05// Shin Niroh

75 2 0
                                    

05// Shin Niroh

"Love..." Nakaramdaman ako ng braso na yumakap sa akin. Nagmulat ako at nakita si Minho na nakaupo na sa tabi ko habang malawak ang ngiti. Humalik sya sa pisnge ko at hinawi ang mga hibla ng buhok ko na bahagyang tumatabing sa noo ko.

Umayos ako ng upo para maging magkalebel kami. Tinitigan ko ang maamo nyang mukha at minemorya ang bawat sulok at detalye nito.

Hindi ko alam kung panaginip ko ang masyadong perpekto, o sya ang perpekto. Teka, parang may mali sa mga pangyayari ah?

"Bakit ganyan ka makatitig? Ikaw ha, pinagnanasahan mo talaga ako!" Pinitik nya ang noo ko at tinawanan ako.

"Alam mo ikaw, kokonyatan na kita eh. Lagi ka nalang namimitik."

"Oh isa pa." At pinitik nya nanaman ang noo ko kaya nagsimangot simangutan ako.

"Minho..." Pagtawag ko sa pangalan nya

"Hmmm?"

"Wala. I love you." Parang umikot ang sikmura ko, nasusuka ba ako kinikilig? Ah, baka yung una.

"Niroh..."

"Hmmm?"

"Wala. I love you din."

Nagtawanan nalang kami. Para kaming mga siraulo diba? Mayamaya pa ay inalalayan nya ako para makatayo. Nagtaka ako pero tumayo narin ako. Malawak ang ngiti ni Minho habang pinapagpagan ang pantalon nya, ang pants ng aming school uniform.

"Bakit tayo tumayo?" Nagtatakang tanong ko habang pinapagpagan din skirt ng school uniform ko.

"Basta sumunod ka nalang." Inilipat nya ang ballcap nya sa ulo ko at hinawakan nya ang kamay ko.

He's leading our way. Pababa kami sa malawak na palayan na halos maging kulay dilaw na dahil sa sikat ng araw. Medyo tirik pa ang araw pero hindi naman nakakapaso ng balat ang sikat nito. Papunta na ito sa masukal at linang na parte ng Gimpo.

Kung totoong palayan ang nilalakaran namin ngayon, malamang ay nahimatay na ako dahil sa sobrang pagod. Pero panaginip lang ito, isang napakagandang panaginip kaya wala akong dapat na ikatakot. Hindi ako napapagod. Hindi ako nauuhaw. At hindi rin ako nagugutom. Wala akong ibang nararamdaman kundi ang pagwawala ng puso ko. Which is weird. Really weird.

"Minho, ang gaspang ng kamay mo..." Sabi ko habang papalapit na kami sa dulong bahagi ng palayan.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya at dinama ang magaspang nyang palad. It feels so real. Pero imposible. Kahit kailan, hindi ko mahahawakan ang kamay nya ng gaya nito. Hinding hindi.

"Magaspang pero hawak ka ng hawak?"

"Eh ano naman, sabi ko lang magaspang, may sinabi ba akong ayaw kong hawakan?" Ngumuso ako sa kanya at umangkla sa mga braso nya. Ang init talaga ng katawan nya. Isa ito sa mga bagay na sa kanya ko lang nararamdaman. Iba ang taglay nyang init. Kahit na alam kong nasa panaginip lahat ng ito, para syang bubay na buhay.

I am dreaming. I am aware of that. And because it's only a dream ay wala akong kontrol sa mga nangyayari. It feels like something is making me act this way. Something too powerful and I can't name it. Basta ang alam ko lang ay nananaginip ako, he's my step sister's boyfriend in reality but he's mine while I'm sleeping.

"Eh ano naman, sabi ko lang magaspang, may sinabi ba akong ayaw kong hawakan?" Pang gagaya nya sa akin gamit ang high pitched na boses.

Imperfections | Lee KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon