chapter 17

107 4 0
                                    

*Joseph*

"Bakit madilim? Kwarto ba to?" ito ang unang nakita at lumabas sa bibig pagkagising ko. Kahit na madilim may nakikita parin ako kahit papaano. Tanging kama lang ang napansin ko.

Tatayo na sana ako ng may naramdaman ako saking magkabilang kamay. "T-eka bakit nakatali ako?" Pilit kong tinatanggal ang pagkakatali pero mahirap talaga. Saka mahigpit ang pagkakagapos nito masakit talaga.

Nilibot ko ulit ang kabubuan ng kwarto. "Kanino tong kwarto?" Tanong ko sa sarili ng mapagtanto kong hindi familiar sakin ang kwarto nato. Saka napahinto ang pangingin ko sa dawalang paa kong nakagapos rin. Nagsimula nakong kabahan sa ano man mangyari.

Tinignan ko ang sarili ko hindi pa ako nakabihis simula nong nabugbug kami. "Bakit ba kasi ako napunta dito? Saan na sila pinsan?" Naging balisa ako para makatakas pero hindi ko pa kaya masakit pa halos ang katawan ko.

Natigilan ako ng may pumasok mula sa veranda. Linipad ng hangin ang kurtina nito saka dahan-dahang lumapit ang pigura ng tao. "Sino ka!?" Hindi ko halos maaninag dahil sa liwanag ng buwan na nagmula sa veranda. Dahan-dahan siyang lumapit sakin "wag kang lumapit. Tatawag ako ng police" banta ko sakanya. Saka siya tumigil at tumungo siya saka nagsimulang tumawa ng malakas.

Seriously? Anong nakakatawa? "Baliw kaladkarin moko!" Sigaw ko nito.
" Ikaw ang baliw. Sinong taong makakatawag sa sitwasyon mo!?" Biglang sabi niya sakin saka tumawa ulit ng malakas.

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama naman siya hindi ako makakaalis dito saka makahingi ng tulong. Humarap ulit siya sakin saka naglakad patungo sa paanan ng kama. Hinawakan niya ang kaliwa kong paa na nakatali. "Tatanggalin mo na?" Tanong ko-. "aarayyy..." Biglang sigaw ko ng mas hinigpitan ang pagkakatali nito. "Bakit mo hinigpitan!?"

"Bobo karin."

"What!?" Naguguluhang tanong ko. Hindi na niya ko pinansin saka lumipat sa kabila kong paa. Namilipit ako sa sakit sa ginawa niya habang kagatkagat ang pangibaba kong labi para hindi makagawa ng ano mang ingay.

'Ang sakit ng pagkakatali niya' sambit ko saking sarili.

Pagkatapos niya sa paa. Naglakad uli siya patungo sa harapan ko. Mabilis ang paggalaw niya kaya hindi ko napansing nasa ulohan ko na siya. Naging mainit sa loob ng kwarto sa damit ko lang ba ito o pinatay niya ang aircon? Tagaktak narin ang pawis sa mukha ko. Hindi ko parin maaninag ang mukha niya kahit malapit na ito sakin. Saka naman naging malabo ang paningin ng mata ko. Kinakabahan ko siyang tinignan ulo hanggang paa. Saka naman itong nagsimulang  tumulo ang nagbabadya kong luha.

"K-katapusan ko na ba?" Mahinang bulong ko na umiiyak. Halos hindi ako makalunok ng banggitin ko ang mga katagang iyon.

Tanging tunog lang ng orasan ang narinig ko at kabog ng dibdib ko sa kaba. Sa sobrang tahimik namin sa loob baka pati tibok ng puso ko rinig na niya. Natulala ako ng may nilabas siya ng kutsilyo galing sa kanyang tagiliran. Dahan-dahan niya itong binunut saka tinutok sakin sa ibabaw.

Nagpumiglas ako sa kama na parang matatanggal ang nakatali sakin. "Wag! Wag!" Sigaw ko na maaring makapagbago ng isip niya. "Ayaw ko pang mamatay.! " Bading na kung bading umiyak nako sa harap niya para magmakaawa. Nakita kong mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kanyang kutsilyo saka ako sumigaw ng malakas.

"WAAAAAAGGGGGGG!!"

_____

*Mak-criz*

Naggigitara ako sa labas ng veranda. Gusto ko lang magpahangin hindi naman ako makatulog dahil sa konsensya kay Renz. Nakalimutan kong nasa hospital pala siya dahil sakin.
Saka wala naman akong mahihigaan nandon sa loob si Joseph na mahimbing na natutulog.

Wag ako Bakla kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon