1

39.5K 708 51
                                    


1968


Pumapasok pa lang sa garahe ng mansiyon ang kotse ni Franco Navarro ay nakamasid na si Monica mula sa french window. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya nang makitang lumabas ng kotse si Franco. Ibinaba niya ang kurtina at humugot ng malalim na buntong-hininga at sinalubong ang lalaki.

"Congratulations to the new father!"


"Nicky!" nakangising bati ni Franco. "Kailan ka pa dumating?"

"Minutes ago. Dito ako dumiretso dahil hindi ko alam kung saang ospital naroon si Bea." inilahad ng dalaga ang kamay na tinanggap naman ni Franco at mahigpit na pinisil. 


"How's the new father?" May kislap ang mga mata ng dalagang tumingala rito.


"Great, Monica! I have never been this happy. Ganito pala ang nagiging ama," nakangising sagot nito. Inakbayan ang dalaga at inakay patungo sa bar room. 

"Lalaki ang unang anak namin ni Bea. A nine-pound healthy baby boy. And by god, kamukhang-kamukha ko," pagmamalaki nito.

"Kailangan kung ganoon ng celebration, Franco," naka-plaster na sa mukha niya ang ngiti na tumingala sa lalaki. Nakakahawa ang galak at kaligayahan sa mukha ni Franco. Inalis ng lalaki ang braso sa balikat ng dalaga at kinuha ang bote ng champagne sa mini ref sa bar at nagsalin sa dalawang kopita.

"You bet. Nagpamigay na ako kanina sa office ng tabako," at malakas na humalakhak ang lalaki. Bakas sa mukha ang kaligayahan. Inabot ang kopita kay Monica.

 "Here, cheers..."

Kumikislap ang mga matang itinaas ni Monica ang kopita padikit sa kopita ni Franco. 


"Cheers!"

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon