Chapter 23

93 9 2
                                    

Chapter 23

Pagkatapos naming mag-ayos ay nagsilabasan na kami. Ang mga kaibigan ko ay ingat na ingat na bumaba dahil sa kanilang mga suot— aming mga suot.

“Nasan na sila?” inis na tanong ni Trixy sa mga lalaki. Kanina pa kami sa loob kaya dapat sila ang mauunang lumabas. “Napaka tagal.” naiinip na sabi ni Trixy.

Nag-intay pa kami ng mga ilang minuto bago lumabas ang mga lalaki na mga nakaki short at sando. Wtf, anong suot ‘yan? Saan sila pupunta, sa beach?

“Bakit ganyan suot nyo?”

“What are you wearing?”

Sabay na tanong ni Sky at Clyde na ikangisi ko. Iisipin ko na talaga na may something sila.

“Bagay kayo.” sabi ko.

Tumingin sa ‘kin ang dalawa saka ako tiningnan ng masama. “What? Bagay naman talaga kayo.”

“Ew.”

“Yuck.”

Natawa na lang ako sa reaksyon ng dalawa dahil mga mukha talagang nandidiri pero parehas na mumula.

Kadiri pala ah.

“Bakit ganyan suot nyo? Revealing pa masyado.” inis na sabi ni Damon at lumapit kay Jannah.

“Magpalit ka nga.” sabi ni Damon at hinila si Jannah papaakyat ulit sa kwarto namin. Bago sila pumasok ay narinig ko si Damon na nagsalita na ikapula ng pisnge ni Trixy. “Magpalit ka rin Trixy. Nakikita ko na lahat sayo.” sabi nito at pumasok na sa kwarto namin kasama si Jannah.

“Oh ba’t namumula ka?” ngising sabi ni Zara kay Trixy na namumula pa rin ang pisngi pero masama nitong tiningnan si Zara.

“Fuck you.”

Natawa na lang si Zara sa sinabi ni Trixy bago tumingin ulit sa mga kaibigan namin na mga naka-kaki short. “Saan kayo pupunta? Sa beach?”

“At saan din kayo pupunta, sa party?” tanong pabalik ni Ethan. At umupo sa couch katabi ni Jay nanagcecellphone ngayon. “Hi babe.”

“Ulol.” sagot ni Jay at umalis sa pagkakaupo at tumabi kay Trixy at Zara ngayon.

Lumabas si Damon at Jannah sa kwarto namin. Tiningnan ko ng maigi si Jannah at naka short na rin ito at naka white t-shirt. Ito yung pinakita nya sa'kin kaninang damit. ‘Yun sana ang susuotin namin kung hindi nag-suggest si Ann na mag-ganito kami ng suot.

“Trixy, mag-palit ka na.” inis na saad ni Damon habang akbay akbay si Jannah. “Gusto mo bang ako pa ang magpalit sayo ng damit?”

“Ito na, ito na.” saad ni Trixy at nag-mamadaling pumasok sa kwarto. “Napaka bossy ampota.”

Tumingin si Damon sa ‘min at tiningnan kami ng masama. “Magpalit na rin kayo.”

“But--”

“No buts for you Ann. Change now kung ayaw nyo na kami pa ang mag-papalit sa inyo ng damit.” inis na saad ni Damon at umupo sa couch at kinandong si Jannah sa kanyang lap.

“Damon.” inis na sabi ni Jannah kay Damon.

“Yes baby? You wanna kissed by hot Damon?” ngising saad ni Damon at kumindat sa nobya.

Tapos na ang falling game at ang nagkatuluyan lang talaga ay si Blythe at Akari pero ang sabi lang ni Akari noon ay break na sila. Whatever. Habang si Damon at Jannah naman ay mag-jowa na talaga. Tibay.

Umakyat na kaming mga babae para magpalit ng damit habang si Zara naman ay nag-paiwan dahil kakausapin muna daw si Damon. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko ang naiinis na mukha ni Trixy habang nag-papalit.

Mavel Morris (Bar Series #1)Where stories live. Discover now