10

5.3K 51 0
                                    

DAHIL may hangover sa nangyari nang nakaraang gabi ay nang sumunod na araw na lamang ginawa nina Precious at Price ang sunod na nakalista sa notebook niya. Masyado kasi silang naging wasted nang nagdaang gabi at hapon na sila nagising. Naisip ni Price na kung itutuloy pa nila ang susunod na plano niya ay baka hindi lang daw niya iyon ma-enjoy kaya ipagsabukas na lamang daw nila lahat. Sumang-ayon naman siya doon. In-spend na lamang nila ang natitira pang araw sa apartment nito na sa totoo lang ay parang dumaang araw lamang din naman sa kanilang dalawa. Paano kasi, pagkatapos nilang kumain nang halos sabay silang maggising ay natulog muli silang dalawa. Hindi na rin kataka-taka iyon dahil sa naging pagod nila nang nagdaang gabi, lalong-lalo na siya na hindi naman sanay sa mga ganoong klaseng kasiyahan.

Last night is an amazing experience for her. Marami nga siguro ang magtataka na isang kagaya niya na sa America pa nagtatrabaho na malaman na iyon ang unang beses niyang mag-party pero totoo iyon. And she enjoyed it like there was no tomorrow. Well, iyon naman talaga ang plano niya dahil kakaunti na lang ang bukas na natitira sa kanya. Kahit medyo masama ang loob niya dahil hindi sila gaanong nagkasama ni Price nang gabing iyon, ay naging masaya pa rin siya. Nakita rin naman niyang nag-enjoy rin ito at pakiramdam niya ay masaya na rin siya sa kaalamanang masaya rin ito.

She felt free that night. Parang kahit anong gawin niya nang mga sandaling iyon sa bar ay walang ku-question sa kanya. Isama pang masarap rin na kasama at kasayaw ang lalaking unang nagyaya sa kanyang sumayaw na nakilala niya na si George. Hindi kagaya ng mga tipikal na Americano sa bar na madalas ay nambabastos kapag nakainom, hindi ganoon si George. Kahit napapansin niyang marami na itong nainom ay matino pa rin itong kausap. Marami itong alam na jokes at wala yata itong sinabi na hindi siya tumawa. He was a nice guy and a nice dancer. Pinakilala rin siya nito sa ilan sa mga kaibigan nito na naki-party rin sa kanila. It was the first time that she did something like that, ang maki-party, ang makakilala ng ganoong klase ng lalaki at makipag-socialize na rin sa mga taong ni pangalan ay hindi man lang niya kilala. George also told her if they can meet some other time because like her, he admitted that he enjoyed her company, too. He also admitted to her that he would do that because he likes her and he will surely love to date her if she agrees. Kung sa ibang pagkakataon siguro, malamang ay papatulan niya ang gusto nito. Pero dahil may plano na siya sa buhay niya, naiisip niyang next life time na lamang siguro. Kung mayroon man ganoon.

O talaga, Precious? Baka naman dahil mas may iba kang gusto kaya hindi mo pinatulan 'yun? Bulong ng isang bahagi ng isip niya.

What? You mean si Price? N-no! Plinano ko na ang lahat 'di ba? Sagot naman ng isa pa.

Pero aminin mo, dahil sa mga ginagawa niya sa 'yo...parang nag-iiba ang isip mo, bulong ulit ng naunang bahagi.

Nais niyang mapabuntong-hininga sa mga naiisip. Nitong mga nakaraang araw ay natutuwa siya dahil nag-e-enjoy siya sa mga ginagawa sa kanya ni Price. Pero naiinis rin siya dahil nasisira ang mga plano niya.

Hindi niya ugaling sumira ng mga plano niya sa buhay. Simula bata siya, kapag pinaplano niya ang isang bagay, sinusunod niya iyon. One of her examples is her standing in life right now. She said then that she will be a nurse someday. She planned it even if she knew she will face a lot of struggles fighting for it. Naging successful naman siya at nagawa niya iyon dahil plinano niya iyon. Kahit ang mga schedule ng mga gawain niya ay pinaplano rin niya. She believed that you should plan things to avoid failures. Ayaw niyang pumalpak kaya naman ginagawa niya iyon. Even the most important people in her life think she was always a failure; she's trying her best to prove that she is not. Lahat ng plano niya sa buhay ay sinusunod niya para patunayan niyang hindi siya papalpak.

But they said, the greatest moments comes unplanned, bulong ulit nang makulit na bahagi ng isip niya.

These things that are happening to her are great moments which come unplanned. She wanted to enjoy every moment of it. And if possible, she wanted every moment of it everyday. Kahit kagaya kagabi ay hindi sila masyadong nagkakasama ni Price, basta nakikita niya ito ay okay siya. Masaya siya. Pero alam niyang may hangganan rin naman ang lahat. Walang sinabi sa kanya si Price kung hanggang kailan siya nito sasamahan. Walang kasiguraduhan ang lahat. Ni hindi pa rin ganoon kalinaw sa kanya kung bakit siya nito tinutulungan.

The Playboy Millionaires 3: Precious Moments With PriceOnde histórias criam vida. Descubra agora