Kabanata 14

47 9 0
                                    

14

Dwayne

Kinakagabihan ay dumating na nga ang mga kaibigan.

Unang dumating si Sean at Brendon after ng duty nila sa hospital ay tumuloy na sila agad dito sa resort.

I ask them if kung bakit di nila kasama si Allyssa at Jobelle. And according to them ay sabay-sabay daw sila nang ibang girls.

"How is she?" Tanong ni Brendon kay Sean.

Andito kami ngayon sa office habang hinihintay yung ibang boys.

"Okay naman sya." Maikling sagot ni Sean.

"Kaya pa?" Tanong ko naman.

"Kakayanin." Hinampas pa nya ang dibdib niya na akala mo ay naghahanap nang away.

Bumukas ang pinto at sumunod na dumating si Guin, Jayvee, at Justin.

"Sino pang wala?" Tanong ni Justin.

"Si Kuya Paul at Andrei." Sagot ni Sean.

"Tagal naman nila." Maktol ni Guin at sumalampak siya sa couch.

Nag-laro muna nang mobile games si Jayvee at Justin. Si Brendon at Sean naman ay masinsinang nag-uusap sa corridor. Tulala naman si Guin na parang malalim ang iniisip.

May narinig akong katok mula sa pinto at hinayaan itong bumukas.

"Ready na po yung venue nyo Sir." Sabi sa akin ni Anna.

Inalok ko na silang lumabas at pumunta sa beach kung saan naka-puwesto ang barbecque night namin.

Sa dalampasigan naka-ready ang mga loungers and benches na pag-uupuan namin. Sa gitna nito ay may mga nalakagay na driftwood na susunugin para sa bonfire.

Hindi kalayuan sa may bonfire ay nandoon ang long table kung saan naka-lagay ang mga lulutuin. At ang grilling ay nandoon din.

"Nasaan si Angel?" Tanong ni Sean nang makarating na kami sa mga lounger.

Kumuha naman nang pansindi si Guin at sinimulang pa-apoyin ang driftwood.

"Pinauwi ko nang maaga para makapag-ready at masundo si Jones." I replied.

"Hello everyone!!!!" Sigaw ni Jobelle nang makarating. Kasama nito si KC, Janelle at Allyssa.

Lahat kami ay napatingin kay Allyssa pero agad din naming binawi nang mapansin na may ilang sa mukha niya.

"Bakit kayo lang?" Tanong ni Jayvee.

"Nasa hulihan lang namin si Ellen at Kuya Paul." Sagot ni KC.

"Nasaan si Andrei?" Tanong ni Guin.

"Kasama si Andrei may binalikan lang sila saglit dahil may nakalimutan si Julianna." Paliwanag naman Janelle.

Guin's atmosphere suddenly changed but none of us try to approach him to acknowledge that something is wrong.

"Good evening mga Ma'am and Sir."

Hindi ko naiwasan ang ngumiti nang makita si Angel na dumating. Nasa likod nito si Jones na nakapamulsa.

"Ma'am,Sir ka diyan." Jobelle rolled her eyes.

"Akala mo naman talaga naiba sya ih." Dagdag ni Allyssa.

Lumapit si Jones at nakipag-kamay sa ibang boys. Nakita ko rin na nag-uusap si Angel at Guin.

We bring some drinks to make our body warm dahil nasa labas nga kami.

Portrait In The GalleriaWhere stories live. Discover now