Chapter 9

152 4 0
                                    

*Mak-criz*

"Asan na ba kasi kayo!?" Galit kong tanong sa kaklase kong si Rainida.

"Pasensya na kaibigan pina-prank ka lang namin wahahaah" baliw na tawa pa niya.

"ANO!?" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Hahahah masaya ba mag-isa kaibigan?"

"Demonyo talaga kayo ano!?"

"Of course matagal na. Ano kaba hahahaha"

"So... hindi talaga kayo pupunta?"

"Hayss. Hindi nga hahahaha..atsaka wala rin kaming pera"

"Busit. Bahala nga kayo. Mga walang kwenta!!"

"Ahahahha alam namin.. Enjoy~~ kaibigan mahal ka namin hahahaha"

Inunahan ko nang pinatay ang tawag baka ibato ko lang ang cellphone ko.

Badtrip!!!

Sabi ko na nga ba malakas talaga ang kutob ko na prank lang sakin to. Kanina pa kasi ako nag aantay sa labas ng mall.

Paano nato? Mag isa akong lilibot, kakain, mag laro, manood ng sine!? Wala talaga silang kwentang kaibigan. Humanda talaga kayo sakin sasabog talaga iyang nguso niyo.

Nag hintay ako saglit sa labas at nag iisip kung sino pwede makasama ko dito.

Nilabas ko ang cellphone at nag simulang mag type.

"Asan ka?"

"Nandito sa mall. Bakit?"

"Talaga? Nice. Nandito rin kasi ako"

"Anong ginagawa mo?"

"Guard na ako dito hahah"

"Gago. Seryoso sinong kasama mo?"

"Kaibigan sana kaso hindi sila sumipot. Pina prank lang nila ako!"

"Hahahah sige sige mag kita nalang tayo"

"Okay. Asan kaba ngayon?".

"Ahh nandito sa food court kumakain"

"Okay. Aaliwin ko lang sarili ko. Text kana Lang pag tapos kana kumain"

"Roger"

Binulsa ko na ang cellphone pagkatapos namin mag text ni Zim.

Opo si Zim siya lang kasi childhood best friend ko. Basta siya nalang ang sinabihan ko madali kasing makisama sakin heheh.

Habang nag lalakad niisipan kong bumili ng ice cream. Pagkatapos kong makabili umalis na ako. Hindi pa ako nakaka layo nang may bumangga sakin.

"Oh!! bulag ka ba!?" Napasigaw ako sa subrang inis dahil natapunan ng ice cream ang damit ko habang kumakain.

Tinignan ko siya ng masama, habang sya ay nakatungo "may deperensya ba yang mata mo? Hindi kaba tumitingin!?"
Sigaw ko. Wala siyang ibang ginawa kundi tumungo nalang. "Hoy miss!kung tatanga-tanga ka lang, wag sa harapan ko, tang ina!" Bulyaw ko pa. Na gulat siya sa pagmura ko at umiling na tinalikuran sya. Tsk malas!

Wag ako Bakla kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon