42// Shin Niroh

63 1 0
                                    

42// Shin Niroh

"Niroh, may plano kami ni Hyunjin para maalala ka na, makinig kang mabuti." Sabi ni Changbin habang naglalakad kami papunta sa apartment.

"Ano nanaman yan? Baka kalokohan yan?"

"Seryoso to! Approved na to ni Seungmin."

"Talaga?"

"Ang totoo nan, si Felix talaga ang unang nakaisip nito, kami lang ang mamimilit sayo na gawin mo."

"So ano nga yan? Kung si Felix ang nakaisip, medyo tiwala akong hindi kalokohan yan."

"Ibubulong ko sayo."

Lumapit naman si Changbin sa akin at bumulong. Nag init naman ang pisnge ko dahil sa sinabi nya.

Anong plano to? Nababaliw na ba silang lahat?

"Siraulo ka! Bakit ko naman gagawin yun?"

"Sige na Niroh, try mo lang, malay mo gumana diba." Natatawang sabi ni Ahna.

"Tsaka para sayo din to."

"Hindi ko kaya yun, nakakahiya!"

"Bakit ka pa mahihiya e nagawa mo na yun dati."

"Kaya nga, Nini. Para masanay ka na din." Nag apiran pa talaga si Hyunjin at Changbin dahil sa kabaliwan nila.

"Naku, sa sobrang tuwa ni Kuya Minho, babalik agad ang ala ala nun." Sabi ni Seungmin.

Hanggang sa makarating kami sa apartment ay pinipilit parin nila akong gawin yun. Lalo na si Ahna at Hyunjin na talagang pursigido! Aish! Itong mga to, sa dami ba naman ng paraan, bakit ito pa ang naisip nila?

"Yung mayamang kulot sa Boys Over Flower, naalala nya yung bidang babae nung na-trigger yung memory nya sa pool. Yung sa Hanayori Dango naman, naalala nya yung bidang babae nung natrap sila sa elevator. Kaya sure kami, yan ang paraan para matrigger ang memories nya tungkol sayo." Paliwanag ni Ahna habang nakaupo sa sofa ng apartment nila Seungmin.

"Wala na bang iba?"

"Nini, makinig ka ha. Diba nga, sa lahat ng encounter nyo ni Kuya Minho, ang pinakang may impact ay yung nabangga mo sya at nahawakan mo ang ano nya---"

"San nyo ba kasi narinig ang kwento na yan?" Nahihiya kong tanong.

"Kay Felix. Nilasing nila si Kuya Minho dati kaya nila  nalaman. Sila lang daw nila Kuya Chris at Kuya Woojin ang nakakaalam pero nakwento nya samin nung dun kami natulog."

"Iba nalang! Mahirap yan eh."

"Ano namang mahirap dun? Eh hahawakan mo lang naman." Inirapan pa ako ni Seungmin. "Hahawak ka lang, di mo aanuhin!"

"Heh!"

"Simple lang kasi yun, lumapit ka sa kanya at dakmain mo. Easy lang, diba?" At talagang inacting pa ni Changbin kung paano ko dadakmain.

"Ganito, lalapit ka sa kanya. Tas dakutin mo ng pailalim. Ganun lang kadali!"

"Ate Niroh, pag nagawa mo yun... edi masasanay ka na hehe." Nakangiting sabi ni Jeongin.

"Ali, Iyen! Alis kayo! Hindi ito usapang bata, para lang to sa matatanda!" Pananaway ni Hyunjin.

"Patawa si Kuya Hyunjin, edi dapat nandito sila Kuya Chris at Kuya Woojin kung usapang matanda to."

"Baka gusto mong i-demo ko pa yan." Sabi ni Ali at umirap pa talaga.

"Ah basta Niroh, gawin mo nalang!" Pamimilit nanaman ni Changbin.

Imperfections | Lee KnowDonde viven las historias. Descúbrelo ahora