13

5.1K 92 0
                                    

NAKASANDAL si Precious sa balikat ni Price habang nanonood sila ng movie sa apartment nito. Simula nang magkaayos silang dalawa ay mas madalas pa silang lumalabas kaysa sa dati. And of course, they were closer than before. Halos hindi na sila mapaghiwalay pa. Kung dati ay inaaway niya ito, ngayon ay ni hindi man lang siya makapagtaas ng boses rito. Paano ba niya magagawa iyon rito kung mas tumindi pa ang pag-aalaga nito sa kanya? He became sweeteer. More perfect than ever. Wala na siyang naramdaman kundi ang maging masaya sa piling nito.

Isa pa, patuloy rin na ipapakita nito sa kanya na gaano siya kahalaga rito. Pinapakita nito sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Marami siyang eksenang puwedeng ipagpatunay roon katulad na lamang nang minsan silang manood sila ng live baseball game at nang i-flash sila sa screen at lagyan pa ng frame na heartshape, sa halip na mahiya ay hinalikan pa siya nito. Nang minsan rin na may umaway sa kanyang babae na napag-alaman niyang naging babae pala ni Price dati, kulang na lamang ay gilitan nito ng leeg dahil sa galit. Lumabas kasi noon si Price at naiwan siya sa apartment nito nang dumating ang babae. Nang malaman nitong "ibinabahay" siya ni Price ay galit na galit ito sa kanya. Kung anu-anong pangngutsa ang ginawa nito sa kanya. Naabutan ni Price ang eksenang iyon at kasing-dilim lang naman ng ulap na may kasamang ulan ang naging kulay ng mukha nito.

"Hindi ba, parang sobra-sobra na 'yun?" sabi niya rito pagkatapos nitong kaladkarin ang babae palabas ng apartment dahil sa galit.

"Hah! Kulang na kulang pa nga 'yun! She mistreated you!"

Napaingos siya. "Sanay na naman ako na minamaltrato, eh,"

He wrapped his arms around her. "I am with you. Walang puwedeng manakit sa 'yo ngayong nandito na ako sa tabi mo,"

"Talaga lang, ha? Baka naman ako ang saktan mo?"

He kissed her temple. "Never. I promise you that,"

And she felt it. She felt that his love will go on forever and he will never hurt her.

Simula noon ay hindi na niya pinagdududahan ang nararamdaman ni Price sa kanya. Isa pa, pagduduhan pa ba naman kasi niya ito kung ang laki-laki na nang utang niya rito sa ginawa nito sa kanya? Hindi naman siguro ito magiging ganoon ka-concern sa kanya kung wala itong nararamdamang kakaiba 'di ba?

Ngayon ay dahil nagsasawa na rin sila sa kakalabas ay napagpasyahan na lamang nilang magkulong sa apartment para i-enjoy ang isa't isa. Buong araw yata silang naka-movie marathon ng iba't ibang klase ng pelikula. Gusto sana nitong manood pa sila ng sine sa mall pero iginiit na lang niya na sa apartment na lang nito. Tutal ay malaki rin naman ang TV doon at mukhang sinehan na rin kung maituturing sa ganda.

Pero nang magsawa sila sa panonood ng pelikula ay inilipat na lang nila sa ibang channel ang TV. Saktong napunta sa TFC ang channel. Sa isang morning news show ang pinapalabas.

"Hindi ko na yata matandaan kung kailan ako huling nakapanood ng Philippine news," aniya rito habang nanonood.

"Kahit noong umuwi ka sa Pilipinas, 'di ka nakapanood?"

"Sandali lang naman ako nakauwi ng Pilipinas tapos inaway-away pa ako ng pamilya ko. Paano pa ako magkakaroon ng chance?"

"Okay. Then now I am giving you the chance," ngingiti-ngiting sabi nito sa kanya saka tumayo. "Wait lang, ihahanda ko lang 'yung dinner natin. Gabi na pala, 'di ko na namalayan,"

Tumango siya. Madalas ay ginagawa rin siya nitong prinsesa dahil ito ang naghahanda ng mga pagkain sa apartment. Marunong itong magluluto at masasabi naman niyang may galing rin ito pagdating doon. Paminsan-minsan lang siya nito hinahayaang tumulong rito dahil gusto talaga nitong gawing prinsesa sa apartment nito.

Ilang sandali rin siyang nanood ng news. Aaminin niyang na-miss niya ang Pilipinas kahit marami siyang masamang nakaraan roon. Nasa showbiz news ang morning news show nang bumalik si Price sa sala.

"Showbiz reporter, Hannah Cojuangco, hiwalay na sa asawa ilang linggo pagkatapos magpakasal!" Iyon ang nag-flash sa screen ng TV.

Hindi na sana niya lilingunin si Price kung hindi lang niya narinig na may nabasag sa lugar kung nasaan ito kasabay ng pagtunog ng cellphone nito.

The Playboy Millionaires 3: Precious Moments With PriceWhere stories live. Discover now