17// Shin Niroh

71 2 0
                                    

17// Shin Niroh

Thursday ng hapon kami nakarating ng Gwangju. Kasabay namin si Kuya Woojin sa pag uwi kaya hindi kami nag commute, sya ang nag drive kaya nakatipid kami at mas less hassle. At isa pa, ayoko talaga mag KTX o mag bus dahil nabo-bored ako sa byahe at ayoko talagang mag commute dahil sobrang hassle.

Buti nalang talaga at sumabay si Kuya Woojin sa amin, may gig dapat sila ni Kuya Chris dun sa bagong bukas na cafe pero pinagpaliban na muna nya.

"Sama ka daw ba?" Tanong ni Seungmin na nakasandal sa may pintuan ng kwarto ko. Suot nya parin ang kulay pink na pajama nya kagabi at ang black tshirt nya. May dala syang unan at gulong gulo ang buhok nya.

We all live in this huge mansion. Magkatabi lang ang kwarto namin ni Seungmin, ang kay Kuya Woojin naman ay nasa west wing, east wing naman ang amin ni Seungmin. Ang bahay naman nila Jisung ay medyo malapit lang din, pero hindi pwedeng lakarin dahil kotse lang ang pinapapasok sa subdivision nila. Ang kila Jeongin naman ay malapit lang samin, nasa limang minuto lang kung lalakarin.

Friday na ngayon, alas dos na ng tanghali pero pare-pareho parin kaming mga hindi pa naliligo. Kaninang alas onse pa ako gising pero kumain lang ako saglit sa baba at humilata nanaman ako sa kama ko. Si Seungmin naman ay mukhang kagigising lang. Si Kuya Woojin ay nagising na din kanina pero mukang natulog na sya ulit.

"Ha? Saan?" Pinause ko muna ang hacks sa YouTube na pinapanuod ko. Nakadapa ako ngayon sa kama, nakabalunbon sa comforter at nagsasayang ng oras kakanuod ng hacks.

"Booster daw." Pumasok si Seungmin at umupo sa may edge ng kama, nakayakap sya sa unan nya at parang antok na antok parin.

"Mag aano dun?" Humikab ako at pumikit pikit para labanan ang antok.

"Maglalaro malamang, arcade yun eh! Try mo dung mag kape!"

"Sungit mo, alam mo yun?" Ngumuso lang si Seungmin. Kamukha nya si Cinnamon Roll, yung kaibigan nila Hello Kitty na cute at laging nakanguso.

"Ano nga? Sasama ka ba?"

"Ano oras ba? Nakakatamad pa bumangon eh."

"Mamaya pa namang five, tulog pa nga si kuya eh."

"Sus, mamaya pa pala eh, edi sige, sasama na ako at nakakainip dito."

Dumapa din si Seungmin sa tabi ko at nakinuod. Nanuod kami ng life hacks, mga funny videos ng pusa at mga paintings. Nang mag alas kwatro ay nagsiligo na kami at nagsipag bihis.

"Ate Niroh! Buti sumama ka!" Nakangiting sabi ni Jeongin nang makarating kami sa Booster. Nauna sila dito ni Jisung, inaya din namin sila at agad naman silang pumayag dahil mga walang daw silang magawa sa mga bahay bahay nila.

"Nakakainip sa bahay grabe! Buti nag yaya kayo!" Sabi naman ni Jisung.

Pumasok na kami sa loob ng Booster at naglaro. Puro kabataan din ang laman. Namumukaan ko yung iba, mga schoolmate namin nung elementary at middle school. Nakipag kamustahan lang kami sa kanila pero dedma na kami dahil di naman namin sila kaclose noon. Naglaro nalang kami ng naglaro. Nang magsawa kami sa paglalaro ay nag aya naman silang mag videoke.

"Tae! Ubos ang pera ko sayo eh! Dapat di ka na sumama!" Kanina pa pinapagalitan ni Kuya Woojin si Jeongin.

"Hehe, kuya naman..." As usual, nakangiti lang si Jeongin.

Ang lakas kasi ng loob sumama samin, wala namang dalang pera. Naiwan nya daw ang pera nya at tanging cellphone at arcade card ng Booster lang ang dala nya. Si Jisung kasi ang nagbayad ng taxi na sinakyan nila kanina, at ngayon naman ay pera ni Kuya Woojin ang ginagamit nya para mapakargahan ang card nya.

Imperfections | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon