Chapter 18

114 7 1
                                    

Chapter 18

Burol ngayon na taong kamukha ni Zaison. Hindi ako makapaniwala na kakambal pala ito ni Zaison. Hindi ko alam kung bakit sya? Nakakaawa ang kalagayan ng kakambal ni Zaison. Puro sugat ang katawan nya ng makita ko sya sa morgue. Puro bakas ng pagpalo ng kung anong matigas na bagay.

Malalalim ang sugat nya sa likod ng katawan, hindi pa kasama roon ang gawa ng pagsabog at ang pagpapaulan ng bala sa bahay ni Zaison. Pero bakit pati sya nandon samantalang si Zaison ang kasama ko sa mga oras na yun.

Nasan ngayon si Zaison? H'wag lang nilang kakantiin si Zaison dahil kapag may nakita akong sugat sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na makapatay.

Lumapit sa'kin ang mga kaibigan ko at ako’y niyakap.

“Condolence Manang...” sabi ni Shaeza habang mangiyak ngiyak na nakatingin sa'kin.

I nodded and smiled. “Thank you.” sagot ko.

Tumayo ako at naglakad sa papunta kung nasan si Zara at Elish na nag-uusap.

“What’s up?”

They looked at me and smirked. “We already know who makes you mad.” Elish said.

I looked at them and smiled. Nagpaalam ako kay Daddy at Nanay Sha na lalabas lang muna saglit kasama sila Zara at Elish.

Pagkalabas namin ay tumingin ulit ako sa kanila at inintay silang mag-salita.

Naglabas si Elish ng tab at may ipakita sa'kin.

Ang babaeng matagal na naming iniintay.

Si Mommy...

“That’s the mother of your boyfriend, Zaid Karson William.” Zara said while looking at me.

“Unbelievable...”

“And that’s your mother too..” dugtong ni Elish sa sinabi ni Zara.

“He is my brother...” hindi ko mapakaniwalang bulong.

“Sya rin ang nag utos na magpaulan ng bala sa bahay ni Zaid kung nasan naroon ka. I investigate  your Mamá Luciana if may kinalaman sya sa pagpapaulan sa inyo ng bala at sa pagsabog, walang makakapag sabi na may kinalaman sya sa nangyari. But she’s related to your Mom,” usal ni Zara habang may pinakita naman ulit sa'kin si Elish na larawan na magkasama si Mamá Luciana at si Mommy Gwyn. “Luciana is your Mom’s step sister.”

Gulat akong tumingin kay Zara na ngayon ay seryoso ring nakatingin sa akin ngayon.

What the fuck? Sobra sobra na ang nalaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na kapatid ko si Zaison at Auntie ko si Mamá Luciana.

Ang hindi lang nagpro-process sa utak ko ay buhay si Mom. Nawala na lang sya na parang bula at ngayon malalaman ko na lang na buhay sya? What the heck!

“Your Mom really want to kill you,” sabad nya at may inilabas na papel sa kanyang bulsa at ipinakita ito sa'kin. Isang sulat na galing kay Mommy. “Your Mom is in pain because of you that’s why she tried to kill you many times with her own hands.”

Hindi ako makapaniwala dahil totoo ang mga sinasabi ni Zara sa'kin. ‘Yun din ang pinapalabas dito sa sulat na galing kay Mommy.

Pero bakit? Bakit nya ako gustong patayin? Bakit nya papatayin ang sarili nyang anak? Kahit ilang beses kong isipin na bakit nya ako gustong mawala, na gusto nya akong mamatay ay hindi ko masagot. Wala akong makitang dahilan para patayin nya ako, na sarili nyang anak.

“W-why...”

“Zaid is your brother, Inang.” ani ni Zara. Tumingin ako sa kanya pati na rin kay Elish.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Kapatid ko si Zaison? What the fuck? Ano bang nangyayari sa buhay ko?

“Who is the father?” seryosong saad ko.

“Uncle Xiin.” sagot ni Elish.

Napaupo ako dahil sa mga nalaman. Pa’no ako ngayon? Kapatid ko si Zaison. He is my brother for goddamned sake.

“Kung buhay man ngayon si Zaid, wala ring kwenta dahil magkapatid kayo. Kapatid mo sya, Inang. Nakakabatang kapatid mo sya.” Zara said.

I laughed and looked at the sky.

Hindi talaga tayo pwede Zaison dahil magkadugo tayo.

I laughed. “Minsan na nga lang ma-in love, sa kadugo ko pa. That’s terrible.”

“The important here is to find Zaid.” usal ni Elish at may pinakita sya sa'min na picture. “We must find Zaid right now. He’s in danger.”

Tumango kami at nagtumakbo papalabas para sumakay sa sasakyan nang humarang ang mga kaibigan namin sa daan.

“Saan kayo pupunta?” tanong ni Kaizer.

Lumapit sa'kin si Shaeza saka ako tiningnan deretsyo sa mata. “Anong balak nyong gawin, Manang?” mapanuri nyang tanong sa'kin.

Tumingin ako kay Zara at Elish.

“May bibilhan lang kami.” nakangiting sagot ni Elish.

“Alis na. Paharang harang kayo.” inis na saad ni Zara at pumasok na ng sasakyan.

“Napakasungit talaga.” usal ni Errol bago tumingin sa'kin. “Bring me a food Mamá.” nakangiti sya habang sinasabi ang mga ‘yon.

Mukha syang naghihinala sa inaakto namin pero tumango na lang ako at pumasok na sa loob ng kotse.

Mabilis pinaandar ni Zara ang sasakyan kung nasaan si Mommy ngayon at si Zaison.

Be safe Zaison...

Tumingin ako kay Zara na nagmamaneho papunta sa kung saan. Isang oras na kaming nandito sa sasakyan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapunta sa pupuntahan.

Where are we going?

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa dalawang nasa unahan.

Hindi ko maiwasan na mag overthink na kapag nagkita kami ni Mommy ay ano ang gagawin ko? Ano ang sasalubong sa'kin?

I really want to meet her, to hug her because I missed her. At kailangan ko rin syang natungin kung bakit, bakit nya akong gustong patayin. I mean, I’m her daughter. So why kill?

“Headquarters to get some info and lead us where’s Zaid right now.” Elish said.

Tumango na lang ako bilang sagot at hinayaan silang nakafocus sa daan habang ako ay iniisip kung anong gagawin ko sa nalamang buhay si Mommy Gwyn at kapatid kong si Zaison.

I’m still confused...

RUSH

Mavel Morris (Bar Series #1)Where stories live. Discover now