Simula

203 19 1
                                    

Simula

Dwayne Jamaar Camero

Limang taon din ang ginugol ko sa America. I pursued my masters there. Hindi rin nagtagal ay natapos ko rin ito.

Bumalik ako sa Pilipinas dahil kailangan na ako sa resort. Umuunlad na ito at magbubukas sila nang branch sa Boracay. Tyron will manage the Boracay branch and I will handle the resort in Bolinao. After all ang Bolinao ay tinaguriang Boracay of the North.

Wala na sana akong balak na bumalik dahil wala naman na akong babalikan. I can't deny dahil almost a year bago ulit ako tuluyang naka-move.

At first ayaw kong pumunta nang America dahil mas gusto ko dito but after nang mga nangyari. Ako na mismo ang nag-kusang umalis. Hindi ganun kadali ang mga sumusunod na yugto sa buhay ko sa Pilipinas. At kung sakali man na mag-krus ulit ang aming landas sana sana lang talaga ay maalala na niya ako.

Nagtaka pa sila Mama at Papa dahil hirap silang kumbinsihin ako para pumunta. Pero sa bandang huli ay sumunod nalang ako sakanila

Sinabihan pa nila ako dati na walang iiyak pag nasaktan. I didn't cry in front of them, umiyak nalang ako noong nasa America na.

Everyday is torture and pain. Wala ang mga kaibigan mo to comfort you physically. You have to stand on your own. Wala ka namang ibang choice kundi ang maging malakas.

Darating ka sa point nang buhay mo na wala kang ibang aasahan na tutulong sayo, kundi ang sarili mo.

Wala naman siyang kasalanan dahil aksidente ang lahat pero ang di ko lang matanggap ay yung mga sumunod na nangyari.

It is another thing when someone destroy everything you work hard for. But it's another thing when you yourself destroy everything that you've work hard for.

Naaalala na ba niya ako o tuluyan na niya akong nakalimutan? Masaya kaya siya ngayon?

Dumaan pa ako sa isang pasilyo para tignan ang mga ibang mga art work sa galleria. Kahit paano ay nagiging bihasa at may simbuyo na ang mga likha ng mga Pilipino.

"Tito nakapili kana ba?" Tanong sa akin ni Tyron.

Andito kami ngayon sa isang art exhibit. At tumitingin nang mga paintings na ilalagay sa bagong building sa resort. Ang ibang mga artwork na gawa nang taga-Bolinao ay dadalhin sa Boracay branch. Para makita rin at ma-promote ang sining nang mga taga-Bolinao.

"Hindi pa" sagot ko kay Tyron.

Sa aking paglalakad ay may napansin akong hall na may nakasabit na caution tape. I tilted my head. And to find out na may mga paintings and artworks pa doon.

Lumingon ako sa paligid kung may nakakakita sa sakin at nung napansin ko na walang tao ay pa-simple akong pumasok doon.

I roam around and take a look sa mga nakasabit na paintings. They were all very familiar halos lahat ay scenery sa Bolinao.

The falls, caves, church, beaches, even the light house were there.

Sumilay ang ngiti sa aking mga labi.

"Kamusta na kaya ang Bolinao?" I asked the wind.

Umikot ako sa stand wall na iyon para makita pa ang ibang artwork.

Portrait In The GalleriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon