10// Shin Niroh

67 1 0
                                    

10// Shin Niroh

Alas onse pasado na pero parang nagsisimula palang ang araw ng mga tao sa Placebo. Totoo nga ang sinabi ni Kuya Woojin na alas onse pa talaga ang simula ng kasiyahan dito. Kanina kasi, kahit na madami na ang tao, ay hindi naman ganito kagulo.

"Nakailang bote ka na ba at pulang pula ka na?" Tanong ni Kuya Chris na naghahalo ng drinks. Hindi sya mahilig na makipag sayaw sa gitna kaya madalas syang tagabantay ng gamit sa table.

"Ha? Isang can palang." Sabi ko habang dinadama ang pisnge kong mainit.  Halos 20 minutes na din ang nakalipas magmula nung sinamahan ako sa bathroom ni Minho pero hanggang ngayon ay pulang pula parin ako.

Hindi mawala sa isip ko kung paano nya hawakan kanina. Alam kong mali, alam kong hindi dapat ako mapalapit sa kanya, pero wala eh, hindi ko mapigilan. Tsaka sobrang big deal sa akin nung sinabi nya na wag ako masyadong mag inom. Ang sarap pala sa pakiramdam na may nag sasabi sayo ng ganun.

Hinanap ko si Minho at nakita ko syang nakikipag usap sa iilang babaeng customers sa bar counter. Kita ko din ang iba pang babae pinag uusapan sya na parang gusto syang lapitan.

"Lakas talaga ni Lee Minho sa babae!" Naiiling na sabi ni Kuya Chris, I agree with him. Talagang apple of the eye si Minho ng mga babae dito.

"Lee Know!" Tawag ni Kuya Chris at kumaway kay Minho. Nakita kong kumaway din si Minho at may sinenyas kay Kuya Chris na hindi ko naintindihan. Basta nag hand gesture sya.

"Lee Know? Si Lee Minho yun diba?" Naguguluhan kong sabi kay Kuya Chris.

"Kaya nga, ganun talaga dito sa Placebo. Lahat ng employees ay may mga code name."

Tumango tango naman ako. So sya pala si Lee Know pag nasa Placebo sya. "Eh anong code name nyo ni Kuya Woojin?"

"Bang Chan sakin or CB97, tas kay Woojin ay wala dahil ayaw nya daw ng ganun." Ganun pala yun. So sya pala si Lee Know, okay, information saved.

Makalipas ang halos kalahating oras ay may lumapit sa table namin na may dalang isang bucket ng alak. Inilapag nya iyon sa harapan ko, nasa mismong likuran ko sya kaya dumikit sa likod ang dibdib ng lalaki. Mabilis akong lumingon para alamin kung sino ang balasubas pero nagulat nalang ako nang makita ko kung sino sya.

"Minho..." Mahina kong banggit sa pangalan nya na wala namang nakarinig dahil sa lakas ng tugtog.

"Lee Know! Buti naman at out mo na!" Nag man hug sila ni Kuya Chris, lumapit din si Kuya Woojin para umapir kay Minho. Limang minuto bago ang alas dose, hindi ko na namalayan ang oras, out na pala nya.

Teka? Does it mean na uupo sya sa table namin? Does it mean na... makikita ko ulit sya ng malapitan?

"Niroh, is it okay na makiupo satin si Minho?" Tumaas ang kilay ni Kuya Chris.

"Sure, kuya." Sabi ko at naramdaman ko nanaman ang pamumula ng pisnge ko.

Naramdaman kong gumalaw ang upuan si gilid ko. Tiningnan ko si Minho na sobrang lapit sa akin. Wala na ang suot nyang apron at hindi nya na din suot ang tshirt ng Placebo. Nakasuot na sya ng kulay itim na tshirt at isang hoodie jacket na nakabukas ang zipper. Nakatali padin ang unahang bahagi ng buhok nya.

"Nga pala, Minho, ito si Niroh, pinsan ni Woojin at Seungmin. Niroh, this is Minho... kaibigan namin to ng Kuya Woojin mo." Pagpapakilala samin ni Kuya Chris.

"Kuya Chris naman, magkakilala na kami ni Minho." Sabi ko at tiningnan si Minho, mukha na syang pagod pero nakakangiti padin sya. If I am in a normal situation, I'll deny him. I'll deny the fact that I know him, but this one is different. He's different.

Imperfections | Lee KnowWhere stories live. Discover now