chapter 14

123 4 2
                                    

Dedicated Student_E

*Zim*

"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Mak na iling lang ang ginante.

Naaawa ako sa kalagayan niya. Ayaw kong ipakita iyon dahil hindi niya gusto kaawaan. Ngayon ko lang siya nakita humahagulhol ulit makikita mo ang sakit  sa kanyang bawat paghikbi ng kanyang pag iyak.

Nilapitan niya si Renz na nakahandusay sa semento at pinatong ang ulo nito sa kanyang paa.

"Renz? Gumising ka". Sabi niya rito na tinatapik ang pisngi.

Tinignan ko si Renz talagang masakit ang kanyang pinagdadaanan. Halos nag kulay violet na ang kanyang mukha. May tulo ng dugo ang kanyang mukha na galing sakanyang ulo sa pagkahampas ng bote kanina. Lumuhod ako at hinawakan ang pulsuhan ng kamay.

"Dalhin na natin siya sa hospital" Hindi na siya umimik. Tinulungan niya akong tinayo si Renz at isasakay namin sa motor.

"Pano ang motor ko?" Tanong niya na tinignan ang motor niya na nasa unahan ng building.

"Balikan nalang natin pagkatapos nito kay Renz" sagot ko agad para hindi na kami ma alanganin sa oras.

Hindi pa kami nakarating sa motor ko ng may narinig kaming ingay. Nagkatinginan lang kami ni Mak at pinabayaan nalang namin dahil mas importante ang kalagayan ni Renz.

"Wag kanang umasa dahil hindi ka niya babalikan!!"

Sigaw ng isang lalaki hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Mas naguguluhan ako dahil familiar sakin ang boses ng lalaking sumigaw.

"Ang bigat!" Sabi ko ng maramdaman kong mas bumigat si Renz. Tinignan ko sa side si Mak ngunit nauna na siyang naglakad at iniwan akong nakaakbay kay Renz.

"Puta iniwan ako" sabi ko sa sarili. Kahit mahirap sakin ang sitwasyon minabuti kong dalhin si Renz sa motor.

"Talagang inuna niya ang may bakbakan. Kaysa dito sa kasama namin. Gago talaga" agad kong nilagay si Renz sa may tanke ng motor pagkarating. Sumakay narin ako at mabilis na pinaandar ang motor. Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Nakaharap sakin si Renz ng nakasabak habang inalalayan ko ang likod niya na parang nag hug lang kami para hindi siya matumba. Buti at malapit lang ang hospital dito. Kung hindi baka ipa salvage ko nalang ito.

Hindi kalaunan narating ko rin ang hospital. Deniretso ko agad siya sa emergency room.

"Nurse! Nurse! Tulong!!" Sigaw ko para malapitan agad. Nakita kong agad lumapit ang guard sakin.

"Anong nangyari?" Tanong niya agad sakin.

"Nabugbug po"

"Sige-sige" umalis agad siya at tumawag ng nurse. Bumalik agad pagkatapos humingi ng tulong na agad namang nagsilabasan ang mga nurse dala dala ang strecher. Tinulungan naman ako ni guard na ibaba si Renz sa motor at sinakay sa stretcher.

"Nurse kayo na po ang bahala sakanya"
Kinuha ko ang call ko at agad tinawagan ang kuya ni Renz.

"Hello?" Sabi niya na bagong gising.

"A-Ahh kuya si James po to"

"Oh bakit? "

Ang hirap naman sabihin to.

"Na hospital po si Renz"

Hay nasabi rin. Pinagpawisan ako don.

"Bakit!? Pano!?" Galit na tanong niya sakin.

Wag ako Bakla kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon