kong umuwi. May aasikasuhin daw sila Mama sa Laguna ngayon, walang magbabantay sa kapatid ko." malungkot na sabi ni Jas pagkababa niya ng kaniyang phone.

Oo nga pala, ba't ba nawala sa isip ko na pupwedeng hindi sya makasama dahil lagi niyang binabantayan ang kapatid niya. Minsanan lang kasi umuwi ang parents niya dahil sa small business nila.

"Ha? O sige na, umuwi ka na at baka mapagalitan lang ulit kami ni Tita Agnes." mataray na sambit pa ni Irish.

Natawa ako dahil totoo ang kaniyang sinabi. Pag nale-late ng uwi si Jas, ite-text kami niyan at papagalitan. Sana all may Nanay, eme!

"Mag-ingat ka ah? Mag-chat ka na lang pag nakauwi ka na." nakipagbeso kami ni Irish sa kaniya. 

"Promise, babawi ako next time." pahabol pa niya bago nag-mamadaling pumara ng e-jeep.

"Hay nako, mukhang third wheel ako nito ah?" mahinang reklamo nung isa pang bakla sa gilid ko pero rinig ko rin naman. Anong third wheel pinagsasasabi nito?

"Hoy, tumahimik ka nga diyan dahil hindi lang tayo ang magkasama. Mahiya ka, bakla!" mahinang bulyaw ko sa kaniya at siniko ulit siya.

Nasa likuran lang kasi namin si Miguel na nahuhuli sa paglalakad kaya't malaki ang tsansa na marinig niya rin si Irish. Tinarayan lang ako ng gaga at umismid pa!

"A-ah!" angil ni Irish. Nagulat pa ako dahil bigla siyang huminto na parang may iniinda. "A-ang sakit! Parang si-sinusumpong na naman ako ng Diarrhea ko." medyo nanghihina niyang sabi. Ano raw? Kelan pa 'to sinumpong ng diarrhea? That's suspicious... That's weird...

"Kung sumasakit talaga at di mo kaya, drink some medicines at magpahinga ka na lang. Kami na lang dalawa ang mamimili. I can carry the materials, don't worry." biglang sabat ni Miguel. Oy, teka lang naman! Ano, kami lang dalawa?

"A-ah, Sige M-miguel. Sorry, Sis. Kailangan ko nang umuwi e. Bye!" pagkasabi niya nun ay dali-dali siyang tumakbo at sumakay sa e-jeep. Kala ko ba masakit tiyan no'n? Paanong nakatakbo pa ng mabilis? Aba't...

"Let's go?" mahinang sabi ni Miguel sa harapan ko kaya nawala ang pagkakabaling ko kay Irish. Lagot ka talaga sa akin bukas! Ihaharap kita kay Ruel! Crush niya 'yon kaya babawi ako. Tignan natin, hmp!

"Mag-taxi na lang tayo para mabilis. Wala pa yung car ko e." prenteng sabi ni Miguel habang nag-aantay kami ng paparahin. Tumunog ang phone ko kaya chineck ko kung may message.

From: Rish

Take your shot, bakla! Bet ka niyan, feel na feel ng cupid heart kes! Tite na lumalapit sa'yo, wag mo na sayangin!!!

Bunganga talaga nito ni bakla pang-balahuraan, eh! At anong bet?! Eh halatang nanununtok 'to pag inasar mong bakla, eh.

"Hey? Are you okay?" alalang salita ni Miguel ang sumira sa inside thoughts ko. Isa pa 'to! Bakit parang ang harot-harot ng tono niya banda do'n. Punyeta!

Tumango na lang ako dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na kaming dalawa lang ang magkasama ngayon. Lord, please pabilisan po ang oras.

Hindi ko ata kayang kasama si Miguel ng matagal. No choice, Lex. Para sa grades 'yan. Focus, okay? Focus.

Magkatabi lang kaming naglalakad papasok ng mall pero walang nagsasalita. Actually, mula pa kanina sa taxi. Magkatabi kami sa likuran ng driver kaya hindi rin ako makagalaw ng maayos. Hindi ko alam kung bakit. Ewan ko kung gano'n din siya sa akin.

Sweeter Than FictionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora