Chapter 4

361 13 14
                                    

Chapter 4

Pagka-out na pagka-out ko sa trabaho ay pumunta agad ako sa BOM para mawala sa isip ko ang kahihiyan na nangyari sa akin kanina lang.

Shit, ang tanga tanga mo Mavel. Hindi ka talaga nag iisip, mawawalan ka agad ng trabaho dahil sa kagagahan mo.

“Anong problema mo Mama Mavel?” tumingin ako kay Kaizer nang mag-salita ito sa tabi ko bago ko ininom ang alak na nasa baso ko. “... Iinom ka na naman tapos ang dami lagi. Hindi ka kaya magkasakit nyan?” tanong nito.

I chuckled. “Don't worry, I'm fine. Nakasanayan ko na 'to. I can handle myself.”

“No. Stop na. Tigilan mo na yan.”

I stared at him. “Alam mo naman siguro ang ayaw ko sa lahat.” may diin kong sabi sa kanya.

Binaba nya ang kanyang tingin sa akin bago uminom ng sunod sunod na alak na nasa kanyang baso. “I can't help it Mama. Alam mo rin naman siguro na pamilya na ang turing natin sa isa't isa? Pamilya na ang turing namin sayo.”

“Kaya nga!” tumingin ako sa likod ko nang may narinig akong sumigaw, si Ethan kasama ang lahat. Ang daldal talaga.

“Mama Mavel... Kung gusto mo ng kausap, nandito lang naman kami. Walang bayad, libre lang.” ani ni Blythe habang hawak hawak ang kamay ni Akari.

Naglakad sa gitna si Zara na kanina ay kausap lang si Mela at Elish na ngayon ay naglalakad na sa gitna nina Akari at Blythe. At mukhang galit, problema na naman ng isang 'to? Lagi na lang galit. Kapag pupunta na lang ako lagi dito sa BOM lagi ko na lang sya nakikitang galit sa hindi mo malamang dahilan, parang laging may regla.

“Inang Marvel!” tawag pansin nya sa'kin. Natawa ako ng tinawag nya ako at saka ako niyakap. Itong batang talagang 'to. “Namiss kita Inang Marvel.” dagdag nito.

Lumapit si Damon kay Zara saka ito nilayo sa'kin. Nasanay na rin ako na laging 'Inang Marvel' ang tawag nya sa'kin at sanay na talaga ako dahil mukhang ako ang naging Nanay ng buong Pokemoon “Zara, h'wag matigas ang ulo.” sabi nito.

Sinamaan sya nito ng tingin. “Are you nuts? May malambot ba na ulo?” panunuyang tanong nito.

“Zara-”

She cutted him off. “Ano?!”

“Ang sabi ko lang naman, h'wag-”

“Anonymous.”

Frustrated na masyado si Damon, halatang naiinis pero mas nangingibabaw ang pagtitimpi nito sa dalaga. “Bakit ba napaka tigas ng ulo mo?”

Lumapit si Zara kay Akari saka ito niyakap. Agad namang nag reklamo si Blythe pero nang tingnan sya ni Zara ng masama ay nagpabuya na lang ito.

Napangiti na lang ako nang hindi ko namamalayan.

Thank you God dahil may mga naging kaibigan akong katulad nila. Papasalamatan ko rin ba na lahat sila ay abnormal? Oh, nevermind.

“Ano ba Rain? Nakikinig ka ba?”

Tumingin si Zara kay Damon. “Ha?”

“Sabi ko-”

“Hakdog.”

Nag-tawanan ang mga Pokemoon dahil sa sinagot ni Zara kay Damon. Kahit ako ay natawa rin.

Kung magkakaroon man ako ng mga kaibigan sa susunod na buhay, sana sila pa rin. Mukhang hindi ko kaya na mawalan ako ng kaibigan na katulad nila.

“Babe.”

Mavel Morris (Bar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon