Wag ako Bakla ka

1.5K 26 1
                                    

__________

PROLOGUE

__________

"Oh!! bulag ka ba!?" Napasigaw ako sa subrang inis dahil natapunan ng ice cream ang damit ko habang kumakain.

Tinignan ko siya ng masama, habang sya ay nakatungo "may deperensya ba yang mata mo? Hindi kaba tumitingin!?"
Sigaw ko. Wala siyang ibang ginawa kundi tumungo nalang. "Hoy miss!kung tatanga-tanga ka lang, wag sa harapan ko, tang ina!" Bulyaw ko pa. Na gulat siya sa pagmura ko at umiling na tinalikuran sya. Tsk malas!

Bakasyon na bakasyon malas na palagi araw ko. Ang lagkit na nang damit ko. Nagmadali akong naglakad para hanapin ang cr ng mall hindi nagtagal ay nakita ko rin. Mabilis kong tinahak ang gripo at dahan-dahang binasa ang damit gamit ang panyo ko, pagkatapos kong linisin ang damit at pinatuyo ay lumabas na ako.

Dahil ako lang mag-isa .Ang mga wala kung kwentang kaibigan ay pinaprank lang ako keso daw wala silang pera putik.

Habang inaliw ang sarili napadpad ako sa game station don nag lalaro ako ng basketball. Nang may na pansin akong babae na aligagang naghahanap ng mataguan tinitigan ko itong mabuti nang mapansin kong ito iyong nakabunggo sakin kanina. Bigla syang napahinto ng makarinig ng salita "Asan na ba ang babaeng yon!?" Boses ng malaking lalaki. "Ang tanga nyo kasi bakit di niyo binantayan!?" "Grabi pare, ang lakas niyang sumuntok parang hindi babae, akalain mo tumba ka" sabi ng kasama niya at pinagtatawanan. Na wala ang atensyon ko sa nag uusap nang hindi ko namalayan tumabi na pala ang babae na medyo may katangkaran sa akin. Ang kapal naman ng mukha para magtago sa'kin. Na pangisi ako sa naisip.

"Hoy miss!" Natigilan ako sa biglang pagsigaw ng lalaki siya yata iyong nasuntok. Tsk. Lumilinga ako sa paligid kinukumpirma kung ako ang tinutukoy nito " Ako?" Walang kabuhay-buhay kong sabi na tinuturo pang sarili. "Oo, ikaw nga!" Sabi pa niya. "Bakit anong kailangan mo?" Habang tinatalas ang tinging tinignan ko sya na may hawak pang bola. Dahan- dahan akong napangisi sa gilid ng maramdaman kong mas sumiksik pa ang katabi ko sa'kin.
"May nakita ka bang babae pumasok dito? Matangkad sayo kaunti at maganda?" Na pabalik ang walang kwenta kong tingin sa kanya. tsk may diin pa talaga? . Na patawa ako sa naisip.

Ngumisi ako "kung sabihin ko bang meron, anong gagawin mo?" " Wala kanang paki!" Sigaw niya. "Kung ganon..." Binitin ko ang sasabihin. "Kung ganon? Ano?" Galit na sigaw niya. "Nandito sya sa tabi ko. Kunin niyo na" napangisi ang mga ito at dahan-dahang lumapit sa amin. Hmmmm.. "teka lang." Awat ko sa kanila. "Bakit?" Anas ng sinuntok .tsk tsk tsk tsk..ang boring naman kung wala akong gagawin.

Inilahad ko ang aking kamay "bayad muna" napahalakhak ako sa tawa dahil biglang pumangit ang itsura sa tarsier naging kwago. "Hahahahha..wala kang pera? Kung ganon ayaw ko itong ibigay sa inyo ng libre" tawa ko pa.. " Ano!? Sinong sabi wala akong pera!?" Galit na saad pa niya.

Ang saya nito panigurado hahahah. "Kung gusto niyo siyang makuha, daan muna kayo sakin". Mabilis ang paggalaw na iniisa-isang binato ko ang bola sa kanila masakit yon panigurado. Habang dinaramdam pa nila ang sakit mabilis ko naman silang nilapitan at sinuntok sa mukha lipat naman sa isa at tinadyakan ang tiyan nang may nakita akong tumayo sa likod ko mabilis ko itong hinawakan at pinaikot ang kanyang kamay sa likod niya para mapasigaw sa sakit. Tumakbo ang isa patungo sa'kin para salabungin ang kamao niya, hinintay ko siyang makalapit sa'kin at sinalag ang kamao niya na siya namang tinohud ko sa tiyan, hinawakan ko ang kamay niya pinaikot ito at siniko sa likod. Pati ako mapa aray sa sakit.

Nang makita kong bulagta na silang lahat sa sahig. "prrrrrrrtttt" .mga guard. Na kita ko ang mga guard na nagmamadaling tumakbo palapit sa amin. Dali-dali ko agad pinuntahan ang babae hinila ko siya ng walang pasabi at tumakbo palabas ng mall para makalayo.

Pabato kong binitawan ang kamay niya pagkalabas namin ng mall. Hingal na hingal akong tinukod ang aking kamay sa tuhod. "Malas ka talaga!!" Singhal ko habang humihigop ng hangin. Grabe kapagod tumakbo 3rd floor hanggang labas .

"Hindi ka man lang nag sorry nong binunggo mo ako. At at ngayon tinulungan pa kita, hindi kailan man nag pasalamat!!" Bulyaw ko pa. "Bingi ka ba!? Hindi ka ba nagsasalita!?" Inis na talaga ako kanina pa ito hindi umiimik .tsk sakit sa ulo..

"Pasensya na, nadamay kapa sa kagagahan ko. S-s-salamat sa t-ulong mo" Na padilat ako sa aking mata ng magsalita sya. Ngayon ko lang sya na pansin ng matagal .Tinignan ko siya ulo hanggang paa.

Totoo ba to? Ang ganda nya, ang kinis ng balat, tinignan ko ang mukha nya ang tangos ng ilong yong lips nya ang sarap halikan. Na balik ako sa ulirat ng magsalita sya "pasensya na talaga sa nangyari" hindi halata sa kanya grabe. Na gulat talaga ako sa boses nya "salamat sa tulong mo"dagdag pa niya sa inipit na boses, halata sa kanyang pinilit nyang maging boses babae. Dahil puno ako nag kuryosidad di ko mapigilang magtanong. "BAKLA KA?".

Wag ako Bakla kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon