31// Shin Niroh

64 3 0
                                    

31// Shin Niroh

"Minho... wala kang kapatid?" Tanong ko sa kanya. Nasa bus na kami ngayon pero hindi pa umaandar. Nasa 40 to 50 minutes lang naman ang byahe papunta sa Gimpo, depende nalang kung may traffic.

Alas onse na, dapat ay magmomotor kami ni Minho pero hindi pumayag si Kuya Woojin dahil delikado daw at mainit.

"Wala, isa lang ang inanak ni mama."

"Ahhh..." Hindi na ako nagsalita. Kinakabahan kasi ako. Hindi naman kasi ako girlfriend ni Minho eh, so bakit nya ako ipapakilala sa pamilya nya? Ang awkward diba? Diba pinapakilala ka lang naman ng isang lalaki sa pamilya nya kapag ano... kapag--- ewan ko! Bahala na nga!

"Ni..." Tumingin sya sa akin. "Kanina ka pa hindi mapakali, kinakabahan ka ba?"

"Hindi ah!" Pagdedeny ko kahit ang obvious ko na. Kinakabahan lang talaga ako! Ngayon ko lang mararanasang ipakilala sa pamilya ng isang lalaki.

"Wag ka na nga kabahan... hindi naman masungit si mama." Natatawa nyang sabi.

"Kahit na noh, alam mo namang---" Natigil ako sa pagsasalita. Nakakahiya namang umamin na never dated ako!

"Alam ko na yun. Ang cute mo, alam mo yun?" Natatawa nyang sabi at pumitik ng mahina sa noo ko. "Buti nga ang sungit mo sa iba eh."

"Ano namang mabuti dun? Tsaka hindi ako masungit noh, ganito lang talaga ang itsura ko!"

"Alam mo ba ang sinasabi ng mga lalaki tungkol sayo? Ang hirap mo daw lapitan, ang hirap mo daw kausapin. Akala ko nga... hindi na kita makakausap kahit kelan ah."

"Bakit naman ako naging mahirap lapitan? Muka ba akong nakakatakot?"

"Hindi. Ang cute mo nga eh! Buti nalang kinaibigan ko si Woojin, edi napalapit ako sayo." Tapos tumawa sya. Siraulo talaga to. Kung anu anong sinasabi.

Umandar na ang bus. Ang awkward naman nito. Patingin tingin si Minho sakin tas patay malisya naman ako. Aish. Kakausapin ko na nga lang, hindi naman pwede na habambuhay na akong dense!

"Minho, sya nga pala, diba schoolmates tayo nung high school? Senior kita nun diba?" Pagbubukas ko ng topic.

"Alam mo pala na schoolmates tayo? Akala ko hindi mo alam." Amazed na amazed nyang sabi. Halos mangahaba ang nguso nya!

"Malamang alam ko! Lagi kang nagbabantay sa klase namin dati eh."

"Ahhh... yun lang?"

"Anong yun lang?"

"Yun lang ang naaalala mo? Wala ka ng ibang naaalala tungkol sakin nung high school?"

"Wala naman. Kasi diba gumraduate ka na nung first year ako?"

"Ahhh... akala ko tanda mo pa eh."

"Ang alin?"

Namula naman sya at tumingin sa malayo. "Wala yun."

"Ano nga? Kung wala yun, bat ka namumula?"

"Wala nga kasi. Baka mahiya ka lang pag sinabi ko sayo."

"Ano nga kasi? Promise di ako mahihiya."

"Sure ka? Hindi ka mao-awkward pag sinabi ko sayo?" Namumula nyang sabi.

"Promise! Go na, sabihin mo na."

Huminga muna sya ng malalim at tumingin sa akin. Medyo kinabahan naman ako. Ano kaya yun? Mukang big deal ah?

"Ganito kasi yun... there's this one time na naglalakad ka papunta sa bathroom. Hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo kaya nabangga mo ako."

Imperfections | Lee KnowWhere stories live. Discover now