15

5.2K 101 0
                                    

ISANG linggo na simula nang makabalik sila sa Pilipinas kaya naman isang linggo na rin kasa-kasama ni Hannah si Price. At kahit isang linggo na ang lumipas ay hindi pa rin napapawi ang agam-agam sa dibdib ni Precious. Paano ba naman kasi mawawala ang agam-agam niyang iyon kung halos hindi na umuwi sa piling niya si Price?

Kahit palagi naman itong tumatawag at nagte-text sa kanya, iba pa rin ang pakiramdam na palagi itong nasa tabi niya. Nandiyan rin ang mga kapatid at asawa ng mga ito para aliwin siya. Kahit ang mga magulang at stepdad ni Price na nakauwi na mula sa bakasyon ng mga ito sa ibang bansa ay dinadalaw rin siya. Tinanggap siya ng mga ito at gusto pa ngang lagi siyang maka-bonding. Tama si Price nang sabihin nitong masuwerte ito sa mga magulang nito. Ramdam niya na mababait ang mga ito, lalo na ang stepfather nito. Palagi nitong ikinukuwento si Price sa kanya at ramdam na ramdam niya na kahit hindi nito kadugo ay mahal na mahal nito ang nobyo niya. Na-meet na rin niya ang totoong ama ni Price na si Bill Torres na sa totoo lang ay nai-intimidate siya nang makita. Bill Torres stands as if he was holding all the wealth in this world. At kahit ama ito ni Price ay mas maganda yatang sabihin na isa lang ito sa mga kapatid nito. He still looked so young at his age. No wonder na hinahabol pa rin ito ng mga babae sa edad nitong iyon.

Pero sa kabila ng lahat, hindi pa rin sapat ang presence ng pamilya nito. Gusto niyang makasama si Price. Araw-araw na lamang itong nasa tabi ni Hannah. Gusto na niyang magselos pero pinipigilan niya. Palagi niyang itinatatak sa isipan niya na ginagawa lamang iyon ni Price para sa ikabubuti ni Hannah. Bukod rin kasi sa gusto ito ni Hannah na makasama bilang masasandalan, pinayuhan rin daw si Price ng psychologist nito na manatili palagi sa piling ng dalaga. Kailangan daw ni Hannah nang makakasama dahil na rin sa pinagdaraanan nito. Matagal na naging nobyo ni Hannah ang naging asawa nito at never pa na nagkaproblema sa relasyon ng mga ito. Ngayon lang daw na ikinasal ito sa lalaki. Nang magsama kasi sa iisang bahay ang dalawa ay sinasaktan ng asawa nito si Hannah. Lahat ng mga iyon ay ipinaliwanag sa kanya ni Price nang minsang tawagan siya nito.

Iniintindi niya ang lahat pero mahirap pa rin. Insecure na kung insecure pero masisisi niya ba ang sarili niya? Hannah had been a big part of Price's life then. Sabi nga nila, sa pag-ibig raw, isa sa pinakamahirap na kalaban ang first love. At iyon ang nangyayari sa kanya ngayon. Isa pa sa ikinahihirap ng kalooban niya ay ang kakaunting oras na ibinibigay sa kanya ni Price. Tinatawagan man siya nito pero ang oras na magkasama talaga sila ay kakaunti na. Lahat ay inagawa na ni Hannah.

At nasasaktan na siya. Hindi nga lang niya maisantinig dahil na rin alam niyang may dahilan naman ang lahat.

Ngayong araw ay naisipan na lang muna niyang lumabas mag-isa. Nagpaalam siya kay Price at pinayagan naman siya nito. Sinabi nito sa kanya kung saan nakatago ang pera nito sa loob ng suite na puwede niyang gamitin sa paggagala niya. Pinasamahan siya nito sa driver nito. Napagpasyahan niyang pumunta sa Mall Of Asia. Tumingin-tingin lamang siya roon pero hindi bumili. Wala naman talaga siyang balak bumili ng kahit ano. Gusto lamang niyang magpalipas ng oras. Mag-unwind. Mag-isip...

Pero napansin niyang hindi pala ang MOA ang lugar kung saan siya mararanasan ang gusto niyang mangyari. Masyadong maraming tao roon. Naiingayan siya. Naisip niyang lumabas. Nagpunta siya sa Baywalk. Hapon na nang oras na iyon kaya hindi na mainit sa lugar. Maganda rin tignan ang sunset na kitang-kita roon. Sobrang romantic. No doubt na maraming mag-nobyo ang nandoon at nanonood ng sunset.

She sighed. Isang pagkakamali pala ang paglabas niya dahil sa halip na makapag-unwind siya ay mas bumigat lang ang damdamin niya. Naiinggit kasi siya sa mga nakikita niyang mga magnobyo.

If only Price is here with me... nahiling niya bigla.

Napapikit siya saka napamulat ulit. Aalis na sana siya nang makita niya ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. May kasama itong babae. Parehong nakaupo ang mga ito sa bench roon. Mapapagkamalan na magnobyo ang dalawa dahil sa pagtatabi ng mga ito lalo na nang sumunod na sandali ay nakita niya ang isang eksenang akala niya noon ay marami ang natutuwa sa pelikula. Pero sa lagay niya ngayon, it was not. That was so heartbreaking.

They kissed.

Be careful what you wish for. Gasgas na ang katagang iyon pero gumagana pa rin pala. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit hiniling niya pa na sana ay nandoon rin si Price. Dahil nandoon naman pala talaga ito.

Kasama si Hannah.

Her heart shattered into a million pieces.

The Playboy Millionaires 3: Precious Moments With PriceOnde histórias criam vida. Descubra agora