Chapter 1 (Meet Pangga)

934 49 7
                                    

Pannga POV



"Pangga!!!"

Ayan, narinig ko na naman ang napaka-ganda kong pangalan mula sa di kagandahan kong Ina.
No offense Motherhood, pero ito'y katotohanan at pawang katotohanan lamang. Hihihi

Kung naririnig lang nya ang iniisip ko, siguradong nakaready na ang pagkasa at pagputok ng mala-armalite nyang bibig na ratatat na lang ang naiintindihan ko sa bilis ng kanyang pagsasalita.

"Po!!!"

Ganting sigaw ko. Mahirap nang pangalawahan ang sigaw ni Motherhood, siguradong tatalsik na naman ang tatlong araw na inipon ko sa'king teynga. Sabi nga ng matatanda, "Kapag may Itinanim may Aanihin" ang sabi ko naman "Kapag may inipon, may susungkitin"

....

....

Okay waley. Nevaahhhmaynd.

Dapat sasagot ka agad kapag tinatawag ka, baka bumuga sila ng lava. Hihi

"Andyan ka na naman? Naku'ng bata ka, sinasabi ko sayo kapag ikaw nahulog, hindi kita ipapagamot. Napakatigas talaga ng ulo mo, manang-mana ka sa iyong pinagmanahan. Dalaga kana at hindi na isang paslit! " sermon 101 from motherhood. Ito ang subject na kahit nakapikit ay memoryado ko na.

Andito kasi ako sa paborito kong tambayan, ang puno ng mangga sa aming likod bahay. Nasabi ko ba sa inyong mayroon akong tree house dito? (Malamang hindi pa) Sosyal diba may tree house. Pero of course, yari ito sa mga pinagtagpi-tagping tabla mula sa mga napapadpad na kahoy sa tabing dagat para sa sahig, at dahon ng niyog para sa bubong na mayroong one seat apart na pagitan, para masilayan ang kalangitan. Wala itong dingding para mas masilayan ang gandang di inaakala, ganda ng kapaligiran.hihi, (kala nyo ako ah.) Syempre dugo at pawis ang puhunan ko sa pagbuo nito.

Dugo sa ilong, mula sa walang katapusang sermon ni Motherhood, na kesyo ke-babae kong tao ang hilig-hilig ko umakyat ng puno, wala naman daw akong mapapala sa ginagawa ko. Na kapag nahulog, bali katawan ratay sa higaan kain lugaw.

At pawis, mula sa pag-akyat at baba sa puno with lawit dila na parang aso mula sa ibat-ibang bigat ng mga kahoy.

Sulit naman pagkatapos. Masaya kasi kapag pinaghirapan mo talaga. Worth it kumbaga. Ilang years na din ang tree house ko at kada buwan dumadaan sa renovation. Palit bubong only.

Yung sinasabi naman ni Motherhood na baka ako mahulog sa puno, naku...malabong mangyari yun. Tulad ng sinasabi ng ibang taga-rito sa amin, ako si Pangga "The Unggoy". Oh diba ang babait nila kasi naisipan pa nilang ikumpara ako sa hayop dahil sa napakaganda kong talento, kaya mahal na mahal ko sila. Sobra...na tipong dadaan sila ay papatirin ko tapos lingon sa kanan at sa kaliwa, kunwari inosente kapag nakita mong nadapa. Hihi (evil witch laugh) pero syempre biro lang. Ang bait ko kaya.

Elementary ng natutuhan kong umakyat ng puno. May policy kasi nuon ang mga kalaro ko, ang hindi marunong umakyat walang mangga at bayabas. Magdudusa ka sa ibaba habang sila sarap na sarap sa itaas na habang ngumunguya tumitingin pa sayo sabay hmmmm, saraaap. In short, patay gutom sila. Kaya kahit nanginginig ang tuhod hindi ako nagpatalo alang-alang sa mangga at bayabas. (A/N: sino naranasan ito? Hihi)

Balik tayo kay Motherhood.

"Bumaba ka na dyan at naku talaga makukurot kita sa singit."
Sigaw nya ulit mula sa ibaba ng puno. Ouch lang ang kurot sa singit, bakit karamihan sa mga nanay dun gusto kumurot kapag pasaway ang anak? Hindi ba pwedeng mag-level up or maka-graduate sa kurot kasi dalaga na? Naku hindi pwede kay motherhood yan, ako lang nagpapasaya sa kanya. Haha

Lumingon ako sa kanya at ayun nakapameywang pa ang Motherhood ko. Di ko namalayan nakalapit na pala sya. Kasi ini-enjoy ko ang ganda ng sikat ng araw at pagka-asul ng tubig sa karagatan. Kung may favorite ako, ito na yun. Nakakabusog na tanawin.

The Cold and Wapakels?Where stories live. Discover now