17

24.7K 668 15
                                    


"KRISTINE, darling!" salubong ni Marvin na nakalahad ang mga kamay upang yakapin si Kristine.Napahawak siya sa braso ni Alvaro at nahinto sa pagpasok.

"Hanggang diyan ka na lang, Mr. Cuevo," babala ni Alvaro na nagpahinto sa paglapit ni Marvin.

"Ano ang ibig sabihin nito, Mr. Navarro?"

"Alvaro, maaari bang ipaubaya mo na kay Mr. Cuevo ang asawa niya?" Si Franco na ang pagtitimpi sa anak ay gusto nang humulagpos.

"Sinabi ni Kristine ang sirkumstansiya ng pagpapakasal niya sa iyo, Mr. Cuevo," patuloy ni Alvaro na hindi pinansin ang ama. Si Bea ay hinagod ng tingin ang nahihintakutang mukha ni Kristine.

"But of course, walang dahilan para itago iyon. She is my wife and supposedly still on our honeymoon. Kristine, darling, let's go home. Ano ba ang nangyayari sa iyo..?"

"Hindi ako sasama sa iyo, Marvin." pilit niyang pinatatag ang tinig.

Napasinghap si Bea. Si Franco ay nagmura. Hindi nito maintindihan na napaugnay ang anak sa ganitong walang kuwentang mga bagay. At lalong hindi nito maintindihan ang interest na ipinakikita ni Alvaro sa babae. All right, she's pretty and sexy, pero hindi birong magagandang babae ang nahuhumaling kay Alvaro. At ang isang ito ay may asawa!


"I know you're still upset, Kristine, darling. Let's go home and let me take care of you," samo nito at pagkatapos ay nilingon ang mag-asawa. 

"Salamat sa inyo, Mr. Navarro. We wish to be transported back to Manila now, if you don't mind."

Bago pa nakakilos si Franco ay muling nagsalita si Alvaro. 


"Hindi ko alam kung paano mo nagawang palabasing kasal kayo ni Kristine, Mr. Cuevo. Pero ito ang tinitiyak ko sa iyo, get yourself a good lawyer dahil titiyakin kong alamin ang buong sirkumstansiya!"


"You're crazy!" nanlaki ang mga matang wika ni Marvin. 

"Kristine is my wife. You cannot prove otherwise..."

"I can and I will, Mr. Cuevo. Hindi siya naging asawa ninuman sa literal na paraan maliban sa legal niyang kasal kay Roy."

Nagsalubong ang mga kilay ni Marvin. Gayundin sina Franco at Bea na nagkatinginan.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Si Marvin na tiningala si Alvaro. Alvaro is inches taller.

"Kristine was a virgin when I took her!"

"Oh, Alvaro..." nanlumong wika ni Kristine and she was blushing. Hindi makapaniwalang sasabihin ng binata ang ganoong uri ng intimacy sa harap ng mga magulang. Bukod pa roon, iyon ang pinakaiiwas-iwasan niyang malaman ni Marvin para kay Roy. Nanlalambot na napaupo siya sa pinakamalapit na silya.

Si Franco at Bea ay pare-parehong nag-angat ng mukha at pinaglipat-lipat ang tingin sa anak at kay Kristine.

"Hindi totoo iyan!" protesta ni Marvin. 


"She was married to my brother for two years!"


"A marriage for convenience. It was never consummated. At kahit na siguro hindi totoong pagtinging-kapatid mayroon si Roy kay Kristine, he still wouldn't be able to consummate his marriage with her. Maysakit na si Roy noong mga panahong iyon," patuloy ni Alvaro.

Binalingan ni Marvin si Kristine. 


"You, bitch! Pinagkaisahan ninyo akong dalawa ni Roy!" Akma nitong lalapitan si Kristine na biglang napasiksik sa silya.


"Touch her and you're dead, Mr. Cuevo!"

Nahinto sa paghakbang si Marvin and went still as death.

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon