8

24.6K 653 43
                                    


"SINO ang babaeng iyan, Alvaro?" Si Erlinda Navarro Gascon.


Umiling ang binata. 


"Hindi ko kilala, Lola. But I've met her last night sa hotel na tinuluyan ko."

Tumaas ang mga kilay ng matandang babae. "Alvaro?"

Amused na nilingon ng binata ang abuela. 

"Nagsasabi ako ng totoo, Erlinda Gascon. Siya ang babaeng sinabi ko sa inyo na dahilan kaya ako nagkasugat," patuloy nito. Hindi na sana nito ipapaalam sa abuela ang nangyari sa kanya subalit hindi sinasadyang nahawakan siya ng matanda sa balikat nang dumating siya kaninang umaga. Bukod sa nadama nito ang mga gasa ay napangiwi pa siya.

"And what is she doing here?" nagtatakang tanong nito.

Nagkibit ng mga balikat si Alvaro. 

"Hintayin nating mahimasmasan at nang malaman natin. Nakita siya ng teleskopyo ko habang hinahanap namin ni Mang Kardo ang tatlong nawawalang mga baka." At hindi niya mapaniwalaang magkikita silang muli ng babaeng ito sa mismong loob ng rancho.

Noong una nitong makita ang babae sa teleskopyo ay hindi nito mapaniwalaang siya iyon. Pero hindi nito maipagkakamali sa iba ang mukhang nasa harap.

Buong magdamag ay okupado ng babae ang isip nito. Her sensual lips, her body, her face, her eyes... that he was aching hard. Gusto nitong bumalik sa itaas ng hotel and make some wild and passionate love to her.

But he checked himself. Kailan pa ito naging ganoon na tila teenager sa unang sexual experience? Dala lang marahil iyon ng epekto ng sugat niya, illogical na rason niya sa sarili.Ang estranghera ay unti-unting pinagbabalikan ng malay.

"I-ikaw?" Her voice hoarse.

Ngumisi si Alvaro. 


"Paborito mong salita iyan, Miss Wala kang Pakialam..."

"Saan... ako naroroon? Bakit ka narito?" Dumako ang mga mata niya sa matandang babaeng katabi ng lalaki.

"Narito ka sa rancho Navarro, hija. Hinimatay ka," pormal na sagot ni Erlinda. Ang mga mata ay mapanuri. Lalo na kapag babae ang nagpupunta sa rancho. Mula pa nang magbinata ang mga apo nito ay hindi na birong mga babae ang paroon at parito sa rancho at sa mansiyon sa Maynila.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nasa Villa Navarro siya! Mabilis siyang bumangon at naupo sa gilid ng lounge.

"Nandito ako sa rancho Navarro? Sa mismong villa?" Inikot nito ang paningin sa paligid.

 "Oh, thank God!" She gave a sigh of relief.

Nagsalubong ang mga kilay ni Erlinda na napasulyap sa apo na ganoon din ang mukha. 


"Sa Rancho Navarro ba ang talagang tungo mo?" Si Alvaro.


Mabilis siyang tumango. 

"Oho. Ako po si Kristine Cuevo. Hinahanap ko po si Alvaro Navarro."

Napatuwid ang likod ni Alvaro sa narinig.

"Bakit mo hinahanap si Alvaro, hija?" patuloy ni Erlinda sa mailap na tono at sinulyapan ang apo na ipinagkurus ang mga braso sa dibdib.

"Kayo po ba si Mrs. Erlinda Gascon?" Wala sa loob na napaoo at napatango si Erlinda. Si Kristine ay may dinukot sa bulsa ng maong. 

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon