6

5.6K 93 0
                                    

DIE, iyon ang unang salitang gustong isulat ni Precious sa notebook na ibinigay sa kanya ni Price. After they talk, hinayaan siya nitong mag-isa sa kuwartong itinalaga nito sa kanya para makapag-isip raw siya nang mabuti sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya. Obvious naman na ang pagpapakamatay ang gusto niyang gawin pero inunahan rin siya nito na bukod raw doon ang isulat niya. Nag-roll eyes lamang siya rito dahil wala naman siyang maisip na makakapagpasaya pa sa kanya sa ngayon kundi ang magpakamatay. Pero nang mapag-isa siya sa kuwarto upang mag-isip nang taimtim ay may mga bagay na pumasok sa isipan niya.

Kung tutuusin ay bukod sa pagpapakamatay ay mayroon pa nga siyang mga bagay na gustong gawin sa mundo. Pero dahil wala siyang oras o nakalaang panggastos man lamang sa mga ganoong klaseng kasiyahan ay hindi na niya inasikaso iyon. Sa isip-isip niya noon, mas importante sa kanya ang mga taong umaasa sa kanya kaysa sa sarili niya. Ngunit dahil sa mga nangyari at nalaman niya ngayon, laking pagsisisi niya na hindi man lang niya pinagtuunan ang sariling kapakanan bago ang iba. Sabi nga ng iba, "You must love yourself first". But in her case, she had love first the others. Iyon tuloy ay wala ng natira sa kanya. Ang akala niya kasi, kapag ginawa niya iyon ay mahahanap na rin niya ang kasiyahang matagal na rin niyang hindi nararanasan. But she was wrong. Totally wrong.

Lahat ng efforts niya ay napunta lamang sa wala. Kahit kaunti ay wala man lang siyang nakitang reward sa mga ginawa niya. Sa halip, puro pangungutya pa ang natanggap niya sa mga taong itinuring niyang pamilya. Ni hindi man lang siya ng mga ito pinahalagahan. Kahit sandali ay hindi man lang siya itinuring ng mga ito bilang isang pamilya. Ang tingin ng mga ito sa kanya ay malas kahit ginawa naman niya ang lahat para maging maayos ang dating maayos na buhay nila. Puno ng galit ang puso niya sa mga ito kaya ganoon na lamang ang kagustuhan niyang mawala na lalo na at nang akala naman niya ay nakahanap na siya ng isang taong muling magmamahal sa kanya, ay kagaya rin pala iyon ng mga taong tinulungan niya. They were all fake people. Niloko siya ng mga ito.

Sa isip-isip niya noon ay wala na naman siyang misyon sa buhay niya dahil sa mga nalaman niya. Wala siyang silbi, iyon ang halos ipamukha sa kanya ng mga taong akala niya ay nagbibigay importansya sa kanya. She told herself that because of that, she had no mission in this world. She had no reason to live. Kaya ipinagtataka niya kung bakit niya pa kailangang maligtas sa trahedyang iyon.

Siguro nga ay hindi mo pa naggagawa ang mga bagay naman na kahit simple lang ay malaki naman ang magiging ngiti mo dahil sasaya ka...

Nag-isip siyang mabuti at napangiti nang maalala ang mga bagay na gusto niyang maranasan man lang sa buhay. Pumasok sa isipan niyang wala namang masama kung magkaroon siya ng chance na gawin ang mga iyon tutal ay mawawala na rin naman siya? At least, kahit mamatay siya ay masasabi rin naman niyang kahit papaano ay mayroon rin namang nangyaring masaya sa huling sandali ng buhay niya.

Kahit sandali ay maging masaya naman ako.

That Price Torres idea was good. After all the pains, she needs a break. She needs to put her happiness first. Matagal niyang pinapangarap na maranasan iyon pero maraming pumipigil sa kanya. Ngayon ay binibigyan na siya ng pagkakataon nito na kahit papaano ay gawin niya ang bagay na makakapagpasaya sa kanya. Wala man kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa kanya, siguro ay iyon nga ang kailangan niya. Iyon siguro rin ang dahilan kung bakit hindi pa siya hinayaan ng Diyos na mamatay. Kailangan niyang maging masaya. Kahit sandali.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya nang magsimula siyang magsulat.

The Playboy Millionaires 3: Precious Moments With PriceWhere stories live. Discover now