Chapter 15

148 10 3
                                    

Chapter 15

Pagkatapos ng nang-yari ay pinaikot naman ni Zaison ang bote.

Puñeta? Ano yun? Bakit lagi lang may love triangle?

Pagtapos halikan ni Lucy si Lucas ay hindi na umimik pa si Ann at nakipag-usap na lang kay Kaizer ngayon. Hinayaan na lang din ni Lucas si Ann dahil sa nangyari.

Napabalikwas ako ng marinig ko silang nagsigawan. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jay at Ethan na nag-hahalikan ngayon.

Tangina.

"Lutang ka baby..."

I just smiled and I gave a quick kiss on Zaison's cheek. "What happend?"

He sighed. "Initusan ni Lucy si Ethan na halikan si Athena. Bumawi."

Sinimangutan ko sya. Bakit ang ikli nya mag-paliwanag? Hindi na ba mapapahaba yun? "Are you mad po?"

He sighed again. "Hindi."

Nakibit balikat na lang ako saka pinanood si Ethan na paikutin ang bote at tumapat ang nguso ng bote kay Blythe at ang pwetan naman ay kay Elish.

Elish smirked. "Truth or Dare?"

"Papahuli ba ako? Gusto ko rin halikan si Akari kaya Dare." ngising sabi ni Blythe.

Tumingin ako kay Zara na hindi maipinta ang mukha. Mukha na naman syang galit. Nagseselos ata. Kasi diba, gusto nya si Akari? Hindi ko talaga sila maintindihan. Bakit kasi nagkagusto pa si Zara sa kapwa nya babae?

"Sayawan mo lahat dito ng sexy dance. Lalaki lang."

Nanlaki ang mata ni Blythe at hindi makapaniwalang tumingin kay Elish na nakangiti sa kanya.

"What? Are you kiddin' me?!"

Nagreklamo rin ang mga lalaki dahil nakakadiri daw. Habang kaming mga babae ay nagsipag tawanan.

"Yuck dude." usal ni Zaison saka yumakap sa'kin at mukha talaga syang nandidiri.

"Mukha ba akong nagbibiro? Do it now." ngising utos ni Elish.

"Guys may naisip ako." saad ni Sky.

"May isip ka pala beshy?" pang aasar na sabi ni Zara kay Sky.

Lagi silang ganyan pero ang totoo ay mag beshy talaga. Nakikita ko sila na laging nag-aasaran pero nauuwi rin sa tawanan. Minsan nag-aaway sila pero nauuwi rin sa patawaran. Mag beshy nga sila. Tsk. Mga baliw.

"Tigilan mo ko Rain. Wala akong oras para sayo." saad ni Sky. Umarte naman si Zara na mukhang nasasaktan. "Ganito, hintayin nyo 'ko dito. Saglit lang." tumayo si Sky saka tumakbong pababa ng terrace.

"Saan pupunta yun?" tanong ni Mela.

Catryx laughed. "Tatae siguro"

Natawa ang iba sa sagot ni Catryx at ang iba naman ay nainis dahil kumain sila ay nagsambit ito ng kabastusan. Haha

"Tagal naman ng babaeng yon." inip na sabi ni Trixy saka inubos ang alak na nasa baso nya.

"I agreed Tita Trix." usal ni Shae.

"Tagal mo Sis. Ano yan?" tanong ni Akari sa kakarating lang na si Sky na may hawak hawak na pitsel na may laman ng kung anong mabaho.

"Gross. What's that baby?" tanong ni Damon kay Sky.

"Ewan ko Kuya. Lahat ng alak na nakita ko sa baba pinaghalo halo ko dito. Tapang ng amoy no? Puro hard liquor 'to."

"Papatayin mo ba kami?" tanong ni Zaison na ikatawa ko.

Mavel Morris (Bar Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum