Chapter 4

288 4 0
                                    

*Joseph*

Napahiya ako sa ginawa ni Mak-criz siya palang nakagawa ng kakahiyan sa sarili ko. Wala naman akong ginawang masama sakanya siya lang naman itong malakas mag react.

Napatutula ako sa kina-uupuan niya kanina. Ginawa ba niya iyon para mapahiya ako sa mga kasama ko?. Kung ganon mukhang mali ang binangga niya hindi niya dapat kinalaban ang isang Sandoval.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang tumawa si James "hahahahahahah..akalain niyo yon? Ang isang Joseph Sandoval dinedma ng isang simpleng babae na nag-ngangalang Mak-criz Gonzales? hahahahah"

Tawa nilang lahat maliban sakin. Sino bang matutuwa napahiya na nga ako.

"Hahaha nakakahiya ba pinsan? Ok lang yan at least naramdaman muna kung ano ang feeling na ni reject. Hahahaha" Nag tawananan muli ang mga kumag.

"Hahaha" pekeng tawa ko

"Alam mo pinsan yang si Mak-criz mabait naman yan eh, ewan ko lang kung bakit siya suplada sayo" pang uuto pa ni James. "Oo nga naman Joseph mabait naman si Mak at maganda gusto ko siya" makikita mo sa mata ni Hector ang kislap sa kanyang mata habang inaalala ang pangyayari.

"Bago mo nga lang nakilala gusto mo na agad? Siraulo ka pala eh!" Natatawang singhal ko sakanya.

"Naiisip mo lang yang suplada siya dahil sinisigawan ka niya, totoo namang namang mabait si Mak-criz. I swear bro halos kaming mga lalaki dito sa baryo namin gustong makipag kaibigan kay Mak-criz" natutuwang pahayag ni Zim.

Kumunot ang noo ko at tinignan sila isa-isa. "Nakita niyo bang pinahiya niya ako sa inyo?" Inis na tanong ko. "Kayo nga sa posisyon ko masisiyahan ba kayo?. Kung gusto niya ng gulo well magmaka-awa na siya kay satanas." Ngising dagdag ko na ikanabigla nila sa narinig.

"Hahahaha..kung ako sayo wag mo nang ituloy ang pinaplano mo hahaha" napalitan ang pagkabigla ni James ng tawa.

"Bakit naman hindi?" Naguguluhang tanong ko.

"Basta wag mo nalang siyang kalabanin masasaktan ka lang" sabat ni Zim na nagbibigay payo.

Hindi ko nalang pinansin ang kanilang pinagsasabi tungkol kay Mak-criz. Habang si Hector naman bigay tudo ang pakikinig sa kwento ng dalawa tungkol sa babaeng suplada.

Hindi ba sila na iilang na pinag uusapan nila ang tao? Bahala na nga sila.

Nag stay muna kami sa kubo saglit. Habang busy sila sa pag uusap. Nag iisip naman ako kung paano ko gagantihan. Si suplada.

Ano naman kaya ang ibig nilang sabihin na masasaktan ko lang ang sarili ko? Masasaktan sa physical? E nong tinignan ko siya hindi naman malaki katawan niya para namang ma bugbog ako non. kaya ko nga siyang kargahin at itapon sa ilog hehehe.. Napangisi ako sa naisip.

"Hai Joseph" malanding sabi ni Mak-criz.

Natauhan ako sa pag iisip at tumingin sa pinanggalingan ng boses. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Mak-criz na sout ang sexy dress na kulay pula.
Napalunok ako ng gumawa siya ng sexy pose na pinataas baba ang kanyang kamay sa kanyang katawan at dahan dahang tatalikod na may mapang akit na tingin sabay kindat sakin. Hinawi niya ang kanyang buhok paharap at nakita ko ang kanyang kurba at mapuputi niyang likod. Dahan-dahan naman siyang humarap sakin sinusuklay ang kanyang mataas na buhok papatalikod at tumabad sakin ang dalawang malulusog na gubat niya.

Napalunok ako sakanya. "B- Bakit? P-pano nangyari?" Turo ko sakanya na tinignan ulo hanggang paa. Lumuwa ang mata ko ng napahinto ang tingin ko sa legs niya. "A-ang puti" napalunok na sabi ko. Nag iinit ako sa nakita hindi ko mapigilan ang katawan ko ngayon lang ako nakaramdan ng pananabik.

"Maganda ba?"mapang akit na sabi niya. Habang ang paningin ko nasa legs parin.

Binalik ko ang tingin kay Mak-criz. "O-oo, s-subra" utal na utal na tugon ko.

Tumingin ako sa likod kung nandon parin ba ang pinsan ko at si Zim. Pero wala na sila buti naman para masulo ko na si Mak-criz. Iniwan siguro nila ako para makasama at magkabutihan kami.

"Hali ka pasok, mainit na dyan" Lumabas ako sa kubo at inalalayan siya papasok. Dahil gentleman ako hinawakan ko ang kamay niya ang lamig tapos yong bewang niya wala man lang bilbil habang pinipisil ko pa iyon. Alam kong nakikiliti sya dahil mas dumikit pa siya sakin. Nag aalab na ako may butil butil na akong pawis lumabas.

Kaya ko pang magpigil, kaya ko pa. Kayanin mo Joseph para hindi ka bastedin. Grabi ang init asan ba ang hangin?

Naging malikot ako ginagawa kong pamaypay ang kamay ko. Nagpalinga-linga ako sa upuan namin. Hindi ako mapakali sa kina uupuan ko "ok ka lang?" Natigilan ako sa sinabi niya. "Ha? Ahh ah... hahahahhaah o-oo okay lang hehehe". Tuwa ko baka mapansin niyang ayaw niya akong makatabi.

"Alam mo Joseph gusto kita" malanding sabi niya. "Noong una kitang nakita nagustuhan na kita hindi ko alam kung bakit, parang familiar ka sakin" ngumiti siya sakin habang hinihimas ang dibdib ko at may inuukit. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Nahihiya ako baka marinig niya ang pag tibok nito. Napaatras ako sa kina-uupuan ko ng inihiga niya ang ulo niya sa dibdib ko habang nakikinig sa pag tibok nito. "Ang lakas ng pintig ng puso mo" ngiti nya sakin. "Ahh ..hahaha eh k-kasi ano. A-ang init kasi .ehehehe" palusot ko. Bumangon siya at tinignan niya ako.
Heto na hahalikan niya ako, ito na hinihintay ko. Sabik na sabik na ako sa mga mapupulang labi niya.

Hehehe take me to the heaven lord.

Malapit na malapit na talaga isang dangkal nalang ng layo naaamoy ko na ang mabangong hininga niya sakin . Naramdaman ko na ang labi niya sakin. Hinawakan ko ang mukha niya at mas idiniin pa ang aming labi.

"HOY JOSEPH!!!" Natigilan ako ng may biglang sumigaw.

Wag ako Bakla kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon