01// Shin Niroh

253 4 0
                                    

01// Shin Niroh

Kanina pa ako nagdadalawang isip. Ano ba ang mas bagay sa kuko ko? Soft pink o itong matte na mint green? Sa totoo lang, gusto ko talaga ay deep red ang kaso lamang ay sisitahin nanaman ako ng officers ng student council kaya hindi ako makapag lagay ng gusto kong kulay ng nail polish. Lagi kasi akong pinag iinitan at sinisita kaya soft colors lang ang pinagdidiskitahan kong ilagay.

"Hoy Shin Nini! Sure ka bang hindi ka samin sasama?" Nakasandal si Jisung sa may pinto ng apartment ko habang nakapamaywang. Hindi ko na nabilang kung ilang beses nya na itong tinanong sa akin, pero iisa lang naman ang sinasagot ko sa tuwing magtatanong sya.

Ibinaba ang mga nail polish na hawak ko bago sya sagutin. Itong mint green na nga lang, tutal ay pink din ang nail polish ko last week.

"Hindi nga sabi, may pasok pa tayo bukas at ayokong pumasok ng may hangover!" Sabi ko habang inaalog ang lagayan ng mint green na nail polish.

"Tsaka kita mong may ginagawa ako diba?" Dagdag ko at pinakita sa kanila ang ballerina cut kong kuko na pinakaiingatan ko.

"Chill ka lang, mainit nanaman ulo mo eh."

"Ate naman, sumama ka na kasi. Wag na tayo pumasok ng first period, wala ka namang quiz dun eh, magdidiscuss lang yun ni Sir Leeteuk panigurado. Ako nga hindi papasok eh, may quiz kaya kami kay Sir Shindong." Ngumuso si Jeongin at pinagdaop ang mga palad nya. Isa pa tong bata nato, magmula nung lumipat sya sa apartment nina Jisung at Seungmin ay palagi na syang nagyayaya na mag inom.

Dati kasi ay sa apartment sya ni Felix nakatira, pero masyado daw good boy at tahimik si Felix kaya bored na bored sya dun lagi. Mas gusto nya daw makipag kulitan kina Jisung. Kaya ayan, para silang mga dinosaurs sa kabilang apartment. Halos araw araw ay nag babangayan sila at nagbabatuhan ng mga gamit nila, nagrereklamo na nga yung iba pang tenant eh.

"Alam nyo kayo, ang lalakas ng loob nyong mag inom. Baka nakakalimutan nyo, malapit na ang midterm examinations! Mag aral nga kayo, di yung puro kayo pasarap." Panenermon ko sa kanila habang kinikiskis ng nail file ang kuko ko. Ang totoo nan ay hindi pa din ako nakakapg review for mid terms, sinabi ko lang yun para tantanan na nila ako.

"That's the point, cousin." Umakbay sa akin si Seungmin at tumapik tapik sa braso ko. Kung makaasta to akala nya mas matanda sya sakin. Nako, Kim Seungmin, madami ka pang kakaining bigas. "Malapit na ang hell week kaya kailangan na nating magchill chill, hindi na tayo makakapag nomo pag hell week na."

"Ikaw naman Seungmin, puro ka inom! Isusumbong talaga kita sa Kuya Woojin mo! At lumayo layo ka nga, baka matamaan mo ang kuko ko!" Inirapan ko sila isa isa, tinawanan lang ako ni Seungmin, si Jisung naman ay inirapan din ako, at si Jeongin, syempre nakangiti lang.

"Edi magsumbong ka. Kasama kaya namin si Kuya Woojin at yung dalawa nya pang tropa."

Inirapan ko nalang sila at pinagtulakan palabas ng apartment ko. Kanina pa sila nangungulit sa akin pero ayoko talagang uminom muna. May klase pa kami bukas at ayoko talagang pumapasok ng nakainom, masakit sa ulo at nadadala na akong magsuka sa female bathroom.

"Hala, layas na kayo! Hindi ako sasama kaya tantanan nyo na ako!" Nanlalaban pa si Jisung, si Seungmin naman ay pilit na tinutulak ang pinto para hindi ko ito maisara.

"Shin Niroh naman! Sama ka na!" Huling hirit ni Jisung pero tinulak ko padin sya.

Ah, nga pala, ako si Shin Niroh. 20 years old at second year college. Shin Nini naman ang tawag sa akin ni Seungmin at ng kahit na sinong malapit sa akin. Palaban, straight forward, liberated at maarte sa kuko, buhok at damit. At yang tatlo na yan at ang mga salot sa buhay ko. Si Seungmin, pinsan ko na kaedad ko lang din. Yung isa kong pinsan, si Kuya Woojin, wala dito. Si Jisung naman, sabihin na nating bestfriend namin sya ni Seungmin. At si Jeongin, alagain naming tatlo yan, 19 years old at first year college.

Imperfections | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon