Kabanata 5

67 13 0
                                    

05

Dwayne

Maaga akong gumising para maaga rin akong maka-alis ng bahay para pumunta sa resort. Nasunod naman ang body clock ko at mahimbing din ang aking tulog.

Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si Papa na abalang nanood ng morning news habang may hawak ito ang isang tasa ng kape. Bakas ang pagiging focus nito sa balita na inihahayag ngayon sa TV at makikita mo rin sa mukha nito ang hindi pag sang-ayon sa mga lumalabas na balita.

Narinig nya ang yabag ng aking mga paa kaya lumingon sya sa aking direksyon. Upang batiin ako.

"Good morning Dwayne." Bati nito sa akin.

"Good morning din Pa." bati ko sakanya.

"Bihis na bihis ka ah?" He ask with amusement. Kung hindi mo kilala ang aking ama ay maiinsulto ka sa pamamaraan niya ng pagsasalita, ngunit sa totoo lang ay ito ang kanyang pamamaraan para maglambing.

Matanda na ang aking ama pero parang kabataan pa rin ito kumilos, kahit puti na ang kanyang buhok ay malakas pa rin naman ang kanyang pangangatawan.

Napansin kasi nito ang aking suot. I'm wearing a color green apple na long sleeves, white short and white shoes.

"Sa resort lang po Pa." I replied bumaba ako at humalik sa kanyang pisngi.

"Kumain kana doon sa kusina't may nakahain ng almusal." Utos nito sa akin at binaling na agad ang kanyang mata sa television.

"Nasaan po si Ate at Mama?"

Napansin ko kasi na kaming dalawa lang na naman ang nandito sa bahay. Hindi naman kalakihan ang bahay pero bakit parang halos hindi kami magkita.

"Si Mama mo maagang pumasok sa trabaho, si Ate mo naman umalis kasama ang mga kaibigan."

Matagal ko na rin na hindi nakaka-bonding si Papa kaya naka-isip ako ng ideya. Mula ng nakabalik ako dito pagkatapos mag-aral ay halos wala na akong time para maka-usap man lang siya.

"Hindi mo ba ako sasamahan na kumain Pa?"

Nilingon nya ako nang may halong pagtataka. Naningkit ang kanyang mga mata na parang pinag-aaralan nya ako.

"Okay ka lang Jamaar?"

Hindi ako nito tinatawag sa aking second name unless kung seryoso siya or galit.

"Opo" sagot ko sakanya "Bakit po Pa?"

"It's just that nakakapanibago na gusto mong samahan kitang kumain." Nagtataka pa rin ang tono ng kanyang boses.

"Ayaw mo ba Pa?"

"Kumain na ako pero dahil gusto mo akong kasama. Abay kakain ulit ako, pero konti nalang mahirap nang kumain ng madami kasi ngayon. Baka ma-high blood tayo." Pag papaliwanag nya.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Inakbay nya ang kanyang kamay sa aking balikat at iginaya ako papunta sa kusina. "Ang laki ng anak ko." he said. 

At sa pagkakataong ito ay naramdaman ko ang genuine na pagmamahal sa akin ng aking ama. Hindi naman sa hindi nito pinaparamdam ang kanyang pagmamahal but this time he showed it physically.

Medyo awkward, na sa edad kong ito ay parang seven years old lang ako itrato ni Papa. But despite of the age 'a dad will always be a dad'

"May iba ka pa bang gusto Nak?" Tanong nya sa akin ng maka-upo na kami sa dining table.

Naupo na ako sa dining table at sya naman ay nagtungo sa cupboard. Hindi ganun kalaki ang aming bahay kahit marangya ang aming buhay. Our parents taught us na maging humble kahit sa mga material sa bagay. 

Portrait In The GalleriaWhere stories live. Discover now