11

5.4K 117 0
                                    

"SHIT! SHIT! SHIT!"

Mas lalong napangiwi si Precious nang marinig ang nagpi-freak out na boses na iyon ni Price. Kasalukuyan siyang nasa banyo at tila nauubusan ng lakas pero nang pumasok si Price ay parang lalo pa siyang nawawalan ng lakas. Nawalan na rin ng kulay ang mukha niya dahil sa matinding kahihiyan.

Nahilamos ni Price ang mukha nito habang tinitignan ang mga kalat sa bathtub. Samantalang siya naman ay parang gusto ng lumubog na sa kahihiyan rito. Tinawag niya ito upang tulungan siya pero nang mapansin yata nitong may kakaibang nangyari sa kanya ay walang pasabing pumasok ito sa banyo. Nakailang irit siya dahil sa kapangahasang ginawa nito pero parang hindi naman ito apektado. Dali-daling kinuha niya ang roba na nakasabit sa rack ng banyo upang pagtakpan ang hubad na katawan. Nang pumasok kasi ito ay nakahubad siya dahil na rin sa kondisyon niya.

Nang maisuot niya ang roba ay saka lamang ito tumingin ng diretso sa kanya. Kitang-kita niya ang galit sa mukha nito. Parang ang sama-sama rin ng loob nito at maiiyak na ang mga mata nito. Akmang magsasalita na siya upang magpaliwanag pero inunahan naman siya nito ng sermon.

"Ano bang gusto mong palabasin, Precious? I try to do everything for you tapos maiisip mo pang gawin ulit ito? Bakit ba ganyan ang utak mo? Bakit ang lakas ng loob mong patayin ang sarili mo samantalang maraming tao ang nagnanais na mabuhay? I tell you one thing. When you were in the hospital, some of the patients and doctors there are angry with you. The doctors compared you to their cancer patients there. The patients always wanted to live. They strive hard to survive for the happiness of their family. But unfortunately, even if the doctors are also trying hard to cure them, they can't. Pero samantalang ikaw na binigyan na ng panibagong buhay ay siya pang taong ayaw mabuhay. Kayang-kaya kang gamutin ng mga doctor pero hindi mo pinapahalagahan ang sa 'yo samantalang ang sa iba hindi nila kaya ay siyang gustong-gusto mabuhay. I've already told you that life is precious. Bakit ba hindi mo ako maintindihan? Bakit ba ang dali mong sumuko sa buhay mo?"

"Hindi ko na sasabihin pa sa 'yo kung iniisip mo ba ang pamilya mo bago mo gawin ang lahat ng ito dahil nararamdaman kong 'yun ang problema mo. Kahit basic information pa lang tungkol sa 'yo ang sinasabi mo sa akin at hindi lahat ng nangyari sa 'yo ay napapansin kong 'yun ang problema mo. I know families are important and without them, its hard to live. Pero bakit hindi mo isipin ang mga taong ni walang kinilalang pamilya? Ang mga taong tinapon ng mga magulang nila? Nakaya nilang mabuhay ng wala ang kanilang pamilya. Nakaya nilang mag-survive sa mundo dahil kahit alam nilang walang aalalay sa kanila ay masarap pa rin na mabuhay. Hanggang kailan ko ba kailangang ipatindi 'yan sa 'yo? Hanggang kailan ba ako magsesermon sa 'yo para tumatak 'yan sa kokote mo? If you don't want to live because of your past, live for your present. Live because something wonderful might happen in your future. Or you can---" bumuntong hininga ito saka natigilan habang nakatingin pa rin ng diretso sa mata niya.

Kahit hiyang-hiya dahil sa akalang naabutan ni Price ay hindi niya magawang hindi matulala dahil na rin sa dami ng mga sinabi nito. Alam naman niya at malinaw na para sa kanya ang lahat ng iyon dahil ilang beses na nito iyong pinaramdam sa kanya. Its been more than a week since they knew each other. At kahit nagawa na nila ang dalawang hiling niya na isinulat niya sa notebook ay hindi pa rin sila naghihiwalay na dalawa. Hindi pa rin siya pinapabayaan nito at sa halip nga ay lalo pa siyang pinapasaya.

For the past few days ay wala na yata silang ginawa kundi ang maggala sa magagandang landmarks sa New York. They have visited the Empire State Building, Central Park at kahit ang American Museum of National History. Kahit sinabi niya rito na masaya na siya dahil nagawa na nila ang dalawang hiling niya na nasa notebook ay gusto pa siyang lalong pasayahin. He made him looked for the world's beauties. He made everything just to make her happy. Napakasuwerte niya para makilala ang isang kagaya ni Price.

The Playboy Millionaires 3: Precious Moments With PriceKde žijí příběhy. Začni objevovat