CHAPTER 1

31.4K 649 20
                                    


[Aika]

Nag-uumpisa ng pumatak ang ulan ngunit nanatili pa rin kaming nakatayo sa labas ng malaking university ng  Eastberg. Ang paraan na ito ang isa sa pinakamalaki at pinakamagandang school sa bansang ito. Marami kaming nababalitaan na magaganda tungkol sa school na ito kaya naman karamihan sa mga nagtatapos ng highschool pinapangarap na makapasok sa school mg Eastberg ngunit dahil sa masyadong mahal ang suition fee rito hindi afford ng mahihirap na katulad ko ang makapag-aral dito. Mabuti na lang at nagkaroon sila ng exam para sa scholar nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-exam at ito na nga ang araw para malaman ang nakapasa sa scholar nila.

"Sana makapasok tayo diyan."

"Swerte natin kung makakapasok tayo ang daming gwapo."

Ipinikit ko ang mga mata ko at mabilis na nag dasal. "Lord, kailangan ko po ang scholar na ito para makatulong kay Mama."

Simula kasi ng ipagpalit kami ni Papa sa iba hindi na naging maganda ang buhay namin. Si Papa ay Senior manager ng isang electronics company ngunit nang makagusto ito sa kaniyang amo tuluyan na kaming iniwan dalawa ni Mama, kaya naman napilitan si Mama na magtrabaho at nagtayo siya ng maliit na karinderia sa palengke upang mabuhay kami at makapag-aral ako. Kaya naman ng sabihin ako ng teacher ko sa high school na mag-exam ako sa Eastberg hindi ko na pinalampas.

Ilang saglit pa lumabas ang security guard ng school at may dinikit sa dingding sa labas. Pagkadikit pa lang ng security guard ng mga listahan ng nakapasa dimunog na ito.

Hindi ako nakisabay sa kanila dahil siguradong maiipit lang ako kaya naman hinintay ko silang matapos.

"Yes! Nakapasa ako."

"Ako rin."

"Sayang hindi ako nakapasa."

Sari-sari ang naririnig ko matapos nilang basahin ang naka-lista. Habang papalapit ako sa listahan ng mga pumasa pabilis naman nang pabilis ang pagkabog ng dibdib ko.

"Miketsukame Aika Cassidy." Ilang beses kong inulit basahin ang pangalan ko hanggang sa mag-sink in na siya sa utak ko.

"Ang galing nakapasa ako." Pagkatapos umalis na ako doon.

"Miss, nakapasa ka ba?" Tanong sa'kin ng security guard.

Ngumiti ako. "Opo,"

"Bakit parang hindi ka masaya? Yung ibang mga bata halos mangisay sa tuwa ikaw para wala kang reaksiyon."

"Ganito na po talaga ako matuwa manong. Sige po aalis na ako."

Bitbit ang magandang balita nang umalis ako sa school na iyon agad akong pumunta sa palengke kung saan naroon si Mama. Pagdating ko doon abala na si Mama sa mga customer niyang kumakain. Alas-onse na kasi ng umaga. Simula kasi alas-diyes ng umaga hanggang ala-una ng hapon maraming bumibili ng pagkain sa karinderiya

"Oh, Aika. Nandito ka na pala." Sabi ni Mama habang nagsasandok ng ulam.

Nilapag ko ang bag ko at tinulungan ko siyang mag-abot ng mga order ng mga customer.

"Nalaman ko na po ang resulta ng exam ko Mama."

Saglit na tumingin sa'kin si Mama. "Bakit naman kasi doon mo pa gustong mag-aral ang mahal-mahal doon pwede ka namang mag-aral sa public school, scholar ka pa doon."

"Mama, full scholar din naman ako sa Eastberg." Tumingin sa'kin si Mama. "Pumasa po ako."

"Mabuti naman kung ganoon, hindi nasayang ang pagpupuyat mo para mag-review."

THE BADBOY'S FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon