Chapter 6

235 11 16
                                    

Chapter 6

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Kumilos ako ng kaunti para mapatay ang alarm clock na nasa side table ko.

May hang over pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Inis akong bumangon at tiningnan ang cellphone ko na walang ginawa kung 'di ay magring ng magring. Hindi lang alarm clock ang nag pagising sa'kin, pati na rin itong cellphone kong tunog ng tunog.

Inis kong sinagot ang tawag at hindi na nag abalang tingnan pa kung sino ito.

“What?” sagot ko.

The caller chuckled. “Ang aga aga, ang init ng ulo mo.”

Tiningnan ko kung sino ang tumawag, unknown number.

“Puñeta naman. Sino ka po ba? Ang aga aga istorbo ka po.”

Tumawa ito. “Hindi ka pa rin nagbabago Miss Innocent po girl.”

Kunot uno akong tumayo papunta sa closet ko saka nag pili ng magandang susuotin dahil pupunta ngayon akong bar. “Ano kailangan mo sa'kin, EB po?”

“What?”

Malakas kong sinara ang aking closet nang marinig ko na naman ang kanyang linyahan na what na nakakainis, nakakairita.

“Don't what me po! 'Wag mo na akong tatawagan, hindi na po kita kilala po.”

Mas lalong lumakas ang kanyang tawa sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa? Nakakainis na sya.

“Ikaw lang ang nakilala kong galit na magalang.”

“At ikaw lang po ang kilala kong napapansin lahat. 'Wag ka ngang pakeelamero po! Epal ka po masyado po!” singhal ko dito bago pinatayan ng tawag.

Ang aga aga iniinis ako ng puñeta.

Nilapag ko ang mga napili kong damit nasusuotin sa bar at akmang papasok na sa cr nang mag ring ulit ang cellphone ko, si ex boss na naman.

“Bakit mo ako pinatayan ng tawag?” nagtatakang tanong nya. Talagang nagtaka pa sya? Istorbo sya sa pagligo ko. Gwapo sana epal naman.

“So what? I'll hanging up na po. By--”

“Wait!” pigil nya.

Inis kong nilayo ang phone ko sa aking tainga nang sumigaw ito. Bakla ba 'to? Ang tinis ng boses kapag sumisigaw.

“Ano ba? Maliligo pa po ako at--”

“What?”

“What na naman!”

“Gusto mo samahan kita?”

Kunot noo kong nilayo ang phone sa tainga saka tinignan ang aking cellphone na para bang ito ay si Ex Boss.

“Saan?” tanong ko.

He laughed. “Sa pagligo--”

“Pervert!” sabi ko at pinatay ang tawag.

Manyak. Bastos. Walang modo. Nakakainis sya!! Nakakainis sya!! Ang manyak nya!

Hinagis ko ang cellphone sa kama nang mag ring ulit ito.

“Manyak! Ayaw na kitang makita! Bastos kang lalaki ka!” sigaw ko at nagmartsya na papasok sa banyo para maligo.

Habang nagsasabon ako ay biglang pumasok sa aking isipan kung anong nangyari sa loob ng bar kahapon.


Pagkarating na pagkarating ko sa BOM ay nakita ko ang mga bouncer na umaawat kay Damon at Kaizer. Ang mas kinagulat ko na pati si Zara at Blythe ay nagsasapakan din. Ang iba pa naming kaibigan ay umaawat na, imbes na mapaghiwalay ang nag aaway ay mas lalo lang nagiging malala. Ang ibang umaawat ay nasasaktan na din.

Mavel Morris (Bar Series #1)Where stories live. Discover now