14

5.4K 98 1
                                    

"IS IT REALLY okay for you that I will leave?"

Tinitigang mabuti ni Precious ang mga mata ni Price habang pailang beses na itong nagpapaalam sa kanya na aalis. Pagkagising na pagkagising pa lamang niya ay sinabi na nito na kailangan nitong umalis upang samahan si Hannah na magpa-check up sa psychologist nito ngayong araw. Bagong dating pa lamang nila sa Pilipinas pero sa halip na pagpapahinga ang pag-aksayahan nilang dalawa ay pag-aasikaso sa best friend ng kapatid ni Price ang inaalala nila.

"Ang kulit mo, ha? Sabi ng okay nga lang, eh. Kaya naman tayo umuwi sa Pilipinas ay dahil sa kanya 'di ba?" pang-ilang sagot na rin niya.

Napabuntong-hininga ito. "I didn't expect that this day would come and---"

"Ang drama mo talaga. Sinabi ng okay nga lang, eh. Naiintindihan ko,"

"Hindi labas sa ilong?" paninigurado nito.

Itinaas niya ang isang kilay niya. "Ang kulit mo talaga,"

"I just want to make sure. Kung sa ibang babae mangyayari ito, napi-feel kong mahirap intindihin ang sitwasyon,"

Hindi siya nakapagsalita. Masasabi niyang isa siya sa mga "ibang babae" na sinasabi ni Price. Pero dahil pinipilit niyang intindihin ang mga nangyari nang nakaraang araw, hindi niya isinasantinig ang totoong saloobin niya. Kahit papaano ay nasa tama pa rin naman ang takbo ng utak niya. Kailangan niyang pagbigyan ang kahilingan ni Hannah dahil sa estado nito. Kailangan niyang maging kagaya ni Price noong siya naman ang nangangailangan ng tulong. Kailangang humaba ng pasensya niya.

Hannah was Queencie's bestfriend and the two had the past. Ikinuwento sa kanya ni Price ang lahat ng tungkol dito nang malaman nila ang balita sa telebisyon at nang tawagan ito ni Hannah dahil kailangan raw nito ng karamay ngayong nasa masamang estado ito at ang asawa nito. Totoo ang balitang nagkahiwalay na nga si Hannah at ang asawa nito ilang linggo makatapos ng mga itong maikasal. Malungkot si Hannah kaya tinawagan nito si Price para may dumamay rito sa problema nito. Umuwi sila ng Pilipinas nang dahil doon. Ipinaliwanag ni Price sa kanya ang problema sa dalaga bago sila umuwi ng Pilipinas. Pero in-assure naman nito sa kanya palagi at isa na nga ang araw na iyon na gagawin lang daw nito iyon bilang isang kaibigan ni Hannah.

"Hannah needs you more than I do,"

"Hindi ka magtatampo kahit alam mong may nakaraan kami?"

Sinalubong niya muli ang mga mata nito. Okay lang siguro sa kanya kung ordinaryong tao lamang si Hannah sa buhay ni Price. Pero dahil napag-alamanan niyang may nakaraan ito at ang babaeng iyon, hindi maiwasang pasukin ng kaba ang dibdib niya.

"Gusto mo ba talagang malaman? Sige na nga. Aamin na ako. Siyempre, natatakot ako. Isa ako sa mga "ibang babae" na sinasabi mo. But as what I've said, Hannah needs you more than I do. Tanggap ko na may nakaraan kayo. Na mas nauna siya sa akin. Pero kahit ganoon, malaki rin naman ang dapat ipagpasalamat ko sa kanya. 'Di ba sabi mo sa akin, siya ang dahilan mo kung bakit ka nagpunta sa George Washington Bridge? Dahil malungkot ka dahil kinasal na siya at pinapakalma ng lugar ang isip mo kaya nandoon ka. Kung hindi ka malungkot, hindi ka pupunta roon at hindi ako makikita. Hindi mo rin ako maililigtas. Kaya may utang na loob rin ako sa kanya kahit papaano,"

Ngumisi ito. "I like the way you think, Baby,"

Ngumiti siya. "Ikaw ang nag-encourage sa akin ng positive thinking,"

"Ah, therefore I like myself, too. But I like you more. I love you more," he said and kissed her. "So please, don't doubt about what will happen, okay? I'll just be with Hannah because she requested to be with me. She's my sister's best friend but we are also close with each other. Bukod kay Queencie ay hinahanap-hanap niya ako. Simula kasi nang nag-aral si Queencie sa ibang bansa ng fashion designing ay ako ang naging shock absorber ni Hannah kapag may problema siya---"

The Playboy Millionaires 3: Precious Moments With PriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon