chapter 7

226 6 3
                                    


*Joseph*

"Panigurado panalo~ na ako ehehe. Hik. hik". lasing na sabi James habang sinisinok.

Mga ulol. Sila nag pasimuno uminom tapos sila lang pala una malalasing. Tsk mga weak naman pala to hahaha

"~Ahh talaga lang ah?" Medyong lasing na sabi ko. Hehehe medyo lang.

"Tsk wala nato..hahahah ~kanina pako ~tooong-its mga ulol. Hheehh~~." Nilapag ni Hector ang kanyang baraha sa harapan namin.

"Bakit dimo sinabi samin? Kanina na pala kami talo. Hik" tinigan ko ang sakin. Paktay ang laki pa sakin lima ang baraha ko.

Tinignan ko si James tuwang-tuwa na pinitik ang kanyang baraha habang tumitingin sakin.

"ikaw mauna magpakita ng baraha Jameesss~~hehehe" ngising turan ni Hector. Habang si James dahan-dahang nilapag ang kanyang baraha sa gitna ng lamesa.

Napalunok ako ng nakangisi na siya sakin. Alam kung malala na ang kanyang dare para sakin.

Nong sinimulan namin ang game na tong-its. Walang nagbabalak na harapin ang dare kundi kaming tatlo ay nahulog sa pag inom ng beer. Pinagpatuloy namin ang pag lalaro hanggat may isang gustong sumubok ng dare. Dahil walang gusto gumawa ng dare.

Napagdesisyonan namin na kapag last game na namin siya na ang sasalo sa dare. Kaya tudo ang kaba ko dahil paniguradong talo na ako. Sa madaling salita hindi ako marunong mag tong-its. Pero hindi ako madaling malasing di kagaya nitong mga kumag nato.

Nang malapag na ang kanyang baraha hindi ko iyon kayang tignan. Oa na kung Oa. Alam kong hindi madali ang pinaggagawa nila sakin. 

Bigla kong pinikit ang mata bago tignan ang kanyang baraha. Ang mga hinayupak nato nag sisimula ng matawa sa aksiyon ko. Hinintay ko silang matahimik Bago ko buksan ang mata at dahan-dahang sinilip ang baraha.

"Talo kana~~taloo kanaaa~ang pinagdadasal araw araw~~ taloo kana~~ang paghihintay namin ay talooo kanaaa giliwwwww~~~" biglang birit ni James na hindi ko alam ang title pero familiar sakin at iniba niya ang lyrics.

"Delikado. Delikado. Delikadoo~~ magagalit ang mundo~~galit ang mundo~~~" sumunod naman si Hector. At sabay silang tumawa.

Mga gunggong. Mukhang natamaan ako dun kay Hector ah!? Delikado nga ako. Puta . Pinsan ko ba talaga sila?

"Bilisan mo .hik" sambit ni James na parang inaantok habang ang hintuturo niya ay nasa sentido nagkukunwaring nag-iisip na pwedeng gawing dare.

Nanlumo ako matapos makita ang kanyang baraha. Tres ang sakanya samantalang sakin ay lima. Malaking ngisi na ang kanyang mukha ng binaling ko sakanya ang aking tingin. Nakabusangot naman akong tinignan siya.

*Pout*  "ang daya niyo, alam niyo kasing hindi ako marunong mag laro nito, pinagkaisahan ninyo ako.. hik!" Singhal ko pa na ikinatawa nila.

"Hik.hik.. alam mo kasi tsamba. tsamba. Tsamba~~ lang yan hik.! Heheehe" si Hector na halatang lasing na talaga dahil iyong kamay niya tinuturo ako ng wala na wisyo. Weak ka pala sa inuman pinsan hik.

"Woi. Hector ibigay na natin ang dare sakanya hehehhe hik.hik!" Nagsimula na akong kabahan nong bigla iyon sinabi ni James. Hindi ko alam pero masama talaga ang kutob ko rito. Tsk tsk. Bakit pa kasi ako pumayag.

Wag ako Bakla kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon