Kabanata 2

89 15 1
                                    

02

Dwayne

"Angel!" I shouted at the top of my lungs. Wala na akong pakialam kung sabihan ako na eskandalaloso. This is me by the way.

Huminto ito at tumingin sakin. Sinamaan niya ako ng tingin at naglakad ulit ito palayo. Hindi nga ako nagkamali na taga dito siya.

"Angel! Sandali." Sigaw ko ulit sakanya. Habang nagmamadaling maka-ahon sa tubig. Upang makatakbo papunta sakanya.

Saglit itong huminto at muli akong nilingon. Ngunit dali-dali itong naglakad ng matulin. Tumakbo agad ako pagkaahon sa dagat para maabutan siya. Nakasuot ito ng off-shoulder na damit na kulay puti at nakapalda ng floral, naka-tsinelas ito ng puti.

Kahit araw-araw pang ito ang kanyang isuot ay bagay pa rin ito sakanya.

Her skin was so fair dahil na rin sa sinag ng araw. Her hair is so bouncy sa bawat hakbang nito. Straight ito from the roots of her scalp then biglang magcu-curve sa dulo. Ang gandang pag masdam ang buhok niya dahil sa kanyang pagtakbo.

"Saglit!" Sigaw ko sakanya, at mas lalong binilisan ang lakad. Buti nalang at kahit papaano ay sporty ako kaya mabilis ko siyang nahabol. Naabot ko ang isang kamay niya dahilan para mapahinto ito.

"Ano bang kaylangan mo?" Sigaw nito sa akin.

Parehas kaming naghahabol ng hininga dahil na rin sa layo ng aming natakbo.

"Ang bilis mo palang tumakbo." Umupo ako sa buhanginan, dahil sa sobrang pagod.

Maging sya ay dahan-dahan na umupo. Nilingon ko ito at bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagkainis. Nginitian ko siya, ngunit lumayo ito ng isang hakbang. Bakas ang pagkairita nito sa akin kahit hindi niya sabihin.

Few minutes ay tumayo na ito and she was about to run. I grabbed her one wrist para hindi makatakbo. "Ano ba ang gusto mo." Sigaw nito habang pinipilit niyang kumawala sa pagkakahawak ko.

I pleaded to her to stay and don't run again.

"Ano bang problema mo? Ninakawan mo na nga ako nang halik kagabi. Manyakis ka." Sigaw nito sa akin.

"That's my point." I said.

Saglit itong nanahimik at lumingon sa akin. "I wanted to say sorry."

Biglang humina ang puwersa nang pagkagusto niyang kumalas sa mga kamay ko.

"Sorry?" Sarcastic niyang sagot "Maibabalik ba ng sorry mo yung first kiss ko?"

Totoo naman na hindi maibabalik nang kahit anong bagay na nasira na ang mga salitang, "patawad" o "nagkamali ako."

"Ow..." natigil ako sa sinabi niya. "Don't worry first kiss ko din iyon." Dahil iyon naman talaga ang katotohanan. Hindi pa rin ako bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay nito, dahil baka may possibilidad na tumakbo ulit ito.

"Ano pang sasabihin mo?" She rolled her eyes.

Nagpakilala ako sakaniya, at inabot ko ang isa kong kamay. Ngunit tinignan niya lang ito, hindi niya pinansin.

"So? Anong paki-alam ko." Sagot niya sa akin.

Aba! Iba ito, matapang. "I-abot mo din naman yung isang kamay mo." Pilit ko sakanya.

Portrait In The GalleriaOn viuen les histories. Descobreix ara