17

8.5K 126 0
                                    

BE CAREFUL what you wish for... iyon ang katagang paulit-ulit na naman naglalaro sa utak ni Precious bago niya mapagpasyahang idilat ang mga mata niya. Bago mangyari ang aksidente ay nangyari rin ang hiling niya na makita si Price. Nakita nga niya ito pero kasama si Hannah. Noon naman ay hiniling rin niya na sana ay mamatay na lang siya. She'd done so many ways for that to happen. She'd dream once that she wanted to be dead. And now...she was trapped in an accident. And probably dead.

Pero ni katiting na saya ay wala siyang nararamdaman.

Siguro nga ay naging mahirap para sa kanya ang mga nangyari dahil sa nakita niyang pagtataksil ng nobyo niya at ang pagpapabalik sa kanya ng tadhana sa pamilyang nanakit sa kanya. Pero hindi ibig sabihin noon ay gusto na muli niyang magpakamatay kagaya na lamang ng nangyari sa kanya noon. Kahit nasaktan siya, matatag pa rin sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Price noon na hindi solusyon ang pagpapakamatay sa mga sakit na nararamdaman. Kahit masakit pa rin sa kanya ang nakita, alam niya sa sarili niya na hindi siya galit kay Price. Nasaktan siya dahil nagtaksil ito pero hindi siya galit dito.

Naisip niyang siguro ay hindi bilang lalaking mamahalin niya ang role ni Price sa buhay niya. Siguro ay pinadala lang ito sa kanya ng Panginoon para ma-realize niya kung paano mag-handle ng mga problema. Kaya kahit niloko siya nito, hindi masama ang loob niya. Thankful pa rin siya na nakilala niya ito at pinadala ito sa kanya ng Panginoon kahit sinaktan siya nito sa mga nakita niyang tagpo kasama si Hannah. Without him, maybe she haven't experience that kind of happiness. Maybe she haven't experiences to be truly loved by a family. Marami itong pinaranas sa kanya na hindi niya pa nararanasan sa buong buhay niya. Kung hindi ito dumating sa kanya, siguro ay namatay siyang hindi man lang naging masaya.

Being with Price, she experience a happy and new life. Even if he hurt her, it didn't gave him false hopes of not experience it again. Nang dahil kasi kay Price, na-realize niyang habang buhay ay may pag-asa. She was hurt but she knew she can still live because of what that man did and gave to him. Isa pa, alam niyang may mali rin naman na mag-inarte siya. Girlfriend nga siya ni Price ngayon, oo. But still, Hannah had been with him since then. Umeksena lang siya. Iyon ang nasa isip niya.

Kaya lang, sayang rin ang lahat ng mga nararamdaman niyang panghihinayang ngayon. Sadya lang yatang pinatikim siya ni Lord ng kaunting saya bago siya nito kuhanin. Because today, she was...dead. Napapaiyak siya nang pagdesisyunan niyang imulat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang kulay puti.

Alam na...

"Precious..." narinig niyang tinig sa tabi niya. Napatingin siya roon. Lumakas ang tibok ng puso niya nang makita ang pamilyar na mukhang iyon.

"Tita...?"

Bakit nandito ang Tita niya? So it means---

Buhay pa ako!

Naiiyak na hinawakan nito ang kamay niya. Doon niya naramdaman ang init. Ibig sabihin ay buhay ito. Pero sa sarili naman niya, pakiramdam niya ay naging patay siya. She went cold...because of so much shock. Ito ba ang Tita niya?

"Okay lang ba ang pakiramdam mo?" tanong nito na lalo niya pang ikinagulat. Never itong nag-alala sa kanya. Puwera ngayon... at kung tama ang pagkakatingin niya noong nakita nitong nakabulagta siya sa daan.

Pinakiramdaman niya ang sarili niya. Medyo masakit ang katawan niya pero dahil mukhang nakapagpahinga naman siya ay nawala na iyon. Siguro ay nabigla lang ang katawan niya nang tumalsik siya kaya nawalan siya ng malay. Tumango siya.

Nakahinga ito nang maluwag. "Diyos ko, mabuti naman! Ang akala namin ay kung napaano ka na kanina..."

Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi nito. "T-Tita..."

The Playboy Millionaires 3: Precious Moments With PriceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt