Chapter 14

140 9 2
                                    

Chapter 14

Nakarating kami sa bahay Blythe ng kompleto dahil sumunod si Zara sa'min. Sya lang ang kulang kanina bago mangyari ang pagsabog sa BOM nakagagawan ng babaeng yon. Hindi naman masyadong apektado si Vitalis dahil ang sabi nya pa ay ipaparenovate nya na lang ito. Yaman.

Lumapit sa'kin si Zara saka ako binulongan na mag-usap kami sa labas. Nagpaalam ako kay Zaison na lalabas lamang kasama si Zara, pumayag naman ito at sumama sa iba pa naming kaibigan.

Nang makarating kami sa labas ay sinuri ako ni Zara kung may sugat ba ako.

I smiled. “Don't worry, I'm okay..”

“Thank God...” ngiting sabi nya pero nawala rin iyon at yumuko. “I'm sorry...” bulong nya at yumuko.

I hugged her and whispered to her ears. “It's alright...”

Ilang oras kaming ganoon nang inaya ko sya na pumasok na. Nong una ay ayaw nya dahil nahihiya daw sya kay Akari. Sa tagal nya ba namang nawala simula noong umamin sya sa'min na may gusto sya kay Akari. At first tutol ako dahil imposible yung ganon. Hindi pwede dahil parehas silang babae but lately narealize ko na kapag mahal mo talaga ang isang tao, kahit ano pa sya o sino sya tatanggapin mo. Ganon naman ang love diba? You will risk because you're in love.

“Come on... Matagal ka nang hinahanap ni Akari.” sabi ko.

She was shocked and amazed. “Really Inang? Hinahanap nya ako?”

I nodded and smiled. “Yeah... She missed you so much.”

Nagmamadali nyang hinawakan ang kamay ko at pumasok ulit sa bahay. Tumingin ang mga kaibigan namin sa aming kamay na makahawak.

“What?” I asked.

“Anong meron sa inyo?” tanong ni Mela sa'min bago tumingin ulit sa mag kahawak naming kamay ni Zara.

Natatawang binitawan ni Zara ang kamay ko bago ako inakbayan at tumingin sa'kin bago sa aming mga kaibigan.

“Why? Is that bad? She's my girl by the way.” ngising sabi ni Zara na nakatingin sa mga mata ko.

Zara gave me look, parang sinasabi na makisabay lang ako. I smiled and nodded to everyone.

“Yeah... She's mine.” proud na proud kong sabi sa kanila.

Tumingin ako kay Zaison na nakanganga ngayon dahil sa gulat. Don't worry honey. This is just an act.

Lumapit sa'kin si Zaison. “Silly baby..” bulong nya bago lumayo sa'kin ng kunti. Nagulat na lang lamang ako dahil mukha syang galit habang nakatingin sa kamay ni Zara na nakaabay sa'kin.

“How about me?” nanlalaki ang mata ko sa kanya. Wtf? Talaga naman oh.

Hindi ko na lang sya pinansin at tumingin sa aking mga kaibigan na hindi mga nagsisipagsalita ngayon nang lumapit si Vitalis sa'min saka hinila si Zara na nasa tabi ko at ngumisi sa'kin.

“Enough. Naniniwala na sila.” natatawang sabi ni Vitalis sa mga kaibigan naming nakatulala ngayon. “Ang bilis nyong nauto. May boyfriend na yang si Mavel.” iling iling na sabi ni Vitalis sa mga kaibigan namin.

Hindi sila nagsalita at bumalik na lang sa pagkakaupo. Tumingin ako kay Zaison na nakangisi ngayon. Problema naman ng isang 'to?

“What?” tanong ko.

Umiling lang sya saka hinawakan ang kamay ko at hinila kung nasaan si Zara, Vitalis at Blythe na nag hahanda ng mga alak.

“Anong gagawin nyo dyan?” tanong ko sa tatlo.

Mavel Morris (Bar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon