19

26.3K 712 13
                                    


NAGULAT pa si Kristine sa biglang pagdating ni Alvaro sa bahay niya. "Alvaro? Akala ko ba mamayang gabi ka pa pupunta rito?"

Sinipa nito ng boots ang pinto na malakas na sumara. 

"You have a very expensive way of losing your virginity, Kristine," galit na bungad ng binata. 

"From Houston, Texas to Alta Tierra. Bakit wala bang available na lalaki sa Texas?"

"Ano ba ang pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong niya.

"Bakit ako ang napili mong lalaki para maiwala ang virginity mo?" mapanganib nitong tanong sa pagtatagis ng mga bagang. Ilang sandali muna ang nagdaan bago naunawaan ni Kristine ang gustong sabihin ng binata.

"Bakit ka nagagalit, Alvaro?''

"Bakit? Ano sa palagay mo ang dapat kong madama? Ibando ko sa buong mundo na ako ang napili mong pagbigyan ng virginity mo!" Halos sumigaw na ito.

"Hindi ko alam kung bakit mo nasabi iyan." banayad siyang umiling. 


"Hindi kita pinili. Hindi ko pinlano ang nangyari sa atin..."


"Sinungaling!" asik nito. 

"Did my brother tell you how I perform in bed kaya napagpasiyahan mong umalis ng Texas patungong Alta Tierra?"

"Ano'ng...?" Nalilito na siya.

"Well, my brother is as good as I am. Why didn't you take his offer?" patuloy ni Alvaro sa panunuya.

Naningkit ang mga mata niya. Napukaw ang galit. 


"'Ayan ang sagot sa tanong mo! Kung gusto ko lang iwala ang virginity ko ay hindi kailangang magpakahirap ako sa pagtungo sa rancho, Alvaro! Any man would have served the purpose!"

"You used me, damn you!"

"Kung iyon ang gusto mong gamiting salita bahala ka!" pagalit niyang sinabi. 

"Pero hindi mo ba ako ginamit din? Wala ba ako sa kama mo nang gabing iyon beneath you and filled with... with your flesh?"

Naglalabas ng apoy ang mga mata ni Alvaro sa sinabi niya. Gusto nitong saktan si Kristine sa mga sandaling iyon dahil sa kabila ng galit nito ay hindi nito maiwasang mag-init sa pagpapaalala sa kanya sa unang pagtatalik na iyon. At kahit na walang kapantay ang mga sumunod nilang pagtatalik, he would always treasure that night when she gave herself to him for the first time.

"And you enjoyed using me, Alvaro, hindi ba? Kahit dito sa bahay ko. Hindi naging hadlang ang milya-milyang layo sa pagitan nating dalawa to satisfy your lust with me. And of course, sa isang tulad mo na walang balak magpakasal sa isang babae, kumbiniente ako para sa iyo dahil sa katayuan ko bilang biyuda!" Nagagalit na siya nang tuloy-tuloy at wala nang pakialam sa sinasabi. Damn this man for accusing her of using him!

Bagsak ng pintuan ang sumunod na namalayan ni Kristine. She was too angry to cry kahit na alam niyang iyon na ang huling pagkikita nila ni Alvaro.

"I'M LEAVING," wika ng binata sa ama dalawang linggo makalipas ang pagtatalo nila ni Kristine.

"Leaving where?" Nagsasalubong ang mga kilay ni Franco sa pagkakatitig sa anak.

"Houston. Nandito pa si Lance. Baka may gusto kang ipagbilin sa akin."

Hindi kumibo si Franco na isinandal ang sarili sa swivel chair at hinagod ng tingin ang anak sa mahabang sandali. Pagkatapos ay tumaas ang isang sulok ng mga labi.

"Tama ba akong isipin na sa wakas ay napagpasiyahan mo rin na kailangan mo ng babae sa buhay mo?"

"I have always a need for a woman in my life, Franco Navarro."

"I mean as a wife..."

Huminga nang malalim ang binata. 


"If she will have me."


"Oh, she will. You're a Navarro, son. She will have you. Go ahead, you have my blessing to chase her in Houston."

"Thank you, Pa," at tumalikod na ito.

Si Franco ay nakangiting umiiling. Dinampot ang telepono at dumayal. Ilang sandali pa ay may nag-angat sa kabilang linya. 

"I hate to say this, darling, because you're still young and sexy and..."

"Ano ba ang sinasabi mo?" si Bea na napapailing sa kabilang linya. 


"Don't tell me na sa oras na ito ng tanghali ay sex ang naiisip mo? Shame on you, Franco Navarro!"

"Dirty minded woman," tukso nito sa asawa. 


"You're forty-three and by next year kung hindi magkakabisala, you will be a grandmother, darling!"

"Oh!"

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon