12

24.1K 626 6
                                    


NASA hagdan siya nang makita niyang may kausap si Alvaro. Hindi niya gustong makinig pero huli na para bumalik sa itaas.

"Sinabi sa iyo ng daddy na gusto ka niyang makausap, Alvaro," malambing na wika ni Angie sa binata. Nakaupo ito sa dulo ng sofa habang sa kabilang dulo ay naroon ang binata. She looked dignified enough except for the exposure of shapely legs nang magde-kuwatro ito. At sadyang inihahantad.

Gustong maaliw ni Alvaro. Sa loob ng panahong pagkakilala nito kay Angie ay sinikap na ng dalagang ipakita at ipadama sa kanya na ito iyong no touch type. But the woman is subtly provoking him by showing a little of her anatomy tulad na lang ngayon. And he'd die first kaysa kagatin ang pain nito.

In fact, pinagsisisihan niyang nabiro-biro nito si Angie. Mas mapanganib pa ang babaeng ito kaysa sa mga salabay sa dagat. She and her father ay naghihintay lang na madulas si Alvaro at natitiyak ng binatang sa altar siya dadamputin.

"Marami akong trabaho dito sa rancho, Angie. Alam ng daddy mo iyon," katwiran nito. Pilit hindi ipinahahalata ang amusement sa mukha. "Bakit ba ang layo-layo mo?"

"May reputasyon ka, Alvaro, alam mo iyon," she pouted her lips provocatively.

"Oh, yeah?" Tumaas ang kilay ng binata. "Ano'ng reputasyon iyon, Angie?" Marahang umusog ang binata at pinaglandas ang daliri sa nakalantad na hita ng dalaga pataas. Napasinghap si Angie pero pinalis ang kamay ng binata.

"You're naughty, Alvaro. Nice girls like me shouldn't get too close with you..."

"You're not really so nice dahil pinalis mo ang kamay ko. Beautiful things are made for touching and you've got delicious legs, Angie." Sinikap ng binatang kontrolin ang tawang nakatago sa dibdib. "But anyway, what's a nice girl like you visiting a man with a reputation of ravishing nice girls?"

"May chaperon ako, Alvaro." bahagyang itinaas nito ang mukha for emphasis. "Ang driver ng daddy. Kaya ako nagpunta rito dahil ilang linggo ka nang hindi dumadaan sa bahay. You know I like you at kahit na ano pa ang sabihin ng daddy tungkol sa iyo ay hindi ako nakikinig. Pero alam kong kaya mong palambutin ang puso ng daddy..." bahagyang yumuko ang dalaga trying to appear demure.

"And how am I gonna do that?"

"Hingin mo sa kanya ang mga kamay ko, Alvaro. Then you would have license to date with me, to touch my legs." she cross and uncross her legs sa matinding amusement ni Kristine na nanonood nang lihim. "We can go anywhere you like as long na maitakda mo sa daddy ang engagement natin...." wika ng dalaga na tumitig sa binata sa mapupungay na mga mata.

Sunod-sunod na napaubo si Alvaro.

"Oh, well... hrmp... let me think about that, Angie," wika ng binata na tumayo at nagpalakad-lakad sa harap ng dalaga. "Ipapaalam ko sa iyo kung kailan ako handa sa mga bagay na iyan, okay, honey?" Yumuko at hinawakan sa braso ang babae at itinayo. "Now be a real nice girl and go home at baka hinahanap ka na ng daddy mo." Inakay nito palabas ng bahay ang dalaga at inihatid hanggang sa owner-jeep. "Bye, honey..."

"Will I see you soon?" pahabol ng dalaga na inilawit ang leeg dahil tumatakbo na ang sasakyan. There's a secret longing on her face.

"Very soon." Kumaway ang binata at lumakad pabalik sa loob ng bahay. Nahinto sa paghakbang nang makitang nakasandal sa poste ng portico si Kristine na nakakrus ang mga braso sa dibdib at nakatawa.

"She's a very nice girl," tukso niya.

"Don't be misled. She's a selfish conniving bitch," wika ng binata na nakatiim ang mga bagang. 

"I know the type at kakutsaba niya ang daddy niya."

"Really? Iyon ba ang paraan niya para ma-trap ka sa marriage? Pretending to be untouchable?" Her eyes danced in silent laughter.

"Damn you, Kristine, huwag mo akong pagtawanan!"

"I certainly am not laughing, sir," painosenteng wika niya. "Tsk... tsk... poor girl, itinaboy mo na para bang may sakit siyang nakakahawa..." she couldn't suppress the soft laughter na nahinto nang makitang matiim na nakatitig sa mukha niya ang binata.

"Aren't you pretending to be untouchable, too?" wika nito sa marahan subalit may galit na tinig. And he was inching closer na napaatras si Kristine subalit poste na ang nasa likod niya.

"T-then... avoid me also like a plague, Alvaro... I might trap you into marriage..." nauutal niyang sinabi. Kinakabahan dahil wala na siyang mauurungan pa. His closeness is threatening her sanity.

"Forget about marriage. I won't be trapped into that. But I don't want to avoid you, Wild Rose. Mula noong unang makita kita sa bar, I want you like hell..."

"Because I'm a widow? Hot and wanting. Ano nga ba iyong sinasabi nila tungkol sa mga biyuda? Sex-starved widow?"

"Aren't you?" His lips inch away from her lips. His sweet breath and a mixture of excitingly male essence are assaulting her senses. His right hand clutching her waist na para bang makakawala siya.

Napalunok siya. She could feel the animal warmth of him. Ang kailangan lang niyang gawin ay move a fraction at magdidikit na ang mga labi nila. Oh, how she wished to do just that and taste this dangerous man! Pero alam niyang hindi lang taste ang mangyayari kapag ginawa niya iyon. And so she must get out of his spell right this very moment.

Tumikhim siya at iniwas ang mukha subalit hinawakan ni Alvaro ang baba niya at handang bumaba ang mga labi sa kanya. Umiba ng atake si Kristine.


"All right, I know what you want," she said in a firm and sarcastic tone. At sana ay hindi mapansin ni Alvaro ang panginginig ng tinig niya. "Kiss me and get it over with."

Nahinto sa pagbaba ang mukha ni Alvaro and momentarily paralyzed.

"I think I'll pass your offer, Miss Wild Rose," naniningkit ang mga matang sinabi. "At huwag kang magtago diyan sa kunwaring prim-and-proper-widow attitude mo. And if and when I did kiss you I don't want you to treat it like some casual thing..." pagkasabi niyon ay humakbang papasok sa loob ng bahay ang binata.

"Look who's talking about casual thing," pagalit na habol ni Kristine.


 "Ano ang gusto mong itawag sa gagawin mo sana at sa mga panunudyo mo?"

Dammit if I know!

Kristine Series 8 - Wild Rose (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon