Chapter 17

131 8 5
                                    

Chapter 17

“...Baby, get married to someone who can give you everything. Someone who can give you love. Sa madaling salita, pakasalan mo ako. Marry me Mavel Kate Morris.”

“Yes--”




Bumangon ako sa pagkakahiga at hinanap kaagad ng mata ko si Zaison.

“Zaison!”

Tumingin ako kay Daddy na nasa may pintuan katabi si Nanay Sha at nakatingin sa'kin na para bang kinakaawaan nila ako.

Para saan yun?

“Dad si Zaison?” nakangiti kong tanong kay Daddy. Tumingin ako kay Nanay Sha. “Nanay Sha, nasan po si Zaison?”

Ilang minuto akong nag-intay sa sagot nila pero hindi sila nagsasalita kahit na isang salita lang.

Tinaggal ko ang dextrose at tumayo. Lumapit ka agad sa'kin si Daddy.

“Princess, kumalma ka.” pangkakalma nya sakin.

Umiiyak kong hinawakan ang mga braso ni Daddy at tiningnan sya sa mga mata.

“Nasan sya Dad? Tinatanong ko kayo. Nasan si Zaison?” tanong ko at naupo sa kama. Dahil hindi kinakaya ng katawan ko.

Ayaw kong isipin na ganoon. Hindi pwede.

“Dad please... Nasan si Zaison?” tanong ko ulit habang nagmamakaawa syang tiningnan. “Dad... Please, I'm begging you. Nasan si Zaison? Okay lang ba sya? Nasan sya Dad?” paulit ulit kong tanong kay Daddy na nakatingin lang sa'kin ngayon.

Gusto kong malaman. Nasan si Zaison? Anong nangyari? Bakit nangyayari 'to samin ngayon? Wala akong ibang maisip na dahilan para umabot sa ganito ang kalagayan ko, sa amin ni Zaison.

Hindi kaya si Mamá Luciana ang gumawa non? Ang babae na nireto ni Tito kay Daddy? Bullshit. I wanna kill her.

“Princess...”

“Dad tell me!” singhal ko Ama kong nakatingin sa'kin at inaalo ako. “Please Dad. Nasan si Zaison? Gusto ko syang makita...”

“Sabihin mo na sa kanya Xiin.” tumingin ako kay Nanay Sha nang magsalita ito.

Lumapit ako sa kanya at saka ko sya hinawakan sa kanyang mga braso.

“Nanay Sha... Si Xiin po?” hanap ko.

Hinawakan ako sa kamay ni Daddy pero inalis ko agad ito at tumingin ulit kay Nanay Shannon. “Nasan po si Zaison?” tanong ko.

“Sintia, don't.” pigil ni Daddy.

“Nanay Sha... Please po...”

Yumuko si Nanay Sha at hinawakan ang aking mga kamay. “Magpakatatag ka Mavel...”

“Anak...” tawag sa'kin ni Daddy pero hindi ko ito binigyan pansin.

“Wala na sya...”

My tears fell once again. Napaupo ako sa sahig at nakatulalang umiiyak.

Hindi pwede. Hindi pwede.

No!

“No. Please, take it back. Please, take it back. What do you mean, Nanay Sha? Anong wala na sya?” umiiyak kong saad habang nakatingin sa kawalan at hinihintay ang isasagot ni Nanay Sha.

“Patay na si Zaid, Mavel... Ang daming bala na tumama sa kanya at tinamaan din ang kanyang puso. May mga hindi kilalang tao ang nagpaulan sa inyo ng bala, hindi kinaya ni Zaid. I’m so sorry Anak...”

Bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Tumayo ako at tumingin kay Daddy at kay Nanay Sha.

“Nasan sya?” tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa bago ako dinala kung nasan si Zaison.

Nang makarating kami ay nagdadalawang isip pa akong buksan ang pintuan. Please. God, hayaan mo akong makasama pa si Zaison. Please. I’m begging you Lord. Please...

Binuksan ko ang pintuan kung nasaan si Zaison ngayon. Nang makalapit ako sa kama ay nanginginig akong hinawi ang kurtina na sana pala ay hindi ko na lang ginawa.

“Z-zaison..” nanginginig akong lumapit sa katawan ng taong mahal ko. “Zaison... Mister ko... P-please...” hinawakan ko ang mukha nyang malamig na ngayon.

Wala na talaga sya.

“Anak..”

“Iwan nyo kami.”

“Princes--”

“Iwan nyo sabi kami!” umiiyak kong singhal sa kanila at saka ko niyakap ang malamig na bangkay ni Zaison. “Baby... Wake up... Please, wake up...”

Nanginginig ang katawan ko sa sobrang sakit na nararamdaman. Kakaayos lang namin. H'wag namang ganito. Hindi ko kaya na mawala sya habang buhay. Diyos ko, bakit nyo ba 'to sa'kin ginagawa?

“Baby, wake up... P-please, I’m begging you... Please baby... W-wake up... Hindi ko kayang m-mawala ka.” sabi ko habang yakap yakap pa rin ang katawan nya at umiiyak.

Hindi tumitigil ang luha ko sa pag-iyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

“Mister ko g-gumising ka na... H'wag g-ganito. G-gumising ka na. Tama na ang j-joke. T-tama na ang prank. H-hindi ko na kaya. Please naman M-mahal... G-gumising ka na oh... Gumising ka na... Please...”

Iisipin ko pa lang na mawawala na sya sa'kin habang buhay parang hindi na kakayanin ng puso ko. Hindi ko sya kayang mawala. Fuck that days, months and years, kahit gaano man katagal o kabilis kaming nagkakilala. Hindi non matutumbasan kung gaano ko sya kaimportante at gaano ko kamahal si Zaison.

“Diba takot ka na makahanap ako ng iba? Diba? S-so please w-wake up, B-baby... G-gumising ka na... H-hindi ko kaya.. Please... W-wake up...”

“Anak tara na..”

Humarap ako kay Daddy na nakatingin sa akin ngayon. “Daddy why? Bakit nangyayari sa'kin 'to?” tanong ko.

Hindi sumagot si Daddy at niyakap lang ako. “Let it out... Umiyak ka hanggang gusto mo, hanggang sa mag-sawa ka. Iiyak mo lang lahat ang sakit.” alo na sabi sa'kin ni Daddy.

“Daddy... Hindi ko kaya... Hindi ko kayang mawala sya...” iyak lang ako ng iyak sa bisig ng Ama ko.

Please God, Let my Zaison alive. Please...

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Daddy at muling lumapit sa katawan nya. Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya.

“Zaison baby... A-aalis na muna ako saglit. P-pangako... Babalikan k-kita...” sabi ko at naglakad na palabas ng kuwartong yun at pumasok sa kwarto ko dito sa hospital at nilock ang pinto.

I dialed her number. I know she knows.

“So, you know?”

I laughed. “Of course, baby... Katawan nya ang  pinag-uusapan dito.”

Tumawa sya sa kabilang linya. “That’s my Inang. Just keep doin’ that.”

“By the way, kunan mo sya ng dugo at paki-DNA.”

“I know. No worries. Gotta go, Inang.”

Nang namatay na ang tawag saka lang ako nahiga ulit sa kama at ngumisi. Sinong tangang maniniwala sa ganon? Alam ko na hindi katawan ni Zaison yun. I know him well.

“Stupid.”

Siguraduhin lang nilang walang bakas ng sugat ang katawan ng Mister ko. Kung hindi, lahat sila papatayin ko katulad na lang sa lalaking iniyakan ko na kamukha ni Zaison.

“Princess...”

I pretended to cry again when I heard someone knocked on the door and that was my Dad.

“Leave me alone!” sigaw ko.

Sorry Dad..

RUSH

Mavel Morris (Bar Series #1)Where stories live. Discover now