34// Shin Niroh

57 2 0
                                    

34// Shin Niroh

"Papunas!" Umupo si Seungmin sa tabi ko at iniharap sa akin ang pawisan nyang likod. Nasa gym ako ngayon at hinihintay si Minho, alas kwatro pa kasi ang labas nya samantalang alas tres naman kami pinalabas. Dito nalang muna ako para matingnan ko pa yung tatlo.

"Ni, tawagan mo nga si mama mamaya. Sabihin mo pag punta nila ng Seoul, isabay yung sapatos kong panlaro, yung binili ni papa sa Daegu. Alam na yun ni mama, ipaalala mo lang at baka malimutan."

Examinations na next week. At sa kasunod na linggo naman ay ang Sports Fest. Ito namang si Kim Seungmin ay hindi pa daw decided sa sapatos na gagamitin nya dahil nahihirapan daw syang pumili. Bumili sya last week pero parang hindi daw yun ang ideal shoes nya.

"Alam mo, mag bakya ka nalang sa laro mo. Nakakailang sapatos ka na, di ka parin nakakapili."

"Pag pangit ang shoes, pangit ang laro. Palibhasa di ka player eh."

"Ikaw, yabang yabang mo sa sapatos, amoy lungad ka naman."

Inayos ko ang towel nya sa likod at inilayo na sya sakin. Ayoko talaga sa amoy ng pawis pero iba talaga ang amoy ni Seungmin, amoy baby.

"Nasaan na ba si Kuya Minho? Umuwi ka na nga, dumale ka nanaman sa pang aasar mo."

"Heh, mamaya ka dyan. Tsaka hindi kita inaasar, totoong ganun ang amoy mo."

Sinimangutan lang ako ng tingin ni Seungmin. Nakaupo sya ngayon sa tabi ko at nagpapatuyo ng pawis, inayos ko muna ang gym bag nya dahil naglalabasan na ang mga medyas at towel nya.

"Yow mga insignificant people!" Si Changbin yan, nandito nanaman para magkalat ng virus nya.

"Wala kayong practice?" Tanong ni Jisung na umapir sa kanya.

"Mamaya pang alas singko. Hayyy, ang hirap maging gwapo noh? Paniguradong di nyo alam yun." Mayabang na sabi ni Changbin.

Sa totoo lang, gwapo naman talaga ang isang to. May hangin nga lang sa utak.

"Kuya Changbin, edi hindi mo din po alam yun hehe?" Inosenteng sabi ni Jeongin habang umiinom ng Gatorade.

"Alam mo Iyen, sa susunod talaga, hihigitin ko na yang braces mo."

"Ay, sinabi din yan sakin ni Kuya Woojin nung sinabihan ko syang maitim." Nakangiting sabi nya.

Umiling iling nalang ako. Ganyan na talaga sya. Sa sobrang inosente nya, kahit pagbantaan mo pa ang buong pamilya nya, hehe lang ang isasagot nya.

"Oh, nandyan ka na pala." Nag apir si Changbin at Minho. Labas na pala nya, hindi ko na namalayan ang oras.

"Kuya Minho, alisin mo na nga dito yan si Nini, nang aasar lang yan." Nakasimangot na sabi ni Seungmin.

"Grabe ka naman sa alisin ako, parang bagay lang ah."

Tumayo na ako at kinuha na ang mga gamit ko. Pupunta kasi kami ni Minho sa apartment dahil dun kami magtatapos ng mga requirements.

"Tsaka hindi kita inaasar, totoong amoy lungad ka, diba Ji?"

"Amoy gatas na natuyo sa leeg ng baby."

Lumapit na ako sa tabi ni Minho, may duty pa sya sa Placebo mamayang seven kaya kailangan na naming umuwi para matapos na yung mga kailangang tapusin. Hindi kasi kami pwedeng gumawa sa kwarto nya sa Placebo dahil bawal daw muna ang bisita sabi nung manager, si Ate Yeeun.

"Tara na?" Sabi ko sa kanya.

"Yan sige, alis na kayo. Ako dapat ang gwapo dito! Naepal pa si Kuya Minho." Natatawang sabi ni Changbin.

Imperfections | Lee KnowWhere stories live. Discover now