Kabanata 4

63 15 2
                                    

04

Dwayne

Nasa kasagsagan ako ng workout nang maisipan kong tawagan ang mga kaibigan ko para lang sa planong outing. At hindi pa nagtagal ay nasagot na nila ang call at nag-appear ang kanilang mga pagmumukha sa screen ng phone.

"May location na ba? Ayaw nyo ba talaga dito sa resort?" Pagtatanong at suhestiyon ko sakanila.

Walang sumasagot at halatang nagi-isip din nang posibleng lugar para sa outing. Inalok ko sila na lumabas at mag-enjoy tulad ng madalas kong gawin sakanila nong mga high school pa kami. Hindi naman sa pagiging mayabang pero natutuwa ako pag nakakasama kong lumabas ang mga kaibigan ko.

"Hindi naman sa ayaw namin Dwayne. Try something new lang." Si Brendon na abala sa pagtitipa sa kanyang computer. May tinatapos itong research or study para sa bagong sakit na kumakalat ngayon.

"Kaya nga. Kanya-kanyang sasakyan ba ngayon?" Si Sean na nakahilig ang kanyang ulo sa puting mesa at nakapikit ang kanyang mga mata.

"Pwede rin naman. Para wala nang sundo-sundo at doon na sa venue magkita-kita." Jayvee suggested.

"Saang lugar nga po talaga?" Justin asked.

Huminga ng malalim si Paul bago nag-salita. "Gusto ko medyo private yung tayo-tayo lang."

"Rock Garden?" Andrei blurted.

Nakuha ng lugar na iyon ang attention ni Gwen kaya nag-salita rin ito. "Pwede rin naman. Yun ay kung doon talaga ang gusto ng bawat isa sainyo."

"G!" Andrei exclaimed.

"No problem." Paul added.

Hinawakan ni Justin ang kanyang baba bago nag-salita "Basta kung anong gusto ng nakakarami doon din ako."

"Doon nalang para tipid." natatawang sagot ni Jayvee.

Sumang-ayon din si Sean nang sabihin nito na "Oo, tapos damihan nalang yung pagkain."

Sumilay ang isang makahulugang ngiti sa mukha ni Brendon at nagtanong ito kung sakali na pwedeng magdala ng kaibigan sa outing.

"Baka naman? At kung maaari lang naman." I also added.

Gwen tried to crack a joke by saying "Kahit pa dalhin niyo ang aso niyo."

"Paano ang foods?" I ask.

Brendon suggested na magdala nalang ng pwede naming madala at required kami na magdala ng drinks individually.

Gwen volunteered to bring pizza and burgers. I said that I'm bringing lechon manok, at gagawin kong limang manok alam kong masisiba ang mga ito. Isang bilao ng pancit kay Brendon at Beef Broccoli at Igado naman ang kay Sean.

"Barbecque and Liempo" Jayvee said.

"Carbonara at Spaghetti!" Justin in a high pitched voice

May kung anong inaantay na marinig si Paul sa bawat isa sa amin, at mukhang wala atta sa nabanggit namin ang hinahanap niya. "Kanin, plato, kubyertos, at baso. Ang dami niyong pagkain tapos wala kayong paglalagyan? Magdadala ako ng buko salad." mahaba niyang paliwanag.

Portrait In The GalleriaWhere stories live. Discover now