4

27.7K 642 7
                                    


BAGO bumaba ng building si Alvaro ay dumaan ito sa silid ni bise-presidente.

"Hi, Nick..."

Mula sa ginagawa ay nag-angat ng ulo ang binata. "Alvaro..."

"Pare, you've been working like a dog. Wala ka nang good time, ah," aniya na naupo sa gilid ng mesa. "You worked here as the vice president at pagkatapos ay ikaw pa rin ang namamahala sa chain of hotel and resorts ninyo."

"Maraming responsibilidad ang ibinibigay ng management sa akin," wika ng binata na isinandal ang sarili sa swivel chair.

"Pare, baka kinakalawang na ang mga binti ng mga thoroughbred mo sa asyenda. Go home this weekend and let's race horses, go fishing, and hunting," anyaya ni Alvaro na nilaro-laro ng daliri ang pencil holder.

Tumiim ang mukha ng binata. He really missed those things. 


"Hindi ikaw ang binibigyan ng tambak na responsibilidad at trabaho ni Franco Navarro kaya madali para sa iyong sabihin iyan."


Sandaling hindi kumibo si Alvaro sa sarcasm na nasa tinig ng kaibigan. Tumayo mula sa pagkakaupo.

"I know my father, Nick," banayad nitong sinabi. 


"A hard driver but not a slave worker. Huwag mong isisi sa Papa ang push-over ng Tito Jerome sa iyo." pagkasabi niyo'y humakbang ang binata patungo sa pinto. 

"See you..."

"Alvaro..." lumingon ang binata. 


"I'm sorry..."


Ngumiti si Alvaro. 

"Get up, boy. There's no use proving yourself to your old man. Kahit ano ang gawin mo, he will never be satisfied. Don't grow old like him..."

Tumiim ang mga bagang ni Nick. Bahagyang tumango. 


"Baka nasa Sto. Cristo ako next weekend. Say hello to Lola Erlinda."

Nang lumapat ang pinto ay isinandal ni Nick ang sarili sa swivel chair at ipinikit ang mga mata. 


He wanted to hate Alvaro and Lance. He envied their freedom. Kahit kailan ay hindi nito nagagawa iyon kay Jerome. Pero bakit kasusuklaman niya ang ibang mga tao nang dahil lang sa iba ang ama niya sa ama ng mga ito?

At bakit pinahihintulutan niya ang sariling manatili sa trabahong ito gayong ang panahon lang niya sa pamamahala ng family business at ang asyenda Montaño ay kulang na ang oras niya?Huminga siya nang malalim. Alam niya ang sagot doon. Dahil kay Jerome. Gusto ni Jerome na manatili siya sa puwestong iniwan nito nang magkasakit. Hindi pa rin niya maintindihan ang ama sa pakikipagkompetensiya sa mga Navarro na kung tutuusin ay hindi naman kailangan. Kung pera ang pag-uusapan, they are rich. Hindi lang basta mayaman kundi napakayamang tulad din ng mga Navarro. Pero heto siya at nasa ilalim ng pamumuno ni Navarro. Hindi ba nakikita ni Jerome iyon?

"Pag-aari natin ang FN International, Nick," naalala niyang wika ni Jerome. 

"Kung paanong pag-aari ng mga Navarro ang kalahati nito. And I'll be damned if I will give it up. Sooner or later ay magre-resign si Navarro at natitiyak kong ikaw ang papalit bilang Presidente dahil naroon ka na binatilyo ka pa lang. Hindi si Alvaro. And once you will get there, titiyakin kong mababawi ko ang kompanyang ipinamana ng Papa sa kanya!"

"Pero bakit ganoon na lang ang intensiyon ninyong makuha ang kompanya sa Tito Franco, Papa? Higit kaysa sa atin ay karapatan iyon ng mga Navarro. At bakit kailangang nasa isang tabi ang iba pang negosyo ng pamilya gayong kung tutuusin ay kailangan din ng mga iyon ang atensiyon natin?"

"Shut up! Gawin mo ang gusto ko. One false move at mapapasaatin muli ang kompanyang itinayo ng Papa munting bata pa lang ako!"

At ginagawa niya ang lahat ng ito para sa ama, to please him. Pero tama si Alvaro, kahit na ano ang gawin niya ay balewala kay Jerome. Laging kulang pa rin. He was obsessed with anything na hawak ng mga Navarro. At kung hindi dahil sa ina ay hindi niya pahihintulutan ang sariling sunod-sunuran sa ama. Ang mga pagkukulang ni Jerome ay nako-compensate ni Monica.

"Don't grow old like him." Tumiim ang mga bagang niya sa iniwang salita ni Alvaro. He is only twenty-four pero pakiramdam niya ay kuwarenta na siya. Hindi bale ba sana kung sa lahat ng mga ginagawa niya ay nasiyahan o napuri man lamang siya ni Jerome.

All his life ay wala siyang natatandaang may ginawa siyang tama para dito. He graduated with highest honors sa ibang bansa pero balewala iyon sa ama. Maliban kay Monica ay napupuri ni Franco ang mga ginagawa niya. Binibigyang considerations ang mga idea niya. Giving him credit with his brilliant ideas. But never Jerome.

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon